Part 45

3.6K 5 0
                                    


Tinahak nila ang highway, tahimik lamang ang mag ina. Sa likod maiingay ang mga lalaki nag hihiyawan.

Daldalan naman to-the-max si Cherry at Jen sa loob ng sasakyan.

Kung ano-anong kwento na pinakikinggan lang ni Janette. Nangingiti lamang ito, dahil ganitong ganito din siya noon dalaga pa siya.

Mag-aalas singko na ng makarating ang grupo sa beach house ng tiyuhin ni Rose sa Batanggas.

Exclusive, malawak - - isang pamilya ang sumalubong sa kanila. Mga katiwala na nag-aalaga ng buong beach.

Dalawang gusali ang nakatayo dito, may isang malaking hall, na kumpleto ang gamit at mayroong mga silid sa mga sulok.

Puting- puti ang buhangin sa labas, may mga punong mangga, santol at niyog sa paligid.

Matapos mag unload.. hindi nakapag pigil ang ilan nagtakbuhan na sa dagat, habang nag huhubad ng mga damit.

Naka-handa na ang mga ito ng two piece bikini, kaya't bago nakalusong sa dagat, nagkalat ang mga damit ng mga dalaga at binata sa buhangin. Nagsisigawan, nagtatawanan.

Naka-upo lamang si Janette sa sulok. Si Rico naman ay abala sa pag set-up ng tent.

Lumapit si Jeff.

"Janette, di ka ba maliligo...?"

"H-ha Jeff, mmamaya na lang... medyo pagod pa eh... sige, take you're time.. tutulungan ko muna si Rose, maghanda ng hapunan.."

"O-ok..."

Tumayo si Janette na makita ang dala-dalang mga gamit ni Rose, mga pagkain.

Inabot nito ang ibang mga gamit upang ihanda sa malaking dining table sa main quarters.

"Thanks.. Janette.." Ani Rose..

"Ok lang.. "

Matapos mailapag ang mga kailangan, mga pag kain at iba pa, nag tulong ang dalawa sa pag set sa dining table.

Di nakapigil si Rose na magtanong habang abala ang kanilang mga kamay.

"Ah Janette.."

"yup?" sagot nito

"Nag sex na ba kayo ni Rico..?"

Muntik pang mabitawan ni Janette ang hawak na plato sa tanong ni Rose.

"Ay So-sorry ha... frontal naman ang tanong ko..." Sabi ni Rose.

"H-ha... nabigla ako sa tanong mo eh... pasensya na.."

Tumaas ang kilay ni Rose, ipinapabatid na meron siyang hanging question.

"Ah.. eh.." di alam ni Janette kung ano ang isasagot, tuliro ito.

"Sus kaw naman, sige na -- girls talk lang naman.." Kulit ni Rose.

"Eh.." mahinang sumagot si Janette "Medyo"

"Medyo" nangungulit si Rose, gusto ng malinaw na sagot. "Medyo as in all the way..?"

"If you could say that..." sagot ni Janette.

"Wow..." excited si Rose sa sagot ni Janette.. "Hindi ko aakalain na ganun pala si Rico..."

Closet Romance (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon