EPILOGO

12 0 0
                                    






Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.

He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.

Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.

He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.

Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.

At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.

Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.

He wanted to die because of the pain at that moment. Always pretending like he turned ice-cold and unbothered by everything.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, habang walang buhay na nanonood sa telebisyon ng kaniyang kwarto, ay napasadahan niya ang isang batang artista na gumaganap sa isang palabas.

She's obviously younger than him. With cute big eyes, a small nose, and thin lips. Her wavy hair is so long that it almost occupies her upper body. Such a pretty little actress with a tiny voice.

"Serena Laurel" was her name.

Sa loob ng madilim na kwarto, ang tanging liwanag lang na makikita ay ang nagmumula sa screen ng telebisyon, at ang pinapanood niya ay ang unang palabas na pinagbibidahan ng child star.

"She... has a high probability of getting famous five years from now," he even predicted.

She caught his interest for some reason. He started watching every episode of her teleserye and he's not even focusing on the story but solely on her.

He learned to smile and laugh again because of her corny lines and jokes. Watching her in every interview comforted him, and his depression would suddenly be forgotten.

Iyon din ang unang pagkakataon na natakot sa sarili, iniisip na siya ay nababaliw o may malubhang sakit, nang maramdaman ang kakaibang paraan ng pagtibok ng kaniyang puso sa unang pagkakataon.

Tumatakas siya sa tutoring at group study para lamang masubaybayan ang mga sumunod na palabas ni Serena tuwing tanghali at hapon.

Nakahanap siya ng comfort sa panonood kay Serena Laurel, halos hindi niya gustuhing umalis sa kwarto niya dahil sa kakaibang pakiramdam na binibigay niyon.

He knew that wasn't healthy, and there's a high chance that there is something wrong with him. Kung kaya't napagdesisyunan na niyang itgil ang panonood ng telebisyon at maiwasan na makita ang artista na iyon. Sa tingin niya'y gumaling naman na ang sugat sa kaniyang puso sa mga lumipas na nangyari sa kaniyang pamilya.

But still, reality stinks. Bumalik siya sa walang kagana-ganang buhay. Nakikipaghalubilo siya sa iba't-ibang tao kada araw at nagpaplano ng mga gusto niyang gawin o marating balang-araw, subalit may malaking kulang.

Noong hagilapin niyang muli sa social media ang kinababaliwang artista, nakita niyang isa na itong ganap dalaga.

Her eyes are no longer big and cute but have become fierce and seductive. Her lips got thick because of lipstick. She no longer possesses the child body but rather a grown lady. Making everyone attracted to her.

His heart beated wildly, staring at her pictures online for hours.

Is this truly Serena Laurel?

"I... want to have her," he said, shocked when he heard his own whisper.

He would never have predicted he would have a thing called obsession, stronger than love for her. He scares himself with that thought: Paano na lang kaya kapag malaman iyon ng inosenteng artista?

Sibukan niya lahat ng makakaya para pigilan ang nararamdaman at ibaon iyon sa limot. Subalit palagi niya paring binabalik-balikan na animo'y isang nakakabaliw na droga.

"I really want to have her. Make her mine. I want more of her," he said, doing unspeakable things behind her knowledge. His desire for her grew even bigger than he anticipated.

He hated himself for loving someone in the most uncommon way. Kung kaya't wala siyang mahingan ng mga payo o suggerimento ng dapat niyang gawin.

What kind of love and obsession grew at the same time that he knew would scare her away if he told her how he felt? How can he be normal?

Makailang ulit niyang tinakasan iyon, humanap ng kapalit at makapagbabago sa kaniya. Subalit paulit-ulit na walang nangyayari. Hindi siya makukuntento sa buhay nang hindi makukuha si Serena Laurel.

Kung kaya't kahit maraming sinabi si Raquel na masama tungkol sa babae, pinili niyang isarado ang tainga at gawin ang planong pagpapakasal kay Serena.

And that was the best decision he made in his entire life.

Napasakaniya nang lubos si Serena. Hindi nito alam kung gaano niya kinababaliwan ang mukha, katawan, at pag-uugali nito sa totoong buhay. He wanted to spoil her, give her everything she wished for, and just own her.

Ang akala niya'y mahabang panahon ang nakalaan para matutunan din siya nitong mahalin. Subalit sa hindi katanggap-tanggap na pangyayari ay iniwan siya nito para sumama sa ibang lalaki.

He almost went crazy looking for her, searching for her trace, and he almost attempted suicide when he couldn't find her.

Ang yugto sa buhay niyang iyon ay nakakabaliw na hinding-hindi niya gugustuhing balikang muli.

When he found her, he knew he could never let her go again, even if it meant locking her up forever.

He could kill people just to have her. He could do every horrifying thing to those people who wanted to ruin their marriage.

Subalit ang madilim niyang pagkatao na iyon ay naglalahong bigla sa tuwing kaharap si Serena. Noong pinapanood niya ito ngayong naglalakad suot ang wedding gown ay bumalik lahat ng mga malulungkot at masasaya niyang alaala sa asawa. Dahilan ng pagtakas ng mga luha sa kaniyang mga mata.

They did suffer enough just to get to this point.

At ngayon, alam niya sa sarili niyang mahal na mahal na rin siya ni Serena. Ang nooy' inaasam-asam at pinapangarap lang na makuha ay narito na ngayon sa kaniyang harapan.

"Serena, tinatanggap mo ba si Ezekiel bilang iyong asawa? Handa ka bang ibigay ang iyong buong puso at magmahal sa kanya habang buhay?" tanong ng pari.

"Opo," sagot ni Serena, ang kaniyang tinig ay puno ng tamis at kagalakan.

"Ezekiel, tinatanggap mo ba si Serena bilang iyong asawa? Handa ka bang pangalagaan siya at magmahal sa kanya habang buhay?" tanong muli ng pari.

"Opo," maos na tugon ni Ezekiel.

Umalingawngaw ang hudyat ng pari, "Ngayon, maaari mo nang halikan ang iyong asawa!"

Umingay ang palakpakan at hiyawan ng mga bisita sa loob. Ang halos ng mga naroon ay mga kalapit na tauhan ni Ezekiel at kasangguni sa trabaho, maliban sa mga tao sa mansyon at mga kalapit na kaibigan ni Serena na mga artista.

Ezekiel lifted up Serena's veil, unveiling her goddess beauty, which melted his heart.

"My wife." namamasa at namumula ang kaniyang mga mata na tumigil ng malalim sa asawa. Ang dalawang palad niya ay humaplos sa magkabilang malambot na pisngi nito. "Serena..."

Muli na namang nanlabo ang mga mata niya sa saya na nararanasan ngayon.

"Mahal ko, Ezekiel." Samantalang nagkikisalapan naman ang mga mata at ngipin ni Serena sa pagkakangiti, hindi maitago ang pagkatuwa sa kanya. "Halikan mo na raw ako mahal, angkinin mo 'ko."

Kumawala ang marahang tawa sa kaniyang bibig, walang anu-ano'y siniilan ng matamis at malalim na halik si Serena na tila ba'y walang katao-tao sa paligid.

"I will forever cherish you, my wife, mahal ko, Serena." madamdaming pangako ni Ezekiel.

"I will do too, mahal kong Ezekiel."



WAKAS


SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon