"Sleep now, Serena."
Bagsak na ang mga mata ni Ezekiel nang matapos siya sa kaniyang ginagawa.
Sa wakas ay tumayo na siya mula roon sa kaniyang kinauupuan sa opisina. Parang ako ang napagod at nangawit para sa kaniya, kahit pa pinapanood ko lang siya ngayon sa screen ng cellphone.
"Magpahinga ka na rin," tipid na ngiti kong saad. "Ibaba ko na 'to."
Nilapit niya ang cellphone sa kaniyang mukha habang naglalakad. "Tatawag ka ulit bukas?"
Napataas ang dalawa kong kilay. "Gusto mo ba? 'Di ka ba nababahala na may hawak akong cellphone ngayon at kung sino tawagan ko?"
Kahit anong anggulo niya paikut-ikutin ang camera ay hindi maipagkakaila ang kaperperktuhan ng kilay, mata, ilong, labi, at panga niya. Mukha talaga siyang artista. Ay hindi, mas mukha pa siyang artista kaysa sa lahat ng artista rito sa bansa.
Kung nag-artista lang siya, edi sana, baka siya pa ang naging ka-loveteam ko.
"Don't worry, once I get back, I'll have that phone checked." seryosong tugon niyang bigla sa akin. "If you break it or try to hide anything, I'll send our son away. You're not going to see him for at least a month."
Napaawang ang labi ko. "A-Ang sama mo!"
"That fact never changes. You just have to behave well, so nothing bad will happen." may pambabanta pa niya.
No wonder the past me was so afraid of you!
"Tsk!" napaasik ako at naisalampak ang ulo ko sa unan, habang hindi parin inaalis ang paningin sa kaniya. "My son is already here. I have no reason to contact anyone but you."
"So tatawag ka parin bukas?"
"Gusto mo nga? Na tumawag ako? Panoorin ka ulit diyan sa ginagawa mo?" awtomatikong tumaas ang sulok ng labi ko.
"Whatever," inismiran niya ako. "Tumawag ka lang kung gusto mo. I'll have Ramil deliver a new phone for you. Kaya ibalik mo na 'yan kay Panying."
Lumiwanag ang mukha ko. "T-Talaga? Pwede na 'ko magka-cellphone?"
"It's alright, I guess. Just don't do something stupid, Serena."
"I won't!"
"Then it will be fine. I'll... trust you."
Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay may kiliting dumaloy sa kalamnan ko.
"Salamat," lihim kong kinurot ang daliri ko upang pigiling mapangiti ng malaki. "Matulog ka na. Matutulog na rin ako. Tatawag na lang ako bukas ulit."
"Yeah, good night." pumasok siya sa elevator.
"Good night." Sa wakas ay binaba ko na ang tawag.
Napakawala ako ng malalim na hininga at napatingala sa kisame. Kahit anong pigil ko ay kumakawala ang ngiti sa aking labi.
Kahit papaano, at least nasabi niyang pagkakatiwalaan niya ako!
Dahil sa pag-iisip ay hindi agad ako nakatulog 'di gaya ng inaasahan. Kaya naman bumangon akong muli paalis sa kama, maingat na hindi maistorbo si Duziell, saka lumabas ng kwarto.
Balak ko sanang ibalik na kay Panying ang cellphone, dahil paubos na rin ang battery niyon.
Subalit bago pa ako makatungo sa gawi ng kaniyang kwarto ay may anino na nahagip ang paningin ko mula sa maid's quarter.
Kuryoso akong napamartsa upang sundan ang taong iyon. Kumunot pa ang noo ko sa pamilyar na imaheng nakatayo sa labas ng aking kwarto.
"Excuse me?" dahil hindi ko alam ang pangalan niya ay hindi ko siya natawag ng maayos.
Nakita kong nanigas siya sa kinatatayuan at dali-daling napalingon sa akin.
"A-Ate Serena!" halatang gulat siya sa aking presensya.
