/DEMO/
Nasa classroom na ako ngunit ang diwa 'ko ay lumilipad at excited nang umuwi at mag laro muli, gusto 'ko na rin maipakita kay Minka yung nakuha 'ko at kung anong pwede 'kong gawin doon.
Napatingin ako sa desk 'ko ng may nag lagay dito, nakita 'ko ang maliit na box at papel doon. Tinignan 'ko ang papel at binasa.
Salamat nung sabado, sana magustuhan mo 'to.
Walang pangalan ang nakalagay pero alam kong si Thea 'yon. Napatingin ako sa gawi nila Thea na nakatalikod at kumaway ng dumating sila Jio.
Binuksan 'ko naman ang box at mayroon isang cupcake roon na kulay brown. Tinakpan 'ko muli 'yon at tinabi muna dahil dumating na ang teacher namin.
"Everyone, dahil sa pag retired ng teacher ng section daisy ay ang bawat istudyante ay nilipat sa iba-ibang section. Ngayon may apat kayong bagong classmates."
Pinapasok ni mam ang apat at napatingin ako ng pumasok ang isang babae at ang lahat ng lalaki sa section namin ay pumito, at masasayang nag bulungan at nakatingin dito. Siya yung babaeng--.
"Yung babaeng minanyak ni emo." Sigaw bigla ni Jio at ang buong klase ay nag si tawanan, sinaway agad ito ng teacher namin.
Napatingin ako roon sa babae, at masama itong nakatitig 'kay Jio. Bigla naman nag salita si Gin.
"Oi hindi mo ba kilala yan?" Habang nakatingi kay Jio.
"Huh?" Pagtataka ni Jio.
"Yan yung sinasabi 'ko sayo na famous dito sa school si Michaella!"
Nagulat naman si Jio ng sinabi iyon ni Gin.
"O, kaya naman pala maganda." Sabi ni Jio at agad pumito at ngumisi roon sa michaella. Mas lalong kumunot naman ang noo nito ng nakita ang mukha ni Jio.
Sinabi ni mam na umupo na yung mga bago sa mga empty seats. Sa harapan 'ko naman ay may isang empty seats at nagulat ako ng umupo roon yung Michaella. Tumanaw nalang muli ako sa labas ng bintana.
"Magkakaroon tayo ng project at need niyo mag form ng group into four members." Sabi ni mam at may nilabas siyang box.
"Bawat isa sa inyo ay lalapit dito at kukuha ng papel dito sa box at kung ano man letter ng nakuha niyo ay yun ang mga kagrupo niyo."
Isa-isa ng tumayo ang mga kaklase 'ko at kumuha ng papel sa box na nasa lamesa ni Mam, ganun din ako at ng nakakuha ako ay agad akong umupo sa silya 'ko at binuksan ang papel. Letter D.
Tinawag ni mam ang bawat letra at nag taas ng kamay ang mga nakakuha nito. Nasa letrang B ang grupo ni Jio, Tanya, Gin at Pamela.
"Letter D."
Tumaas ako ng kamay at ganun din ang babaeng nasa harapan 'ko.
"Herrera, demo. Gonzales, Richard. Lopez, althea and Hozon, Michaella. Kayo ang gagawa ng report about games."
Report about games huh. Nang natapos na ang lahat ay sinabi ni mam na mayroon kaming tatlong araw upang gumawa nito. Mas mataas ang grades nito sa quiz kaya hindi pwedeng hindi kami makagawa.
Nang matapos ang klase namin at nag break time na ng isang oras ay lumapit si Ricky sa'min ni Michaella.
"So anong plano?" Tanong nito.
Hindi sumagot si Michaella, at ako naman hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko. Lumapit na rin si Thea at dinala ang kanyang upuan papalapit sa seats namin ni Michaella. Ganun din ginawa ni Ricky. Walang nagsasalita sa'ming apat at kanya-kanya ang iwas ng mga tingin.
"Thea." Tawag ni Rick.
"Bakit?" Mahinang tugon naman ni Thea.
