Global corp. Main
Nagkakagulo ang lahat dahil sa iniutos ng kanilang boss. Kanilang inaayos ang mga system na kanilang sineal ng matagal na taon. Kailangan nila ayusin ang set-up ng mga ito upang gumana muli. Habang ang kanilang boss ay pinanonood ang huling laban ng mga ito.
"Konting oras na lang. Wala dapat mamatay sa mga ito para makumpleto ang sakripisyo. Mas maraming tao, mas maganda. Konting tiis na lang at ang nakaraan ay muling mauulit. At ang pangarap kong human experiment laboratory ay magkakabuhay. Hahh, konti na lang. Konting oras na lang! He he."
Rain temple
Patuloy nila itong sinusugod ngunit ang malakas na tubig ang nagpapatalsik sa mga ito. Simula ng bumaba roon si Vaisravana ay hindi ito umalis sa kaniyang pwesto. Hindi rin nila ito naiurong iyon doon kahit kaunti. Talagang malakas ang isang ito kumpara sa mga nakalaban nila noon. Ngunit nagtataka sila kung bakit patuloy lang ito sa pagdepensa at hindi sila ginagamitan ng pwersa.
"Tsk, ano kayang binabalak niya at panay depensa lang ang ginagawa niya?" Sambit ni Kite.
"Mukhang may binabalak ito na hindi maganda, kaya maging alerto pa rin tayo." Demo.
"Kaya nga. Hindi rin tayo sigurado kung ano ang balak nitong gawin. Huwag niyong hayaan na mahuli kayo nito." Minka.
"Huwag kayo magalala ako ang bahala sa inyong likuran." Daimin.
Lumipas ang isang oras panay pa rin ang pag depensa ni Vaisravana. Naiinis na si Minka dahil kapag iyon ay nagpatuloy ang kanilang mana ay mauubos na. Kaya wala itong nagawa kundi hamunin ito.
"Hindi ba't isa kang diyos ng digmaan? Paano ka naging isang diyos ng digmaan kung ang iyo lamang ginagawa ay protektahan ang sarili! Natatakot ka ba na masaktan, o baka naman ang pagdepensa lang sa iyong sarili ang iyong kaya? Totoo ba na isa kang diyos ng digmaan? O iyo lamang itong sinabi para kami'y matakot saiyo? Nagkamali ka, dahil kahit ikaw pa ang diyos ng kung ano man ay hindi ka namin aatrasan!" Sigaw ni Minka.
Gumamit ito ng maraming water clone at sabay-sabay na sumugod sa pwesto ni Vaisravana. Kitang-kita ang irita nitong itsura dahil sa sinabing iyon ni Minka. Malakas na pwersang tubig ang pinakawala nito na nagpatalsik kay Minka at nagpawala sa kaniyang mga water clone.
"Sino ka para magsalita ng ganiyan sa diyos na kagaya ko!?" Malakas na kidlat ang tumama sa iba't ibang puwesto roon sa pag sigaw nito.
"Nice." Ngisi ni Kite.
Sabay-sabay ang mga ito sumugod kay Vaisravana. Napansin nila ang galaw nito na kasing halintulad kay Lala. Lalo na ang bawat pag-iwas na ginagawa nito. Mas malakas lamang ito dahil ito'y may kapangyarihan na tubig at kidlat habang si Lala ay wala. Panay ang heal ni Daimin sa mga ito dahil sa tuwing matatamaan ito ni Vaisravana na kahit daplis lang ay kumakalahati ang kanilang buhay.
"Tsunami." Sambit ni Vaisravana. Naalerto ang apat dahil sa sinabi nito.
"Shit!" Sigaw nina Kite at Minka ng makita nag malaking agos ng tubig na papunta sa gawi nila. Wala silang matutuntungan doon para kanila itong maiwasan. Kahit ang rock wall ay hindi kakayanin dahil sa taas ng tubig nito.
"Holy mirror!" Sigaw ni Daimin.
Malaking salamin ang humarang sa tsunami ni Vaisravana. Kumalahati ang mana ni Daimin dahil sa kaniyang ginawa.
"Fusion spell activate!" Sigaw nina Kite at Demo. Ang enerhiya nilang dalawa ay nagsama.
"THUNDERSTORM!" Malaking hangging na may kidlat ang lumabas dahil sa enchant ni Demo.
"HELLFIRE DUAL-SLASH!" Humalo ito sa thunderstorm ni Demo at naging kulay itim ito na apoy.
"HELLFIRE STORM!"
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...