038: Banned

4.3K 188 4
                                    

/------/

Napasigaw nalamang si Demo, at narinig 'yon agad ni Daimin at si Minka naman ay agad din tumakbo sa gawing 'yon.

Napuno ng usok ang buong lugar at mas lalong lumaki ang biyak ng mga bato kung nasaan sila nakatayo.

Palapit na sana si Daimin ng biglang sumigaw ang harpia kaya napahinto sya, hindi ito katulad ng sigaw na kanina nito ginagawa. Para ba 'to na nanghihinggi ng tulong o anuman.

Sa lugar kung nasaan si Demo, nakadikit ang kanyang palad sa katawan ng harpia na tumalsik sakanya.

Dahil sa lakas ng impact at ang buong katawan ng harpia at binabalot ng apoy ay akala ni Demo na mamamatay sya pero pag dilat nya ay nag sisisigaw ang harpia at ang isa pa na pinagtataka ni Demo ay ang HP bar ng harpia ay mabilis na nababawasan at ang kanyang attributes at Health bar ay tumataas.

"Mi-minka." Ani ni Demo ng makita nya si Minka. Nakaupo si Demo habang ang palad ay nasa pakpak ng Harpia at naka bukas ang holographic screen nito sa attributes.

"A-ano--" mag tatanong sana 'to ng agad syang hinila ni Minka palayo at sumigaw.

"Kite! Daimin! Now!"

"Don't order me around!" Sigaw na balik ni Kite.

Nasa 5% nalamang ang buhay ng harpia, ngunit ng hindi pa dumikit ang palad ni Demo rito ay mahigit 60% pa ang natirang buhay nito na patuloy nadadagdagan dahil sa ability nito.

Agad  hinagis ni Minka palayo si Demo at nilabas ang dual-blade nya at umabanse sa Harpia.

"You think mag papatalo ako sa inyo! CRIMSON SERPENT 100-SLASH!" Sabay sugod ni Jio, at nag labas ng crimson red na mga slash ang kanyang espada na parang hangin sa bilis.

"Sorry but the reward is ours! COMET SHOWER!" Ani naman ni Cheska. Hindi mabilang na mga nagbabagang bato ang umulan sa uluhan ng Harpia.

"Heh, now I can use my skill watch me my angel! DRAGON BLASTER SMASH!" Ang hammer ni Kite ay lumaki at napalitan ng mukha ng dragon habang pinalilibutan ito ng apoy na aura.

"Sorry but i don't wanna, ARCHANGEL JUDGMENT!" Dalawang anghel ang lumabas sa langit at nag buga ng puting ilaw sa magkabilang side ng harpia.

"AQUA TEN STRIKE DANCE!" Ang dalawang blade ni Minka ay naglalabas ng tubig, umabanse si Minka at hiniwa hiwa ang harpia habang ang tubig na pinakakawalan ng kanyang espada ay sumasayaw sa paghampas na ginagawa nito.

Sa pag cast ng skill na 'yon na sabay-sabay ay agad naman nag collapse ang buong tore.

"THE TOWER OF HARPY HAS BEEN DESTROYED!" May lumabas na holographic screen sa buong player ng Zowan sa server ng pilipinas.

Iba-iba ang naging reaksyon ng ibang player sa balitang 'to, ang iba naman ay agad pumunta rito upang makita sino ang mga lumabag sa batas na player.

Dahil sa pag guho ng lugar ay na trap sila ngunit agad naman na wala ang lahat ng bato at may liwanag na bumaba sa langit.

"I can't move!" Takot na salita ni Cheska.

"Anong gagawin natin Jio, hindi tayo pwede mawala sa tuesday may raid at ikaw pa ang nag sabi na ikaw ang mag lelead." Malungkot na mukha na saad ni Gin.

"Yeah, kapag hindi tayo nakarating doon mawawalan sila sayo ng tiwala lalo na si Tenyu." Saad naman ni Rick.

"Shut up! Alam 'ko, alam 'ko ugh!" Gigil na sabi ni Jio habang nakayuko lamang.

"The one who used the forbidden item and the one who used an unknown ability and the one who used the forbidden skill. Tell me or all of you will be guilty!"

"Forbidden skill? Yung mga skill 'ko ata yun." Bulong ni Daimin.

Tahimik lang si Minka at hindi sinagot ang sinabi ni Daimin.

"I'm the one who used the forbidden skill." Napatinggin silang lahat 'kay Kite.

"Sorry." Paghihingi ng tawad nito kila Daimin.

"The other two?" Tanong muli ng celestial guard.

Napatinggin na ang apat na taga shuiping 'kay Jio pero naka yuko lang si Jio at hindi alam ang gagawin.

"Kahit na umamin ang isa, kapag hindi umamin pa ang iba lahat kayo madadamay." Galit na salita ng celestial guard.

"Ako kilala 'ko si---" Nahinto sa pag sasalita si Cheska ng biglang sumigaw si Demo.

"Ako po, ako yung gumamit ng unknown ability at item."

Napatingin sila Jio 'kay Demo at laking gulat din ni Daimin at Kite sa pag aako nito sa gawain ni Jio.

"Anong sinasabi mo kuya--"

"Sorry Daimin, hindi ako makakapag online for one week pero nandyan naman si Minka." Ngiti ni Demo.

Narinig din ni Demo yung mga sinabi ni Rick at Gin kaya kanya nalamang 'to inako. Hindi naman nag salita si Minka sa ginawang desisyon na 'yon ni Demo, pero.

"You can't trick us, we know who's the one who had a rare item like that--" napahinto ito ng nag salita si Demo.

"Tama po kayo hindi sa'kin yung item na 'yon pero binigay lang sakin ni Jio 'yon at dahil hindi 'ko alam na bawal 'yon ay ginamit 'ko kaya kasalanan 'ko pa rin yun. Kaya please." Paliwanag ni Demo.

"Fine, as you wish. You're banned for one week to play this game--"

"Demo alam mo yung Starlight academy na All girls school, magkakaroon sila ng event sa miyerkules. May gusto sana akong sabihin sayo kita tayo sa---" Hindi na tapos ni Kite ang kanyang mensahe 'kay Demo dahil naglaho na 'to, gawa ng pag force log-out ng celestial guard sa character nito.

"Ah-." Sinunod na nito si Demo.

*Blackout*

Malungkot na bumalik ng town si Daimin kasama si Minka, hindi kumikibo si Minka ganun din naman si Daimin.

Wala rin naman sinabi ang grupo ni Minnie ng sila'y umalis, ganun din ang grupo nila Jio.

Sa huli walang naka received ng reward dahil sa pag gamit nila ng mali sa item, kinumpiska ng celestial guards ang item at money reward except sa experience reward.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon