037: Harpia/Rebirth

4.4K 191 1
                                    

/------/

Renaissance stone - isang rare item sa ZoWan, sa sobrang rare nito kaunti lamang ang nakakahawak ng ganitong item. Sinasabi nilang swerte ka na kung may ganito ka na gamit. Ginagamit ito sa matataas na rango ng boss sa laro. Ang bato rin na 'to ay kayang pataasin ang attributes ng boss ng 10x. Dahil sa lakas na taglay ng bato na ito ginagamit lamang ito kung nag handa ka ng madaming player o isama ang buong guild nyo. Ang reward na bigay nito ay kagaya ng natatanggap ng top player sa international ranking. Ibig sabihin, sobrang expensive at matataas na equipments ang pwedeng makuha.

"To think na may ganyan ka na item, at sasayangin mo lang because hindi mo matanggap na talo ka." Sinabi ni Minka 'kay Jio.

"So what! Hinding hindi ako papayag na matalo sa inyo." Sabay talikod ni Jio at bumalik sa pwesto ni Rick at Gin.

"Hindi ba't masaya 'to, the reward i mean!" Masayang sabi ni Minnie at tuminggin sa kanyang ka party.

"Masaya nga pero kapag na detect ng celestial guards 'to, see you in one week." Pangangasar naman ni Dean dito.

"Oo nga! Ayoko, hindi 'ko kaya na hindi mag laro ng isang linggo!!" Sigaw ni Minnie.

Ang harpy na kulay rainbow kanina ay kulay itim na may aura na apoy na bumabalot dito. Ang langit sa bandang lugar nila ay binalot din ng dilim, ang mga bato naman ay nag huhulugan pa rin unti-unti para ba na konting galaw mo lang feeling mo ay guguho ang buong tore.

"Human who dare to wake me, thou shall die."

Binalot ng apoy ang buong pader pati na rin ang lagusan palabas doon ay binalutan ng harpy ng apoy.

Winagaswas ng harpy ang kanyang pakpak at may mga balahibong na aapoy na nagliparan sa buong lugar.

Agad nag si gamit ng mga barrier ang mga 'to si Daimin naman ay gumamit ng holy mirror pero ang nakuhang damage lang ng Harpy ay 1%.

"This is bad i already used all my MP in previous battle." Sinabi ni Pia.

"Don't worry I'll try to support them." Sabi naman ni Dean dahil wind type rin ito katulad ni Pia.

Hindi makalapit ang lahat sa Harpy dahil sa patuloy nitong pag wagaswas ng pakpak, kasabay ng malakas na hangin ang nagaapoy na matutulis nitong balahibo.

"Naubos na yung MP potion 'ko, mayroon ka ba dyan Rick." Tanong ni Jio.

"Ubos na rin haha!" Sagot naman ni Rick.

"Here, this is the last two MP potion i had." Bigay ni Gin 'kay Jio.

Ininom na ni Jio ang isa at ang MP bar nya na nasa zero ay naging full na muli.

Sa pwesto naman nila Demo, patuloy lang sa paggamit ng Holy mirror si Daimin. Dahil mataas ang MP nito ay hindi problema sakanya 'yon, yun nga lang kapag natapos nyang gamitin 'yon ay matagal ang cool down.

"Hey! 1 minutes nalang mawawala na ang holy mirror anong plano." Tanong ni Daimin.

"Use your light vines, kaya ba?" Tanong din ni Minka.

"Kailangan 'ko makalapit, hindi aabot."

"Ganun ba, Demo--" agad na hinto sa pag salita si Minka ng agad sumagot si Demo.

"Yes!"

"Ok tumakbo ka kapag kinalabit kita sa likod, then go." Sabay tulak ni Minka sa likod ni Demo.

"Eh, seryoso ka!!" Sigaw ni Demo at tumakbo na.

"Hindi 'ko sya na buffs ng haste dahil tinulak mo sya agad-agad." Sinabi ni Kite pero hindi sya pinansin ni Minka.

Tumigil sa pag wagaswas ang Harpy at natuon ang atensyon nito 'kay Demo, lumipad 'to papalapit 'kay Demo.

Habang hinahabol ng harpia si Demo, ay binuffs ni Kite si Daimin ng haste upang bumilis ang pag takbo nito. Nag cast ng Magma breaker si Kite, habang si Minka naman ay hinihintay ang tamang oras na papuntahin si Daimin doon.

Nang nasa malapit na ang cast time ng magma breaker ay agad ng tumakbo si Daimin papunta sa gawi ng harpy.

"Light vines!"

Pumalupot sa buong katawan ng harpia ang puting tali, napahinto na si Demo sa kakatakbo at lumayo ng kaunti roon habang hinahabol ang kanyang hiningga.

"Yosh, this is it." Si Jio habang malapit na matapos ang cast time ng kanyang skill na twenty serpent slash.

Sa lugar naman nila Minnie ay nag cast si Minnie ng Blizzard Cannon, at si Cheska naman ay Lethal shooter habang si Dean ay naka stand by sa healing.

"Magma breaker!"

"Twenty serpent slash!"

"Blizzard Cannon!"

"Lethal shooter!"

"Archangel wrath!"

Sabay-sabay 'yon tumama sa Harpia, ngunit dahil sa lakas ng impact ay linipad ito papunta sa pader kung saan nakatayo si Demo. Hindi alam ni Demo ang gagawin at agad nya lang hinarang ang isa nyang palad na nag ba baka sakaling mapahinto nya ang pag lipad ng katawan ng Harpy sakanya.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon