Part 85

2.9K 4 0
                                    


"Kasi Rico, buti naman at nakita kita may sasabihin ako sa yo eh..." sabi ng dating teacher ni Rico.

"Ok.." Nasabi ng binata habang pinag mamasdan si Janette, pumasok sa elevator.

Mag isa lang. Sumandal sa wall.. Pasara na ang door, nag senyas ng daliri si Janette.

'Let's go...'

Pero taranta ang binata, hanggang tuluyang mag sara ang pinto ng elevator.

"Meron kasing nag hahanap ng mga fresh graduates sa company ng kaibigan ko, steel industry dito sa atin, baka kako interesado ka.." Sabi ng Teacher.."

"Ganun ba sir..." Medyo bad trip ang mood ni Rico pero hindi nag pahalata.

"Baka pwede i-try ko puntahan next month.

"Sige-sige, irerekomenda kita, personally.." Sabi uli ng teacher.

"Ito, itong calling card." Nag hugot sa wallet. "Yan... tawagan mo yang taong yan, ako na ang mag pa-follow-up..."

Kinuha ni Rico ang calling card. Binasa.

"Thank you sir.....

'got to go.."

"Girlfriend mo ba yun..?" Tanong ng teacher..

"Opo.."

"Loko, ganda ah..." naka ngiting aso ang teacher.

"O pano, babalik na ako sa ball, may christmas party yung fraternity namin eh... ha.."

"Okey sir.. thank you..."

Nag hiwalay ang dalawa, nag hintay muli ng elevator. Pero ang tagal bago dumating sa baba.

-------------------

Pagdating ni Rico sa room nila, may nakasunod na room boy.

May dalang tray na may champaign na naka silid sa ice bucket at dalawang champaign glass. Nakatayo si Rico, sa kanilang pintuan.

Tumayo din ang waiter sa kanyang likuran.

"Dito ba yan..?" Tanong ni Rico.

"Yes sir"... Sagot ng waiter.

"Ako na lang.." Tapos dumukot ng pera si Rico, naka kuha ng 100 bill.

"Ito... brod.." iinabot ang tip.

"Thank you sir.. baka kung may kailangan pa kayo.."

"Hindi wala na.." Mabilis na sagot ng binata.

Tumalikod ang waiter, ng mawala ito sa corner, kumatok ng marahan si Rico.

"Room Service.." Sabi nito sa labas ng pinto.

Ilang saglit lang - - narinig niya nag unlock ang pinto, at marahang bumuka.

Sumilip si Janette nakita ang hawak niyang tray. Napa ngiti.

Lumingon sa labas ng kwarto.

"Guwapo naman ng waiter.." Sabi ni Janette. Sabay binuksan nito ang pinto.

Wala na ang balabal at tanging ang manipis na dress ni Janette. Naka yapak na rin din ito.

Pumasok si Rico.

Inilapag ang Tray sa maliit na table.

Alas dyes na ng gabi, ramdam nila ang ingay sa labas - - malapit ng mag pasko.

Malapit na rin ang birthday ni Rico.

Nakaupo si Janette sa mini-sofa ng kanilang kwarto sa hotel, malapit lang ito sa kama.


Closet Romance (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon