KABANATA 59

11 0 0
                                    


"Ma'am SERENA, Sir Heskel! Nagkagatan ba kayong dalawa at ganiyan na lang ang pamamaga ng mga mata ninyo?!"

Nagugulat na nagsasalit ng tingin ang mga mata ni Panying sa aming dalawa ni Ezekiel kinaumagahan.

Wala pa kaming tulog dalawa dahil sa nangyaring iyakan kagabi. Sa tingin ko'y hindi lang ang mga mata namin ang parehong namamaga, kundi na rin pati ang mga ilong at labi namin.

Humigpit ang mga pagkakapulupot ng mga daliri ni Ezekiel sa aking kamay. Habang karga sa kaliwa niyang bisig si Duziell na halos kagigising lang din at walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"What do you want to eat for breakfast, my wife?" marahang pukaw sa akin ni Ezekiel.

Ngumuso ako upang pigilin ang mapangiti. "Kahit ano lang, lahat naman kinakain ko."

"Well, try eating me then." aniya sa mababang boses.

Napaintag ako at nahampas siya sa braso. "Baliw!"

"Ouch." umakto siyang nasaktan, kahit halata sa boses niyang wala siyang naramdaman.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng magkabilang sulok ng labi ko. "Try ko mamaya..."

Agad na umaliwalas ang mukha niya. Sumilay ang magaganda niyang ngiti. "Really?"

"Oo nga..." Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi saka napaiwas ng paningin.

Nagtama ang paningin naming dalawa ni Panying, halata parin sa mukha niya ang gulat. Ilang beses siyang kumurap-kurap bago napakiramdaman ang armonya sa ere.

"O-Oh siya! Pumuwesto na kayo sa dining room at pamamadaliin ko na si Freya sa pagluluto!" natataranta niyang saad bago magtungo sa direksyon ng dirty kitchen.

Naupo ako sa katabi ni Ezekiel, habang kinakandong niya sa kaniyang hita si Duziell, hindi gaya noong magkaharapan kaming nakaupo.

"Shall we go shopping and buy everything you need?" tanong ni Ezekiel sa 'kin.

"Hmm? Pwede? Kailan?" nagugulat at nananabik ko ring tanong. "Papayagan mo na 'kong lumabas?"

Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. "Why not? I'm sorry for keeping you locked up here... I'm too toxic. I'm sorry..." humalik siya sa aking pisngi. "Forgive me, hm?"

Hinuli ko ang labi niya at dinampihan din siya ng halik sa labi. "No, thank you for locking me up here. Isipin mo na lang kung hindi mo 'yun ginawa, mahuhuli na naman ako sa patibong ni Raquel."

Napaisip siya at agad ding nakahinga ng maluwag. Dahil sa totoo lang, kung hindi niya ako hinanap o kung hindi niya ako kinulong dito sa loob at hindi hinahayaang makapasok si Raquel ay matagal na akong patay.

Hindi ko malalaman ang kahahantungan ko kapag muli pa akong mapasa-kamay ng traydor na babaeng 'yon. Subalit base sa mga pinagdaanan ko kay Brantley, para bang gusto na niya akong wakasan matapo pahirapan.

At isang araw ay malalaman ko rin kung bakit niya ginagawa lahat ng ito, hindi lang sa 'kin, kundi na rin kay Ezekiel.

"Let's go out tomorrow." anyaya niya.

"Bukas agad?"

"If you want to. Bilhin natin lahat ng kailangan mo at ng anak natin. We'll also have to buy decorations for his room, and we'll have to buy everything we need for our new bedroom. Let's not do anything for this whole week but shopping. Shall we?" naroon ang pananabik sa boses niya.

"Then, can you let me decorate your mansion? Outdated na mga gamit dito sa loob. Marami rin ang kailangan baguhin tapos ayusin, lalo na sa living room. Walang nagbago three years ago, itong dining room, bakit ba lumiit lamesa mo at naging apat na lang upuan?" sunod-sunod ko pang sabi.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon