029: Reason/Behind

5.5K 247 5
                                    

/DEMO/

Tama ba pag karinig 'ko? Na si Minka at Minko ay iisa? O baka naman mali lang ako ng pag kaintindi sa sinabi niya.

"Ikaw si Minko? Pinapatawa mo ba ako?"

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Kite at tinigil na rin nito ang pag hawak sa kamay ni Daimin. Tumayo ito at masamang nakatingin 'kay Minka, habang madidiing binilog ang kamao.

"Sorry to disappointed you. Yes, ako si Minko, at hindi 'ko na problema kung naniniwala ka sa'kin o hindi." Kalmado pa rin si Minka.

"Hindi mo ako maloloko! Virtuale gear can detect your gender! Hindi pwedeng maging ikaw si Minko, dahil una sa lahat babae ka and Minko's a guy."

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo yun? Nasabi 'ko na rin ang real reason 'ko why I used this name--."

"Paano ako maniniwala sayo? Hindi porke sinabi mo na ikaw ang real Minko, nasaan ang proof mo?"

"Hindi 'ko na kailangan pang i-kwento sayo buong talambuhay 'ko about sa game na ito and 'kay Minko. Pero kung talagang mapilit ka fine. I think na hacked ang data ni Minko, i don't know how and i don't know why. Basta nag foforce log-out yung virtuale gear na gamit 'ko 'kay Minko."

So kaya pala ang dami niya ng alam sa larong 'to dahil isa siya sa top player, hindi na rin ako nag taka dahil kahit na low level siya katulad 'ko mukhang mas marami pa siyang alam sa ibang high levels.

"What do you mean?" Mukhang kumalma naman si Kite at nawala ang pag diin nito sa kaniyang kamao at ang masamang timpla ng kanyang mukha.

Sinimulan kinwento ni Minka ang nangyari sa account niyang Minko. Nasa loob pa rin kami ng arena nun at nasa rank 7 ang shizizuo sa legions war.

Sinabi ni Minka na nangyari 'yon ng kuhanin niya ang quest sa Mt.Astral isang special quest ito at na trigger ni Minka, ngunit ng kinausap na raw niya ang NPC na nandoon sa isang kuweba sa Mt.Astral ay agad nag blackout ang kaniyang paningin at doon niya na pansin na nag force log out siya.

Ilang beses niya rin itong tinry i-log in ulit ngunit bago pa niya maopen ang account ay agad nang nag blablack-out ito, pinatingin niya rin ang virtuale gear kung mayroon itong sira ngunit wala raw itong damage kahit saan at napakalinis at mukha pa raw bago nitong tignan.

Matagal na rin daw na papansin ni Minka na parang may nagmamasid o may laging nakatanaw sa kanyang account na si Minko, kahit na malakas ang six senses ng kaniyang account ay hindi niya makumpirma kung talaga bang may nakasunod sakaniya o haka haka niya lang ito. Ilang beses daw niya tinry na gumawa ng trap para makumpirma ito pero walang nangyayari sa trap, pero ramdam niya pa rin ang mga matang nakafocus sakaniya.

Kada araw na lumilipas mas lalong mas nagiging alerto raw siya dahil sa matang nakafocus sakaniya, ramdam na ramdam niya na raw ito kada pag lipas ng araw patalim ng patalim ang tingin sakaniya ng mga ito. Kaya minsan iniiwasan niya rin ang mag online dahil sa nangyayaring 'yon. Nagpahinga siya ng isang linggo at muling nag online. Laking gulat daw niya dahil iniwan niya ang kaniyang character sa shizizuo town at ngayon nasa entrance ito ng Mt.Astral. Ang lugar na matagal na niyang hinahanap dahil sa special quest at magandang bigay na rewards.

Sa paglakbay niya sa Mt.Astral nawala rin ang mga matang nakafocus sakaniya. Gumaan daw ang pakiramdam niya dahil hindi niya na ramdam ang tension at kaba na dulot ng mga matang 'yon. Ginawa niya ang lahat para matrigger ang special quest sa Mt.Astral at nagawa niya 'yon. May bumukas na isang kuweba kung nasaan ang NPC na may lalaking nakatayo habang ang mukha ay natatakpan ng tela. Lumapit siya rito at kinausap, ang sinabi ng lalaking yun ang hindi niya raw pinakamakakalimutan bago mawala ang kaniyang account na si Minko.

"Who are you?"

Natapos ang kwento ni Minka roon, tinanong din ni Kite kung bakit siya gumawa muli ng bago at pinangalanan ito ng magkasingtunog. Sinabi ni Minka na titignan niya kung siya ang talagang target ng mga matang laging nakamasid 'kay Minko, o yung account niyang si Minko talaga.

Pero ang hindi 'ko lang maintindihan sa lahat ang sinabi ni Kite na ang virtuale gear ay nadedetect ang gender namin, kaya pala ng gumawa ako hindi ako pinapili kung anong gender ang gusto 'ko. Kung mayroon nga itong ganoon paano nga naging si Minka si Minko? Hindi rin naman pinagkaila ni Minka na lalake si Minko, at hindi lang si Kite nakakaalam na lalake 'to dahil sinabi rin ni Laylin ito sa T.V.

Wala rin naman akong makitang reason kung bakit mag sisinungaling si Minka about doon. Ang gulo pero bahala na, basta naniniwala ako 'kay Minka sa mga sinabi niya. Alam 'kong hindi buong detalye ang kinwento niya samin dahil agad niyang pinutol ang kwento niya ng sinabi na ang nag first rank sa legions war at nag respawn kaming lahat sa town. Nag paalam na rin nun si Kite dahil sa may kailangan siyang gawin, ganun din si Minka at naiwan kami ni Daimin na nag palevel saglit.

Pasensya na ngayon lang nakaupdate dahil busy ako T_T sana magustuhan niyo 'to! Maraming salamat sa laging pag supporta.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon