062: Real/Intention

4.9K 178 11
                                    

Kalat na sa iba't ibang balita ang nangyari sa kaharian ng shizizuo, isa na rin sa wanted list si Minko dahil sa pagsapi nito sa grupo ng mga killer. Hindi rin naman maiwasan ang iba't ibang sinasabi ng mga tao, may iba na na hindi makapaniwala, mayroon naman nabigo dahil kanila itong hinahangaan at ang iba ay mas lalo pa itong sinisiraan.

Sa bawat social media rin na ginagamit ng mga tao puno rin ng paratang kay Minko. Hindi lang sa pilipinas kundi sa iba't ibang dako ng mundo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa nanggangatlo sa pandaigdigang ranggo sa laro.

Katulad ni Kite ang mga taong nakasalamuha ni Minko sa laro ay hindi naniniwala na kanya itong magagawa, higit sa lahat sa kanyang iniingatan na Shizizuo legion.

Muli sa daraanan ni Demo kung nasaan ang appliances shop, maraming nakakumpol na mga tao roon upang mapanood ang balita tungkol kay Minko. Dire-diretso lang si Demo na lumakad doon habang may mapait na itsura ang mukha. Hindi rin nito matanggap ang bawat matatalim na salita na lumalabas sa mga bibig ng mga taong pinaguusapan si Minko. Ito ang pangyayari na iniiwasan ni Michaella, at paniguradong malulungkot ito sa mga paratang ng tao sa karakter ng kapatid.

Katulad ng kasunduan ng tatlo, nang makauwi si Demo ay agad na itong pumasok sa laro at makipagkita sa dalawa niyang kasama.

Tulong-tulong ang mga NPC sa pag-ayos ng kanilang kaharian, habang ang mga player naman ay patuloy ang pag tulong sa mga ito gamit ang pagkuha ng mga quest. Iba't iba ang mga quest na ibinibigay ng mga ito, mayroong mga kailangan maglikom ng mga gagamitin sa paggawa ng mga gusali, mayroon din na pagtulong sa pagtayo ng gusali o pangongolekta ng mga pagkain sa labas ng kaharian.

Hindi makapaniwala si Demo dahil kahit saan siya dumaan na mga nag-uusap na tao ay hindi nito pinaguusapan si Minko. Kung may maririnig man siya na tungkol dito, ay mga galit ito dahil sa masasamang sinasabi ng ibang tao rito. Narinig ni Demo ang pagtawag sakanya ni Kite kaya bumalik ito sa lugar kung nasaan ang estatwa, nakatayo roon sina Kite at Minka.

"Paano natin mahahanap si Minko?" Tanong ni Demo.

"Huwag ka magalala, lalabas nalang iyon ng biglaan."

Inaya na ni Minka ang dalawa at lumabas na sila sa kaharian ng Shizizuo at naglakbay sa kagubatan. Narating nito ang malawak na patag na mayroong mahahabang mga damo at napahinto ang dalawa dahil sa biglaang paghinto ni Minka.

"Kung sino ka man na gumagamit ng karakter ng aking nakakatandang kapatid, lumabas ka at harapin ako. Alam ko na kanina mo pa kami sinusundan." Matapos sabihin iyon ni Minka ay may lumitaw sa harapan nito.

Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ni Minka, dahil sa nakatakip nitong buhok sa mga mata at ang  mask sa bibig hindi nito alam kung ano klaseng hitsura ang pinapakita nito sakanya. Hinawakan ni Minko ang tela ng mask niya at binaba ito, isang nakakangilabot na ngiti ang pinakawala nito sabay tawa ng malakas.

"The little sister." Tinuro nito si Minka, "The extra." Unti-unti niyang itinuro naman ang daliri kay Kite. "And, the Key." Ginamit nito ang isang kamay at dinuro si Demo, sabay ang malakas na tinig na pinakawala nito.

Hindi na napigilan ni Minka ang galit nito at mabilis na linabas ang cresthell sa kanyang kamay sabay abanse upang mahiwa ang kamay ni Minko na nakaturo kay Demo, pero agad itong umikot at hindi nahagip ang kamay. Napahiga si Minka dahil sa pagikot na ginawa ni Minko, kasabay ang ginawa nitong pagtadyak sa kanyang tiyan. Napatalon si Minko patalikod, at kasabay ang pag ilaw ng isa nitong kamay na inilabas ang cresthell. Mabilis itong umabanse muli at nagpalitan ang dalawa ng atake. Nakatayo lang ang dalawa at tinitignan ang malahanggin bilis ng dalawa, tila ang kanila lamang nakikita ang kislap na gawa ng pagtatamaan ng dalawang metal.

Agad napansin ni Demo ang mabilis na pagbawas ng health bar ni Minka, agad nitong linabas ang nakuha niyang hell scythe. Kulay itim ito na mayroon pula na akala mo'y mga batong nagbabaga, may mga usok din na lumalabas gawa ng pula na iyon. Agad gumamit ito ng wind chain at hinatak si Minka sa kanilang pwesto, umatras naman si Minko kasabay ang mabilis nitong pag-iwas dahil sa ginawang surprise attack ni Kite gamit ang kanyang hellblaze hammer. Ang hammer ni Kite naman ay naglalabas ng malakas na pula aura na halos nakakapaso dahil sa init nito taglay. Pinuno ni Demo ang health bar ni Minka gamit ang restoration calm nito, at agad nagcast ng cyclops, isang ipo-ipong itim sa gawi ni Minko. Parang kidlat naman si Minko na biglang lumitaw sa harapan ni Demo, agad sasaksakin nito ang dibdib ni Demo pero ito'y naharanggan at mabilis itong napaatras dahil sa pagsaksak na gagawin sakanya ni Minka.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon