KABANATA 80

11 0 0
                                    



Noon, pinag-isipan ko ito ng mabuti; kung mapapatawad ko ba si Raquel sa mga kasalanan na ginawa niya sa amin kung hihingi siya ng kapatawaran o hindi? Magagawa ko kaya siyang hayaan na lang, mabulok sa bilangguan at ituring iyong hustisya sa kabila ng lahat ng ginawa niya?

Dahil alam ko sa sarili kong malambot ang puso ko, mabilis maimpluwensyahan, mabilis masuyo, at mabilis magbago. Sa tingin ko nga'y, kaya kong mapatawad si Raquel balang araw.

Subalit noong harap-harapan kong makabuno ang kamatayan ay natawa na lang ako sa sarili ko. Noong nag-aagaw buhay na ako at nakakakita ng liwanag sa dilim, gusto kong insultuhin ang sarili ko sa isiping, kaya kong mapatawad ang hayop na babaeng 'yon.

Ilang beses niyang pinagtangkaan ang buhay ko. Kung sana nga ay hanggang sa kamatayan ko lang nagtatapos ang lahat ng problema eh, pero hindi! Maiiwan kong mag-isa ang anak at asawa ko.

Paano na lang sila kapag nawala ako? Magiging maayos kaya sila? Magiging pamilya parin kaya sila? Ano na lang ang mangyayari kung talagang maiwan ko sila rito sa lupa?

Will Ezekiel marry someone else? Or will he kill himself? Will Duziell grow to be a miserable man after all that? Sunod-sunod na mga katanungan ang bumabalot sa akin sa matagal na pagkahimlay sa kama na iyon.

Ilang beses ko ring tinanong ang Diyos kung nararapat ba na mangyari ang lahat ng ito sa amin? Nararapat ba na kahit wala kaming masamang ginagawang pamilya, ay magkawatak dahil lang sa kahayupan ng iba?

Dahil hindi masosolusyunan ng pagkamatay ko ang lahat-lahat sa mga nangyari noon. Kailangang managot ng mga taong sangkot sa gulo. Hindi ako pumapayag na basta na lang mabura ang pangalan ko sa listahan na gustong ipatumba ni Raquel.

At oo, wala pang isang linggo sa hospital ay nagawa kong makaligtas sa bingit ng kamatayan. Sa isang linggo na 'yon ay nadatnan ko na kaagad kung gaano ka-miserable si Ezekiel. Sa maikling panahon ay malaki na agad ang binagsak ng katawan niya. Paano na lang kaya talaga kung hindi pa ako gumising?

Nasaksihan ko kung paano niya ako iyakan na para bang anumang oras ay mawawala ako sa piling niya. Noon ko lang nailarawan ang sinabi ni Panying sa akin na halos magpakamatay siya noong iniwan ko siya para sumama sa ibang lalaki.

Ezekiel truly loved me with all of his heart. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para mahalin niya ako ng ganoon kalalim. Pero ngayon ay sigurado na akong lahat-lahat ay gagawin ko para bigyan siya ng dahilan na mahalin ako ng ganoon.

What happened to me gave me strength to carry on a plan against Raquel. Nagpalit kami ng mga ideya at diskusyon ni Ezekiel laban kina Raquel at Brantley.

This is the first time my morals were set aside, and I don't even care about them now. They play dirty, so why can't I?

""Muli na namang umingay sa media ang De Silva family sa naturang insidente ng paglabas umano ng isang sensitibo at malaswang video ng anak ng businesswoman na si Elizabeth De Silva, na si Raquel De Silva. Ang pinangyarihan ng insidente ay mismo pa sa ginaganap na business event ng Esabella Green Holdings! Ito ay live na pinapalabas sa kanilang social media page na libo-libong katao ang nakapanood. Kahit pa ni-turn over na ang video, marami namang naka-record nito at patuloy paring pinapakalat sa internet! Alamin ang lahat sa ulat ni Cas Domingo!---""

Raquel gets what she deserves. Matapos ng sagutan namin sa hotel ay hindi ko na inalam pa ang balak gawin sa kaniya ni Ezekiel, kahit pa alam ko na sa sarili ko ang mangyayari sa kaniya sa huli.

Pansin ko rin na malaki talaga ang binago ng droga kay Raquel. Dahil hindi na tuwid ang pag-iisip niya at naging duwag na siya na hindi ko pa noon nakita sa kaniya.

Nakilala ko siya bilang matapang at makapal ang mukha na babae. Kakatawa lang isipin na taglay na niya ngayon ang katangian ng mga babae na pinaka-inaayawan niya.

Pinatay ko ang telebisyon pagkatapos marinig ang kanina pa inaabangan sa balita ngayong gabi. Puno ng pagkatuwa akong nagtungo sa dining room kung saan naghihintay na sina Ezekiel at Duziell sa hapagkainan.

"Wife, let's eat na, before the soup gets cold." anyaya sa akin ni Ezekiel.

May ngiti akong tumabi sa kinauupuan niya. "Yes! Ang sarap talaga sa pakiramdam na makabalik na rito sa mansyon at kumain kasama ka!"

May pigil na ngiti niya akong sinandukan ng kanin at nilagyan ng mainit na sabaw ang mangkok ko. "Yeah, I know. Pero mas masarap sa pakiramdam kapag sa kama na tayo magkasama."

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "Oo naman. Mas masarap kang kainin eh."

"Wha," bigla siyang napahalakhak at pinanggigilan ang ilong ko na pinisil. "Don't provoke me just yet, or you're gonna end up screaming in pleasure in bed. Makakatulog ka sa sarap."

"Talaga, ah?" pinaningkitan ko siya ng mga mata at may pananabik siyang tiningnan.

"I want to sleep with Mama and Papa too!" matining na boses ni Duziell ang umagaw sa pansin namin. Nakaupo siya sa tabi ni Ezekiel, kalat-kalat na kumakain na sa sarili niyang mga kamay.

"Oh no," si Ezekiel agad ang nakatugon. "You have your own room. Sleep alone, son."

"Papa!" nanpanguso siya. "But I miss you!"

"Aww," lumambot ang puso ko.

Dahil sa mga nangyari ay kaming dalawa lang palagi ang magkasama ni Duziell. Dahil nilalayo kami ni Ezekiel sa kapahamakan ay napag-usapan na naming hindi muna kami magkikita habang isinasagawa niya ang plano nang mag-isa.

Sa mga panahong iyon ay ilang beses sinabi sa akin ni Duziell na miss na niya ang papa niya kahit pa palagian niya itong nakikita sa video call.

"B-But..." napanguso rin si Ezekiel. "I also miss mama."

"It's okay!" pagdedesisyon ko. "Matulog na lang tayo nang magkakatabi mamaya, okay?"

"Yey!"

Nagsusumamo ang mukha na bumaling sa akin ni Ezekiel. "Pero, 'di ba?"

Hindi ko maiwasang mapatawa. "Oo, masosolo mo parin ako, 'pag tulog na siya."

"Oh," mabilis na nagliwanag ang mukha niya. "Alright! Then, let's hurry up and eat."



SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon