Sa La Trinindad, malapit sa Baguio City, nahanap nila ang matanda na pinsan ni Lola Remedios, si Aling Magda. Maikling kwentuhan, at kumustahan -- at saka sila dinala sa isang lugar na tila mala paraiso, dahil sa dami ng mga nakatanim na mga nag gagandahang bulaklak.Nung kabataan ni Aling Remedios at Aling Magda, dito sila lagi ng lalaro, mula umaga hanggang gabi.
Ito na ang paraiso ng mag pipinsan noon ayon ki Aling Magda, at tulad din ng mga pinsan at kaibigan, gusto niyang dito rin siya ihimlay sa kanyang pagpanaw.
Manghang-mangha ang mag ina sa nakitang paraiso.Iniwan ni Aling Magda si Janette at si Rico.
Taimtim na nanalangin ang mag ina, kasunod nito unti-unting isinaboy sa hangin ang abo ni Lola Remedios sa lupa, na napapaligiran ng ibat-ibang mga bulaklak.
"Paalam Nay.. Salamat sa lahat...."
Di na nila ginambala ang pamilya ni Aling Magda na makitulog doon dahil baka mas makasikip pa sila kaya ng mag paalam ang mag ina ki Aling Magda, sinabi nitong baka mamasyal muna sila sa Baguio, at magliwaliw ng sandali.
Hahanap na lang sila ng Hotel na matutulugan.
Matapos magpaalam at magpasalamat, nagtungo ang mag ina sa bayan, dala ang kaunting mga gamit sa dalawang back pack.
Ngunit, fully booked ang mga hotels.
Sa di kalayuan, malapit sa highway, nakakita sila ng isang maliit na travelers lodge, pero iisang kwarto lang ang Bakante. Isang kama, at isang comfort room.
Naisip ni Janette na ok na din ito kesa sa wala silang matuluyan upang magpalipas ng gabi.
Medyo diyahe lang para kay Rico dahil siguradong sa sahig siya matutulog. Ngunit hindi ito papayagan ni Janette.
"Loko ka ba? Ang lamig kaya dito, tapos, matutulog ka sa sahig, baka magkapulmunya ka.. tabi na lang tayo, ok lang naman diba?" Sabi ni Janette
"Di ok, kayo ang boss.."
Kumain muna si Janette at Rico sa isang malapit na restaurant. Nagkwentuhan sila ng kanilang mga buhay, ang pag aaral ni Rico, ang trabaho ni Janette sa US, at kung ano ano pa.
Habang nag kukuwentuhan, pinag aaralan ni Rico ang itsura ng ina, tila walang nag bago dito, ang dating kinis ng balat, ang namumulang mga pisngi, ang medyo singkit na mata, ang mahabang buhok.
Hindi naka make-up si Janette, di naman talaga sanay itong maglagay ng kolorete sa mukha. Naka sweat shirt ito, at ang mga munting palad at daliri nito ay pinag mamasdan ni Rico. Maganda pa rin ang ina niya.
Di halatang 37 years old na ito.