001: Mysterious/Sender/Game/Manual

15.5K 520 27
                                    

"Good morning mam and sir." Bati ng binata sa mga pumapasok as isang maliit na store.

Dahil kapos sa pera ay nag papart-time job ito. Tuwing uwian ay pumapasok ito bilang isang cashier sa convenient store na malapit sakanila.
Iniipon nya ang kaniyang sahod para sa kanyang baon sa pang araw-araw. At pagkain sa tuwing walang pera Ang kanyang Ina. Ngunit Hindi ito sapat sa pang gastos sa kanilang tatlo, kasama Ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

Habang nakatayo sa harapan ng kaha, iniisip ng binatang si Demo Ang kahon na naiwan sa harapan ng pinto ng kanilang bahay. Agad 'yon tinago ni Demo sa kanyang silid. Hindi naman dahil sa baka siya ay mapagbintangan. Dahil ang pangalan mismo ni Demo ang nakalagay sa kahon na 'yon. Ngunit, wala itong matandaan na umorder siya ng anuman sa online shopping. Tinabi niya 'to, kung sakali man na may dumating na payment bill ay kanya itong maibalik.

Alas dose na ng gabi ng matapos ito sa kanyang trabaho. Sa kanyang daan pauwi, nahagip ng kanyang paningin ang isang appliances shop. Kung saan may mga display silang T.V na nakalagay sa glass wall, at real time news ang pinapalabas dito.

"Bumaba sa ranking ang kinikilalang 'brutal ninja' na si Minko ng shizizuo legion mula sa 1st na ngayon ay napunta sa 5th. sinasabi ng ibang player na hindi na ito umaatin ng Legion wars kaya ang shizizuo legion na nasa 3rd legion ranking ay ngayo'y nangungulelat na at nasa last rank na 12th. Nanguna ang Jinniuzuo legion na ang nag lead ay si Tenyu na nasa 3rd ranking ng buong player sa pilipinas."

"Kailangan pa ba nila i-broadcast ang mga 'yon?" Bulong ng binata at naglakad na muli ito.

Sa pagising ng binata at bukas ng pinto ng kanyang tahanan, muli nanaman may kahon na naka pangalan sakanya. Napailing na lang 'to at kinuha ang kahon. Binuksan nya ito at kinuha ang nasa loob.

"Isang booklet?"

Agad napatingin si Demo sa orasan at binalik ang booklet sa kahon. At pumasok na 'to ng eskwelahan.

Sa pagkaupo pa lang nito ng upuan, rinig na rinig na nya agad ang mga usapan ng kanyang kaklase. Tungkol sa Zowan Online.

"Buti naman at inalis na sa ranking yung Minko na yun! Tse, kahit isang legions war ata walang inatinan yun." Gigil na sinabi ni Tanya na kaibigan ni thea habang nag kyukyutiks.

"Kaya nga e, buti nga si Terra yung bagong nasa 1st rank nag pupunta lagi sa legions war at mabait pa." Sagot naman ni Althea kay Tanya, lumapit naman ang mga tropa ni Jio na sina Rick at Gin.

"Heh, si Terra naman kaya lang naging 1st yan kasi laging sinusuportahan ni Ore! E, alam ng lahat na ang dapat nasa 1st si Tenyu. Mabuhay Jinniuzuo legion!" Sigaw ni Gin habang inaasar sina Thea at Tanya.

"Porke nag 1st legion nyo sa ranking eh, magyayabang na kayo. Makukuha rin namin ang trono no!" Sabay nilabas nito ang dila nya at nag 'ble' kila Jio.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon