Part 1

14.7K 15 1
                                    


MAAGANG NAULILA SI Rico sa ama. Nabaril ang kanyang Tatay sa isang operations. Isang batang abogado at NBI special agent ang yumaong ama ni Rico ng masawi ito sa isang shoot-out laban sa mga carnapper sa Mandaluyong.

Masakit para sa mag ina ang maiwan ng maaga ng kanilang padre de pamilya.

High school teacher ang Nanay ni Rico sa isang malaking pamantasan sa Manila -- si Janette.

Ngunit dahil di sapat ang kinikita ng kanyang Nanay sa pagtuturo, nahikayat itong mangimbang bansa at pumunta sa estados unidos, upang magturo ng High School doon, dalawang taon matapos maulila sa ama.

Umiiyak si Rico habang ipinapaliwanag ng Ina ang kanilang kalagayan. Magandang oportunidad ang nakikita nito sa pag punta sa US, kaya't masakit man sa ina, kailangan nilang dalawang mag sakripisyo.

Iniwan si Rico ng kanyang Nanay sa lolo't lola nito sa Lucena City. Masakit ang loob ni Rico na iwan ang kanyang mga kababata, mga kaibigan sa Manila, pero dahil ito ang pinaka-magandang desisyon para sa kanya -- walang nagawa si Rico kundi sumunod sa kanilang kagustuhan.

Mabait at masunuring bata si Rico sa piling ng kanyang mga Lolo. May mga barkada siya nabibilang lamang. Malaking tao si Rico high school pa lamang ito, 5-11 na ang height nito.

Nakahiligan ang lahat ng sports, mula sa basketball hanggang sa karate. Kaya naman maliban sa kanyang taas, naka-tono rin ang kanyang mga muscles sa katawan.

At kagaya ng Tatay nito, balbon si Rico. Kaya ng tomongtong ito ng college, marami na ang nakakanpasin sa matipono niyang pangangatawan.

Isa lang ang kantiyaw sa kanya ng mga kaklase. Masyadong torpe si Rico. Kahit babae na mismo ang lumalapit sa kanya -- wala pa ring karanasan sa "sex" ang binata.

Napagkakamalan tuloy itong bakla ng mga kaklase. Ngunit di ito pinapasin ng binatilyo. Alam niyang siya ay tunay na lalaki, at babae ang kanyang gusto. Hindi siya bakla, alam niya ito sa sarili.

Ang Nanay niya, Si Janette ay matalino at mistisang chinita ng mapangasawa nito ang kasintahan si Joey.

Nakatira si Joey sa malapit sa tiyahin nina Janette na siyang nag-papaaral sa kanya, kaya mula high school sila na parate ang magkasama hanggang sa eskwela.

Pareho sana nilang nais na maging doctor kaya parehong BS BIOLOGY ang kinuha nila sa kolehiyo. Hanggang mabuntis si Janette ni Joey sa edad na 18, habang nasa second year sila.

Closet Romance (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon