/DEMO/
Huminto kami sa palasyo na sinasabi ni Shia na nakatira ang higher up, at makakakuha ng iba't ibang quest. Pumasok na kami ni Minka roon at sobrang ganda ng disenyo sa loob. Puno rin ng orange color ang paligid at ang mga paso o mga upuan ay gawa sa gold, ang bulaklak ay may halong orange at puti. Pumasok si Minka sa pintuan, ganun din ako.
"Kuhanin mo yung quest na save the moon." Sinabi ni Minka, nakita 'kong kinausap niya ang babae at may lumabas na holograpic screen sa harapan niya at in-accept ito.
Kinausap 'ko na rin ang babaeng kinausap ni Minka, at katulad ng nangyari sakanya ay may nag appear din na holographic screen sa harapan ko.
Available quest:
• Remedy
• Save the moon
• Silver feathers
• --------------Pinindot 'ko sa screen ang save the moon at in-accept ito, at para bang lumipad sa ibang daigdig ang isipan 'ko at napunta sa isang kweba habang nakikita 'ko ang babae na kinausap namin na may hinahabol na naka-float na moon at lumilipad palayo.
"Munaya! Munaya!" Sigaw ng babae habang hinahabol pa rin ito.
"Munaya! Aking mahal na anak." Napaluhod ito ng pumasok ang moon sa napakadilim na kweba.
Bumalik ang kaluluwa 'ko sa aking katawan at agad nag tanong 'kay Minka kung anong nangyari.
"Pinapakita lang doon kung anong nangyari at para saan ang quest."
"Ganun pala 'yon." Sabi 'ko rito.
Nag lakad na kami ni Minka palabas sa town ng shizizuo, at pupuntahan daw namin yung kweba na ipinakita sa istorya ng babae.
"Narito na tayo."
Huminto kami ni Minka sa kweba na katulad na katulad sa nakita 'ko, sobrang dilim nga sa loob nito. Napatingin ako kay Minka ng may inilabas siya sa kanyang inventory, isang lampara.
Pumasok na kami sa kweba, at buti nalang at may dala si Minka na lampara dahil panigurado ay wala kaming makikita kung wala kaming ilaw.
Patuloy lang kami sa pag lakad, walang mga kalaban kaming nakikita o nararamdam na papalapit. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa napahinto kami dahil dead end na ito.
"Anong ginagawa mo?" Tanong 'ko habang nakatingin sa ginagawa ni Minka.
"Kumapa-kapa ka lang sa bato, panigurado may switch diyan." Sagot naman nito.
Isinandal 'ko ang siko 'ko sa pader, napatingin ako rito at nakitang napaurong ang square na guhit na bato at naramdaman namin ang pag shake ng lapag.
"Waaaaaa!"
"Minka!"
Hinawakan 'ko ang kamay nito ng madiin at unti-unting hinila pataas. Nang naiakyat 'ko ito ay nagulat ako ng bigla ako nitong kinurot sa siko.
"Pwede ba mag ingat ka nga!" Sigaw nito, batid sa boses niya ang pag katakot.
"Sorry, hindi 'ko sinasadya." Sinabi 'ko naman dito.
"Ayos lang." Mahina nitong sagot.
Dahil nasa mag kabilang dulo kami ni Minka ng may na urong akong bato ay may lumabas na butas pababa kung nasaan nakatayo si Minka at buti nalang ay nahawakan 'ko agad ang mga kamay nito. Mayroon din na hagdanan na bakal sa butas, naunang bumaba si Minka sa hagdanan at sumunod naman ako.
"Underground huh." Saad ni Minka habang minamasdan ang paligid na mayroong mga kumikinang-kinang na itim na bato na nakadikit sa mga bato ng kweba.
Linapitan ni Minka ang isang kumikinang na bato at kinuha iyon, walang kahirap-hirap niya itong nakuha at dahil dalawa ang daanan ay napatingin kami ni Minka sa gawi ng isa dahil may narinig kaming kung ano.
"Ano kaya 'yon." Mahina kong tinatanong sa sarili.
"I think we need to run." Saad ni Minka habang inilagay sa kanyang inventory ang nakuha niyang bato.
"E, bakit?" Tanong 'ko naman dito.
Napatingin kami at ngayon ay dinig na rinig namin ang malakas na paggulong ng kung ano man 'yon.
"Mi-minka!" Saad 'ko habang napatingin ako sa likuran namin isang batong malaki ang gumugulong patungo samin.
"Bilisan mo!" Sigaw ni Minka, at dahil hawak niya ang kamay ko kanina at tinakbo ako kaya nagulat ako. Ngayon at alam ko ang dahilan ng paghatak ni Minka ay wala na akong nagawa kung hindi tumakbo rin dahil parehas kaming malalagot ni Minka.
Takbo lang kami ng takbo ngunit isang diretsong daan pa rin ang tinakbuhan namin at ni walang likuan, ang batong bilog na malaki ay nakasunod pa rin sa'min at napakalapit na nito.
"Ayos ka lang?" Tanong 'ko dahil nangunguna na ako kay Minka.
"A-ayos lang ak-o!" Halata sa boses nito ang pagkahingal.
Sobrang lapit na ng bato kay Minka! Hinatak 'ko ang kamay ni Minka para mapabilis din siya sa pag takbo ngunit hinahabol na nito ang kanyang hininga at napatingin ako sakanya MP na nasa 5% nalamang.
Habang nag iisip kung paano 'ko mapapagpahinga si Minka ay may naapakan akong kung anoman na biglang lumubog na katulad ng nangyari sa siko ko kanina.
"Waaaaa!" Sigaw namin ni Minka ng muli kaming mahulog sa isang butas. Napatingin ako sa taas at dahil masyadong malaki ang bato ay hindi ito nag kasya sa butas at hindi nahulog.
"Brrr.brrrr hah!" Sabay ahon 'ko sa tubig kung saan kami nabagsak. Tumingin ako sa paligid at wala si Minka.
"Minka!" Sigaw 'ko.
Maya-maya ay may umahon din sa harapan 'ko, Minka!
"Anong nangyari." Sinabi nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang pag hinga.
"Hehe, sorry may naapakan ulit akong switch." Sabi 'ko habang nakayuko.
"Ganun ba. Ayos lang." Sabi nito. Napatingin ako rito at giniginaw ito.
"Pero ngayon 'ko lang napuntahan 'tong lugar na 'to na may waterfalls sa ilalim ng kweba." Sinabi ni Minka habang minamasdan ang paligid.
Napatingin naman din ako, tama nga ito may waterfalls nga at sa taas kung nasaan kami kanina ang taas din ng waterfalls. Ang paligid din ay may mga bilog na mga ilaw na kulay blue na umaangat sa tubig, ang ganda.
"Hoy, wa-wag kang gagalaw." Mahinang sinabi ni Minka.
Nagulat akong ng bigla ako nitong hinawakan sa braso, roon ko naramdaman ang sobrang lamig niyang palad.
"Ba-bakit?" Mahina 'ko rin sabi.
"Basta 'wag kang gagalaw o mag iingay." Sinabi muli nito habang palapit ng palapit sa'kin at ang paningin niya ay naka focus sa paligid.
Tumingin-tingin din ako sa paligid, ngunit wala naman kung ano. Maganda pa rin dahil mas dumadami yung maliliit na blue na ilaw na umaangat sa tubig at nag sisilbi itong ilaw sa buong kweba. Naramdaman 'ko ang hibla ng buhok ni Minka na tumatama sa aking ilong at para ba itong hinahangin. Hindi ko maitaas ang kamay ko dahil hawak ni minka ang braso 'ko ng madiin. Hindi 'ko na talaga ma kontrol ito dahil nakikiliti ang ilong 'ko at napasok pa ang iba sa loob nito.
"Hatsinggg!" Malakas kong pag bahing.
"Huh, pasensya na---."
"IDIOT!" Sigaw ni Minka bigla at hinatak ako paalis sa tubig.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...