Habang iniiwas nito ang tingin, sakin? E, wala naman akong ginawa sakanya. Hindi ko nalang ito tinignan upang hindi mahiya o anuman.
"Hindi 'ko alam gagawin, ikaw mag leader." Pangungulit ni Rick dito.
"E, pero."
"Ayos lang sakin." Salita 'ko habang nakatingin sa langit.
"O, ayos lang daw. Bilis na hindi tayo makakagawa niyan kung walang mag le-lead."
"Pero kasi--."
"Ayos lang din sakin." Napatingin ako sa likod niya ng marinig mag salita si Michaella.
"O-okay." Sabi ni Thea at may sinulat sa kanyang notebook.
Nang matapos ni Thea isulat yun ay nagtanong siya kung anong games ang i-prepresent namin sa report o isang halimbawa. Sinabi naman nito na kung gusto namin ay Zodiac war online ang gagawan namin ng mga guide or ipapaliwanag. Tumango lang si Michaella, at Rick. Ako naman hindi 'ko alam dahil wala pa ako masyadong alam sa mga online games at natutunan ko lang ang iba kay Shia at Minka.
"Ano kasi." Mahina 'kong sabi at nakatingin si Thea at Rick sakin.
"Ganito nalang free ba kayo sa miyerkules? Wala naman pasok dahil may gaganapin dito sa school na tungkol sa ibang paaralan kaya pwede tayong magkita nalang para mapag-usapan about sa zowa online." Paliwanang naman ni Rick.
Para sa project naman ito kaya kakausapin 'ko nalang daddy ni Kycee na ilipat ang shift 'ko sa sunday para makagawa ako ng project.
"Free ako." Sabi 'ko naman. Tumingin kami kay Michaella at tumanggo ito.
"Ok, sa miyerkules alas dose ng tanghali sa rainbow park." Sabi ni Rick at inayos na muli ang kanyang upuan at sumama kila Jio na lumabas ng classroom.
Ganun din si Thea at sa harapan niya ay si Tanya at kumain na sila roon. Napatingin ako sa box na binigay ni Thea, makakapag tipid na rin ako at kinain yung cupcake.
Nang nag uwian ay dumiretso na ako sa work 'ko at buti nalang at free ngayon si Kycee at masasabi 'ko sakanya, dahil ang daddy niya ay wala at baka nasa ibang branch.
"Kycee pwede 'ko bang malipat yung shift 'ko sa miyerkules ng sunday?" Tanong ko rito habang nag aayos ito ng mga paninda roon.
"E, may lakad ka?" Tanong din nito.
"Yeah, kailangan 'ko dahil para sa group project namin." Sabi 'ko naman dito.
"Ganun ba, sure akong bahala 'kay daddy. Good luck sa project niyo." Sabi nito at ngumiti. Ang bait talaga ni Kycee.
"Maraming salamat."
Nang natapos ang shift 'ko ay umuwi na ako upang makapag ayos at makipag kita kay Minka in game.
Cominciare.
Hinanap 'ko si Minka gamit ang map 'ko at nandoon siya sa istatwa ng lion at nakasandal doon.
"Good evening." Bati 'ko rito at lumapit.
"Yeah. Tara." Sabi nito at nag lakad na.
"Oo nga pala may papakita ako sayo!" Sabi 'ko rito at binuksan ko ang inventory 'ko.
"Ah, yang skill mabebenta mo yan sa plaza ng 20-30 pesos. Huwag mo i-sell sa merchant dahil mura lang yan doon." Paliwanag naman nito.
"Oo nga e, limang piso lang sa merchant kaya hinintay kita makita para matanong 'to sayo." Sabi 'ko naman.
Pumunta kami sa plaza at may nakita kaming sumisigaw na buying ng lava bite skill, linapitan namin ito ni Minka at si Minka ang nakipag negosyo. Nabenta ito ng 25 pesos sa tulong ni Minka.
"Salamat." Sabi 'ko kay Minka habang sinusundan siya.
"Ok." Sagot nitong matipid.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...