"Ayan ka na naman.. maglalaro ka na naman.." Malungkot si Rico, tiyak niyang nag bibiro si Janette."Di ba sabi mo gusto mo akong kasama..?" Sabi ng ina sa kabilang linya.
"Kung pwede lang sana.." Tugon ng binata
"Pero ayaw kung umasa."
"May sasabihin ako.." Mahinang tugon ni Janette
Tahimik lang si Rico, hinintay magsalita ang ina.
"Pinayagan ako ng 10 days leave.. uuwi ako sa 24.." Si Janette, medyo kinilig din sa sinabi.
Biglang napatayo si Rico. Nanginig ang katawan, kumabog ng malakas ang dibdib.
"Ayoko ng ganyang biro.." Sabi ni Rico, kinakabahan.
"Im not Joking.." tugon ni Janette.
"Talaga..." Excited na ang binata.
"Yes..."
Napalundag si Rico sa tuwa, naramdaman iyon ni Janette.
Kasunod nito'y nag usap sila sa detalye ng di inaasahang pag uwi ni Janette.
Feeling ni Rico, siya ang pinaka masayang tao ngayon sa buong mundo.
-----------------
Sa airport, ala una ng hapon expected na arrival ni Janette. Alas otso pa lang ng umaga, narito na si Rico.
Di mapakali, di alintana ang dami ng mga tao. Ilang oras na lang, makikita niya na uli ang minamahal.
Hawak ang cellphone, walang minuto na hindi tinitingnan -- baka mag karoon ng instructions, o baka mag karoon ng changes, or worst - - baka ma cancel. 'Huwag naman' sabi ni Rico sa sarili.
Alas dose ng tanghali, hindi makaramdam ng gutom ang binata.
Tanaw ng tanaw sa mga dumadating na pasahero.
Baka naroon na si Janette. Pero maaga pa.
Ala una, may dumating na eroplano. Kaagad, nakipagsiksikan ang binata sa mga taong nag hihintay rin sa metal fence ng waiting lounge.
Bawat babae na matanaw, tinititigan - - pinag mamasdan. Marami ang tao, marami ding pauwi ng mga oras na iyon.
Ramdam ang kasiyahan ng ibang mga kasabay niyang naghihintay sa tuwing makikita ng mga sinasalubong nila.
Ngunit 20 minutes na ang nakalipas - - wala si Janette.
Paisa-isa, wala na ang mga kasabay niya. Iilan na lamang sila na nag hinintay.
Nang hihina na ang binata, ang katawan niya - -di napapansin na pagod at gutom ito.
Pero nadadaig ito ng sobrang excitement - - at ngayon frustrations.
Mag aalos dos na, pero hindi niya makita si Janette.