Naagaw ang pansin ko sa hawak-hawak niyang piraso ng papel, na mabilis din niyang tinago sa kaniyang likuran.
Gano'n na lang ang pamumutla ng mukha niya.
"Anong ginagawa mo rito... bagong chef?" mabilis akong nagduda sa kinikilos niya. "Anong ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko?"
Siya itong bagong chef na dalaga na halos iilang beses ko lang din nakikitang pakalat-kalat sa loob ng mansyon. Siya lang din itong tumatawag sa akin ng 'ate'.
"A-Ano po... wala po," napaatras siya, animoy natatakot sa akin.
Naitabingi ko ang aking ulo. "May kailangan ka ba?"
"Wala po," napatuwid siya ng tayo. "Napadaan lang... mauuna na po ako."
Tinalikuran niya ako at mabilis na naihakbang ang knaiyang mga binti. Sualit mas mabilis akong nakakilos para habulin ang piraso ng papel na kaniyang hawak at agawin iyon.
"'Wag!" nabibigla siyang napalingon sa akin at tinangka pang kunin pabalik sa aking mga kamay.
Tinulak ko siya at tinaliman ng paningin. "Acting suspicious, and you think I'll let you get away with it? Sino ka ba?"
Nakaita kong natitigilan siya at hindi makaimik. May nanlalaki lamang na mga mata siyang nakatingin sa akin at sa piraso ng papel na hawak ko---na napagtatanto kong isang maliit na puting envelope.
"U-Um... kasi," halata siyang kinakabahan ngayon.
For some reason, seeing her with the same reaction, she really looked like someone I'm very familiar with.
Kamukha niya si...
"Anong pangalan mo?" kinukutuban kong tanong sa kaniya. Mas lumapit ako at hinawakan ang isa niyang braso kung sakaling takbuhan niya ako. "Anong pangalan mo?"
"F-Freya po."
"Surname? Freya what?"
Nang hindi siya agad tumugon ay dinugtungan ko na ang tanong ko dala ng pagkainip. "Flores ba? Kaano-ano mo si Faye Flores?"
Ganoon ko na lang siya titigan nang may matinding tensyon. Samantalang bumilis naman ang naging paghinga niya. Kasunod niyon ang pangingilid ng mga luha sa mga mata niya.
"A.. A-Ate ko po siya." kumibot-kiibot ang kaniyang mga labi. "Pinatay si ate ng De Silva.."
Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok. Bumilis ang naging pagtibok ng puso ko at kaagad na pinanlamigan ng mga kamay.
S-Si Faye... pinatay siya ni Ezekiel.
Awtomatiko kong nabitawan ang kamay niya at ilang beses na napakurap-kurap. Pilit kong binabalik sa wisyo ang sarili ko, saka nahihilong napatingin sa puting envelope.
"A-Anong meron dito?"
"Sulat niya na natagpuan ko sa kwarto niya," napayuko siya, sumisinghap ng hangin ngunit nilalabanan ang panginginig ng boses. "Sana po mapatawad niyo si ate Faye, ate... k-kahit na nagawa niya 'yon, h-hindi naman po siya nararapat bawian ng buhay na para bang gano'n na lang kadali 'yon..."
May pagtatanong at pagtataka akong napatitig sa kaniya. "N-Nagawa niya? Ang alin?"
Napaangat siya ng paningin sa akin na may namumulang mga mata. "Ang utos po ng babaeng De Silva."
"Anong... sinong babae?"
"H-Hindi ko po maintindihan, ate. Kung bakit kailangan pa siyang patayin ng babaeng 'yon. M-Maniwala ka, nagawa lang ni ate ang inutos niya dahil kailangan naminng magamot si mama!"
"B-Babaeng De Silva?" naikuyom ko ang mga kamao ko. "Sinasabi mo bang... Si Raquel ang pumatay kay Faye?"
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...