042: New/Update

4.7K 186 11
                                    

/DEMO/

Dahil sa may mga new employee sa store kaya lumuwag ang schedule 'ko. Binawasan ni boss yung shift 'ko pero nag reklamo ako dahil kailangan 'ko makaipon, pero sinabi nito na hindi naman mababawasan ang sahod 'ko. Sinabi rin nito na mag focus ako sa school, hindi naman bumababa ang grado 'ko rito. Napantinggin ako sa telepono ng tumunog 'to, tumayo ako sa inuupuan 'ko at sinagot .

"Hello?" Tanong 'ko sa kabilang linya.

(Demo, na update mo na ba yung Zowan mo at gear?)

"Kite? Update para saan?"

(Hindi mo ba chinecheck yung website na pinakita 'ko sayo?)

"Hindi e, bakit?"

(Tinaas na nila yung level tsaka may mga bago silang dinagdag na tower at dungeon yun yung sa Zowan. Sa gear naman kahit hindi ka na matulog pag tapos mo maglaro, basta gamit mo yung gear para ka na rin natutulog.)

"Ayos yun, kahit na mag damag ka naka online sa gabi hindi ka aantokin. Paano mag update?"

(Kung gusto mo sabay na tayo mamaya may klase pa kasi ako ngayon.)

"Ako rin papasok pa lang, anong oras mamaya?"

(Mga seven o'clock?)

"Sige."

(Ok, sa starlight acad. Dalhin mo yung gear at game card mo.)

Binaba na ni Kite yung tawag. Nagmadali na rin ako nag lakad papunta sa iskwelahan.

Katulad ng binalita ni Kite, kalat na kalat na rin sa buong school ang about sa new update ng Zowan at gear. Kahit saan ka pumunta yun ang pinag uusapan ng mga estudyante.

"Morning."

Luminggon naman ako sa bumati sakin, dahil sa bintana ako nakatanaw.

Eh?

"A-E Mo-morning." Mahiya hiya 'ko na bati rito.

Bakit nga ba 'ko nahihiya. Mag kasama nga lang kami nung miyerkules.

Umupo na 'to at hiniga ang ulo sa kanyang desk. Napatinggin naman ako sa mga kaklase namin na babae na tinitignan ako at si Michaella habang nag bubulungan.

Please lang, kung pag uusapan nyo kami 'wag nyo ipahalata. Ganyan din sila kahapon. Pero mas halata nga lang ngayon.

"Eh?" Tingin 'ko sa kumalabit sakin.

"Kalat sa buong klase na mag kasama kayo ni Michaella sa starlight acad. nung miyerkules." Bulong ni Tanya sakin.

Ang bilis talaga ng tsismis.

"Ah, sinamahan 'ko lang sya." Sabi 'ko naman 'kay Tanya.

"Narinig mo yun Thea. Sinamahan lang nya wala silang relasyon." Malakas nitong sinabi na halos lahat ng tao sa room maririnig.

Lahat sila tinginan sa pwesto namin, ganun din ang grupo ni Jio. Si Jio umiwas agad ng tinggin habang si Rick sumesenyas sakin na hindi 'ko naman maintindihan.

"Huh? Ba-ba-bakit mo sakin sinasabi, hi-hindi 'ko naman tinatanong." Agad nitong hinila si Tanya. Tumawa lang naman 'to.

Yung kaninang mga babae na nag bubulungan ay naupo na ng maayos.

Nandito ako sa starlight acad. habang hawak ang box na lalagyan ng gear. Maya maya rin ay dumating na si Kite.

Sinabi nito na roon kami mag papa update sa lagi nyang pinupuntahan na game shop. May bayad daw ang pag update kaya agad 'ko rin sinabi rito na nasa bahay ang pera 'ko. Tinuro rin nya sakin kung paano mag withdraw ng pera sa ZowaN at maging tunay na pera. Kailangan lang daw dalhin 'yung gear at dalhin sa game shop at mayroon sila roon. Doon din pwede mag deposit ng totoong pera at maging pera sa laro.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon