Sa Makati Medical Center, matiyagang nag babantay si Rico sa Lola nito. Maraming test ang pinag daanan, hanggang sabihin ng doctor sa kanya na bagsak na ang kidney ng kanyang lola.Ang mga options of possible survival ay kidney transplant at para maextend ang buhay, kinakailangan ang dialysis.
Di siya maka decide, mahal niya ang lola, kaya't hangad niya na madugtongan pa ang buhay nito.
"Kakausapin ko po mother ko pag dating" sabi ni Rico sa Doctor.
Biernes, mag-aalas dos ng madaling araw, umalis si Rico sa tabi ng Lola, upang magkape sa canteen.
Makalipas ang tatlong pung minuto na pag tambay sa canteen, bumalik ito sa kwarto.
Bubuksan pa lang niya ang pinto ng may marinig siyang nag bubulungan sa loob ng kwarto. 'May tao'.. sabi niya sa sarili.
Pagbukas niya ng pinto -- gising ang kanyang lola at may kausap, nakaupo at nakatalikod, ngunit napalingon kapwa ito ng pumasok si Rico.
Kinabahan si Rico, isang ilaw lang mula sa lamp shade ang liwanag ng kwarto, pero kitang kita niya ang magandang babae na kausap ng kanyang lola, hindi siya maaring magkamali -- ang kanyang Nanay.
Natigilan si Rico, hindi alam ang sasabihin.
Nauna ang ang Lola niya.. "Rico, Mama mo... si mama mo..."
"Ma.." sabi ni Rico.
Si Janette, napatayo sa kinauupuan, gustong lumundag, kung di nga lang madaling araw at wala sila sa hospital, gusto niyang sumigaw. Mabilis na lumapit ito sa anak. Umiiyak si Janette.
Niyakap ng mahigpit si Rico.
"I miss you Rico.."
"Ma" niyakap din ng mahigpit ang ina ito.
Matapos ang ilang minuto, naupo ang mag ina sa tabi ng Lola na may sakit.
Gising ito, ramdam ang kasiyahan sa pag uwi ng kanyang kaisa-isang anak.