"May sasabihin ako sa inyo.." sabi ng lola"May paki-usap sana ako, at kailangan makinig kayo." Naipaliwanag na sa akin ng doctor ang kalagayan ko, at pinag isipan ko na itong mabuti."
Buntong hininga ng lola at nag patuloy "pagod na rin ako, at siguro hanggang dito na lang ang aking itatagal."
"Nay na naman, wag naman kayong magsalita ng ganyan ..." naiiyak na sabad ni Janette.
"Janette, Rico.. huwag na kayong malungkot, masaya ako sa aking buhay, at malaki ang pasalamat ko sa dios dahil sa ibinigay niya sa aking mga biyaya, kasama na kayo dun.
Ang taning hiling ko ay huwag na ninyo akong pag aksayahan na maopera pa, di ko na rin kakayanin."
Hawak ni Janette ang kamay ng Ina, mahigpit.. habang lumuluha. Pati si Rico, naiyak a din sa madamdaming mga sandali ito.
"Ang tanging hiling ko sa inyo sa oras na pumanaw ako, nais kong i-cremate ang aking katawan.. ibalik ninyo ang aking abo sa aking tahanan, kung saan ako lumaki.
Sa aming hardin sa Baguio, hanapin ninyo dun ang pinsan ko, narito ang address niya. Alam niya kung anong lugar ang paborito ko sa amin, at gusto ko, makabalik muli duon at dun na mamayapa.." Hiling ng lola.
Kinuha ni Janette ang kapirasong papel. Tahimik ang lahat, linggid sa mga hikbi ng bawat isa. Hanggang sa makatulog ang Nanay ni Janette. Lumapit si Rico sa ina, pinisil ang balikat nito.
Makalipas ang isang linggo, pumanaw ang lola ni Rico, nagkaroon ng komplikasyon at nag ka-seizure sa internal organs.
Awang awa ang binatang si Rico sa ina sa labis na kalungkutan ng kanyang ina.
Si Rico na ang nag arrange ng isang simpleng lamay sa isang pribadong Funeral Chapel, madalang ang mga dumalaw na tao, dahil karamihan sa mga kakilala nila ay nasa probinsia, at -- ayaw na din nilang maging komplikado pa ang pag asikaso.
Kaagad isinunod ang habilin ng Lola na icremate ang katawan nito.