Part 32

4K 5 0
                                    


'Shit, i'm a mess..' sabi ni Janette sa sarili.

Nag ayos, ng sarili ng kama at ng silid bago lumabas ng kwarto. Tahimik pa rin ang buong paligid, kahit mataas na ang sikat ng araw.

"Rico.."

Parang walang tao.. tinungo niya ang kusina upang uminom ng tubig. Ngunit pag bukas niya, may "note" na naka paskil dito.


╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗

Hello Georgeos,

Maaga akong nagising, kasi inihatid ko ang sasakyan kina Gabby. Di na kita ginising. Nag luto na ako ng breakfast mo, di na kita masasabayan kasi malelate ako sa varsity training. Before noon, uwi ako.

Love you,

Rico

╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

'Ang sweet naman..' nangiti si Janet. Paglingon niya sa mesa, nakalatag na don ang egg omelet, ilang piraso ng hotdog at heated bread.

Nakahanda na rin pati ang coffee cup, na lalagyan na lang ng nakasaksak na brewed coffee.

At ang naka plato, na may katabing kutsara.. ngunit sa ibabaw, may isang pulang rosas.

Halos matunaw ang mundo ni Janette sa tuwang naramdaman ng mga sandaling yun.

Ang sweetness, ang effort at ang thoughtful effect ng munting handog na iyon, ay isang palatandaan ng masarap na pag mamahal. Ito ang hinahanap niya sa isang tao.

Matapos mag almusal, nagsimula si Janette na mag-ayos sa bahay. Naglinis, ng banyo at inilabas ang mga labada.

Sa kanyang lumang kwarto (abandonado dahil sa mga lumang gamit na naka tambak duon.)

Pinasok ito ni Janette, upang ma check ang mga dati ng mga kagamitan mula ng umalis siya papuntang states.

Tinungo ang closet. Ang lumang closet na yari sa yakal na mukhang mas matanda pa sa kanya.

Narooon ang kanyang mga itinambak na bag na naglalaman ng lahat ng pharaphernalia, memorabilia, at mga lumang damit.

Binuksan niya isa-isa ang mga bag, upang tingnan kung may papakinabangan pa o dapat ipamigay na lang sa charity.

Sa isang maroon na bag, napansin niyang hindi na ayos ang pagkakasara nito, kaya binuksan niya muli.

At doun, tumambad sa kanya ang mga lumag under garments.

Ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit nasa labas ang mga ito, gayong alam niyang isinilid niya ito sa plastic bag at saka isinama sa mga maleta.

Closet Romance (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon