022: Fear/And/Courage

6.8K 283 11
                                    

/DEMO/

Nag paalam na ang mga bandit ng maihatid nila kami sa entrance papasok sa bundok ng feuer. Napabilis nga ang pag punta namin doon at ngayo'y naglakad na kami ni Minka papasok dito. Punong puno ng nag babagang mga bato ang loob at mayroong mga apoy na tubig ang umaagos mula sa itaas. Nag sisilbing liwanag ang mga malalaking torch na may sindi, at ang malaking apoy na lumulutang sa itaas. Umakyat na kami ni Minka sa hagdanan paakyat sa pinakatutok, wala namang mga mobs na nandoon kaya agad na kaming nakadating kung nasaan ang malaking pulang dragon.

Boss: Feuerdrache
Level: 50

"Level 50!" Gulat 'kong sambit.

"Tsk, okay lang yan try pa rin natin. Kapag hindi naman kaya mag rerespawn naman tayo sa town." Saad naman ni Minka, at inilabas na ang dalawa niyang blade.

Sa kabilang side nasa dulo at nakaupo lamang ang shaman. Nakatingin ito sa'min ni Minka, pero walang sinasabi o senyas. Seryoso ang mukha nito, at hindi katulad kanina na umiiyak siya. Ngayon ni isang luha walang pumapatak sa mata niya, ni walang takot ang mga itsura ng mata nito. Ang palangiti niyang itsura na pinakita sa storya ng matanda, ay napalitan ngayon ng seryosong mukha. Kapag sineryoso niya ang kanyang mukha, talaga namang sobrang kahawig niya si Demi. Para bang si Demi talaga 'to, pero alam kong imposible 'yon.

Napa-ayos na ako at labas ng scythe ng makita ang pag dilat ng dragon, at unti-unti 'tong tumayo at sumigaw ng malakas. Napapikit nalang kami dahil sa pag sigaw nito, at agad kaming umiwas ni Minka ng maramdaman ang pag buga nito ng apoy.

"Try muna nating bawasan bago gamitin ang binding spell." Saad ni Minka at agad nag dash papalapit sa dragon.

Aqua slicer. Pag gamit ni Minka nun ay agad siyang tumilapon pabalik at ni 1% ay hindi bumawas ang HP ng dragon, masyadong makapal ang balat nito at mataas ang depensa. Agad 'kong hineal si Minka dahil kumalahati ang kanyang HP ng tumama siya sa matulis na bato.

"Water bind spell activate!" Hinagis na ni Minka ang kapirasong papel sa dragon, at nag labas ito ng apat na parang ahas na tubig at bumalot sa malaking dragon.

Hydra blade. Gumamit muli ng skill si Minka at ngayon naman ay bumawas na ng 5% ang buhay ng dragon, ngunit mataas din ang bawas ng hydra blade sa MP ni Minka. Ginamit muli 'to ni Minka at nag whirlwind din ako, katulad kanina nakabawas muli ng 5% si Minka at ang akin naman ay walang epekto. Umatras na si Minka at nag labas ng mga MP potion at ininom ang mga 'to.

"GRAAAAWR!"

Nanlaki ang mata namin ni Minka, dahil sa nangyari.

"Ang wa-water bind spell... Nasira." Mahinang saad ni Minka.

Dahil parehas kaming nawala sa focus ay hindi namin namalayan ang pag-ikot ng dragon at hinampas kami nito ng kaniyang buntot. Ang buhay 'koy naging 20% nalamang at ang 'kay Minka ay 30%, agad 'kong hineal si Minka. Parehas kaming tumilapon sa lakas ng pag hampas ng dragon.

Iwas lang kami ng iwas ni Minka sa atake ng dragon pero nadadaplisan pa rin kami nito at kahit daplis lamang napakataas naman ang bawas sa HP namin, ubos na ang lahat ng potion 'ko at ng 'kay Minka. Ang MP 'ko rin ay naubos kaka-heal sa'min dalawa, hanggang sa isang atake ng dragon na nakapag patalsik muli sa'min mula sa malaking bato. Nakaupong tumama ang likuran 'ko habang si Minka nakahiga naman sa harapan 'ko sa lapag at parehas kaming nasa 10% nalamang ang HP.

"Anong nangyayari, hindi makagamit ng D'shi." Ani ni Minka habang may pinipindot sa holographic screen.

"Paano nangyari 'yon?" Saad 'ko at tinry din na pindution ang log out.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon