031: Cresthell/Blade

5.3K 199 7
                                    

/DEMO/

Halos magsiksikan ang mga tao rito sa entrance papasok ng auction hall, kahit kami naiipit na rin sa dami ng tao. Si Daimin at Kite nahiwalay na rin sa'min at hindi na namin sila natatanaw, lahat ata ng natatanaw 'ko puro likod ng nasa unahan 'ko.

"A-ano Minka, ayos ka lang ba?" Tanong 'ko sa katabi 'ko. Walang emosyon itong nakatingin lang ng diretso sa unahan niya.

"The auction will start in 1 minutes!"

"Tsk."

Napatingin ako ng marinig si Minka, at ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay binalot ng sama ngayon.

"Mi-minka, saglit a-aray! Ugh.. Sorry p-- ack!"

Bigla nalamang hinatak ni Minka ang kamay 'ko at pwersahan niyang tinutulak ang mga taong nasa unahan niya at habang ako sinasapo lahat ng pwersang tumutulak din sa'kin.

Nagiseng ang diwa 'ko ng marinig ang malakas na pag-sara ng pintuan na malapit na malapit sa mukha 'ko. Kulay gold ito na mayroong mga zodiac sign na symbol ang nakaukit dito at nakapabilog 'to.

Napaharap ako at bumungad sa'kin ang lugar na gawa sa gold ang ilaw upuan at sahig 'man. Ito pala ang loob ng auction hall, napatingin ako sa kumakaway sa bandang ibaba. Si Daimin 'yon, nandoon na rin nakaupo si Minka at Kite.

Ang daming tao, at sa pinaka ibaba ay mayroong stage at may malaking screen naman malapit doon sa stage. Umupo na ako sa tabi ni Minka.

"Kuya palit tayo ng upuan, ayokong may katabing baliw!" Sigaw ni Daimin habang nilalayo ang mukha ni Kite sa kanya.

"Okay lang baliw naman sayo." Sabi naman ni Kite.

Napatingin ako sa nakapaligid sa'min, lahat sila nakatingin 'kay Daimin at Kite. Nakatingin din si Minka sa mga 'to, hindi 'ko napansin na nakatitig na pala ako 'kay Minka, at sakto ng humarap siya sa'kin nag tama ang mga tingin namin.

"A-ano..." Utal 'kong sabi ngunit agad naman nag salita si Minka kaya nawala ang pag panic 'ko.

"Huwag mo silang pansinin, and 'wag kang magpahalatang kasama natin sila." Seryoso nitong sabi at muling tumingin sa stages.

Napangiti nalang ako at tumingin na rin sa may stages ng mayroong babae ang nag lakad doon at nag salita, lahat ay nag sitahimikan at tumingin doon.

"The first auction item will display in the screen."

May lumabas sa screen na isang bow na kulay dark green na mayroong mga orb crystal na kulay light green na umiikot-ikot dito.

"Emerald Grandeu Bow. Ang weapon na ito'y nakuha sa special quest sa Faerie sanctuary, isa rin itong special map #24."

Sa gilid ng picture ng bow may lumabas na status ng weapon na 'to.

Emerald Grandeu Bow (platinum)
• a chance to paralyzed your enemy.
MATK +2500
Wind resistance 20%
Power: 1500
Magic: 1500
Rune: Pansy orb

May mga nag silabasan na mga maliliit na holographic screen sa mga uluhan ng bawat player, napatingin ako 'kay Minka at mayroon din sa kanyang uluhang nakalagay na 1,500 Php.

Sa screen bandang stages naman nagkaroon ng timer doon at pinakita sa screen ang mga pangalan na nasa top 10 na mga matataas na buyer ng auction item, pinakamataas na bid ay nasa 9,500 Php.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon