THREE YEARS LATER.....
Paradise Valley, SCOTTSDALE, ARIZONA
Hindi na hinintay ni Rico ang pagbalik ni Janette sa Pilipinas.
Makalipas lang tatlong buwan, mula ng makasal, sumunod siya rito bilang asawa. May resident visa na si Janette at pinayagan na maisama nito ang asawa.
Sa isang kumpanya ng pagawaan ng spare parts, nag trabaho si Rico bilang design engineer.
Si Janette naman ay tulad ng dati nakakuha ng permanent teaching job sa isang community school dito sa primary level.
Ang bahay nila sa Paradise Valley ay tila independent suburb. Parang at home sila dito.
Narito kasi ang ibat ibang magka-relasyon, pareho lalake, pareho babae, interracials at iba pa.
Weird nga sabi ng iba, pero may dadaig pa ba sa kanila - -mag-asawa, na dating mag-ina.
Galing pa lang siya sa opisina, ng iparada ang kotse sa harap.
Pagpasok niya sa sala - - nakita ang 3 years old na si Queenie, anak nila ni Janette.
Pilit na sinusubuan ng isang nurse aid. Tulad pa rin ng dati, tuwing nakikita niya ang anak - - labis na habag ang nadarama.
Dito na ipinanganak ni Janette si Baby Queenie, at tulad ng dati caesarian procedure, dahil sa maliit ang sipit ng ina.
Tandang tanda ni Rico, ng isilang si baby Queenie. Wala pang dalawang linggo, magalaw na ito at tumataob na sa pagkakahiga.
Buong akala nila ni Janette sadyang malakas na bata ang baby.
Pero iba ang nakita ng mga doctor.
"I'm sorry for both of you, but we run some tests, and based on our observation - -the baby, you're baby has down syndrome."
Paliwanag ng doctor.
Hindi makapaniwala si Janette, parang normal lang tingan ang anak nila - - ngunit hindi pwedeng maitatatwa, lalaki itong abnormal na kung tawagin sa pilipinas ay 'mongoloid'.