036: The/Renaissance/Stone

4.6K 183 6
                                    

/-------/

Boss: Harpia
Level: 90

Nasa pwesto na ang tatlong grupo habang ang boss naman ay winawagaswas lamang ang kanyang pakpak habang nasa ere.

Sa pwesto ng shizizuo legion na grupo tinago ng kanilang leader ang armas nito at nag salita.

"Walang gagalaw sa pwesto na 'to hanggat hindi nangganggalahati ang buhay ng Harpy." Saad ni Minka.

"E, bakit? Paano natin makukuha yung reward?" Pagtataka naman ni Daimin.

"Hindi naman sa damage ang basehan para makakuha ng reward, kung sino maka last hit sa boss yun yung makakakuha." Paliwanag naman ni Kite.

"I'm not asking you." Simanggot ni Daimin dito.

"But i want to answer you."

"Yun lang ba ang plano?" Tanong naman ni Demo, agad naman tumanggo si Minka.

"Might rise, Mind rise, Steel body, vigor weapon." Pag buffs ni Daimin sa kanyang mga ka party.

Might rise - increase power 1000

Mind rise - increase magic 1000

Steel body - increase defense 1000

Vigor weapon - increase the weapon damage 1500

Sa kabilang side ang may mga asul na name bar, ay nagplaplano ang apat upang mapatumba ang harpy.

"Ang ultimate skill ni Dean ang gagamitin natin kapag nasa 20% nalang ang buhay ng Harpy, at dahil kailangan ng skill na yun ang huge MP at kalahati ng HP ni Dean sya ang susuportahan mo Pia okay?" Paliwanag ni Minnie.

"Naintindihan 'ko Min, hindi ako makakapag cast ng buffs na makakaubos ng MP 'ko." Ani naman ni Pia.

"Don't worry about that, ako ng bahala sa ibang buffs basta make sure na always full ang HP ni Dean."

"Ako, ako MinMin anong gagawin 'ko?" Masayang tanong naman ni Cheska.

"You can do everything you want!" Sabay thumbs up ni Minnie rito.

"Yay~ can i kill 'em, can I?" Pagmamakaawa nito habang nakangisi.

"Told you, you can do what you want. But syempre, don't let them kill Dean ok?"

"Roger~"

"Aqua shield, calm sea." Buffs ni Minnie sa buong grupo.

Aqua shield - Defense increase 500.

Calm sea - Cast time -2 mins.

"Lava coat." Buffs ni Cheska 'kay Dean.

Lava coat - Power increase 1500.

Sa side ng tatlong lalaki na taga Jinniuzuo.

"I'm going to destroy that annoying harpy before they do!" Galit na sabi ni Jio.

"Talaga ba na ang harpy ang gusto mo na patayin o si Demo?" Panggaasar ni Rick, binatukan naman ito ni Gin.

"What do you think." Sabay tingin ni Jio 'kay Rick habang naniningkit ang mata sa galit.

"Those annoying weak legion is really irritating! Dahil napatumba nila si Tenyu, nag aangas na sila! Hindi ko sila mapapatawad!" Sigaw ni Jio kaya rinig na rinig ng lahat.

"Weak legion you say?"

"Huh?" Tumingin si Jio ng galit 'kay Minka dahil sa sinabi nito.

"Hindi nyo lang ata matanggap na namatay si Tenyu sa isang level 75 na light magic user." Naka ngising salita naman ni Kite.

"Bastard! Sinwerte lang kayo, at oo  totoo naman diba ang shizizuo ang pinakamahinang legion sa buong ZoWan. Mas lalo pa nga lang kumulelat ng nawala ang piling malakas na Minko."

"Piling malakas? Hindi ba't si Tenyu 'yon?"

Mas lalong uminit ang pag sasagutan ni Kite at Jio, ng biglang may nahulog na malaking itlog sa harapan nila at sumabog ito.

Agad na hila ni Daimin si Kite sa pag sabog gamit ang kanyang Light vines, ngunit ang HP ni Kite ay nabawasan pa rin at naging 10% na lamang.

Si Gin naman ay agad na haranggan ng shield ang pagsabog pero tumalsik pa rin sila papunta sa pader dahil sa lakas ng impact, parehas sila ni Jio na nasa 60% ang HP.

Dahil sa taas ng Harpy ay hindi nila 'to maabot at mabilis din nitong naiiwasan ang mga magic na tinatama sakanya. Patuloy ito sa pag lalabas ng itlog na bomba at patuloy din sa pag takbo ang mga player na nandito.

"ANNOYING BIRD! METEOR ARROW!"

May lumabas na malaking nag aapoy na bato sa tip ng bow ni Cheska at palaki pa 'yon ng palaki. Mabilis itong lumipad sa ere ngunit naiwasan ng Harpy, ngunit lumiko ang meteor arrow at natamaan sa likod ang Harpy.

Lahat ng attacker ay nag si lapitan na sa harpy at gumamit ng mga skill. Nang kumalahati ang HP ng Harpy ay nag labas ito ng aura at tumaas ang attributes nito.

Patuloy pa rin sila sa pag patay nito, at ng umabot sa 20% ang buhay nito ay nag si balikan sila sa pwesto nila at nag cast ng skill na matagal ang cast time.

"MAGMA BREAKER." Salita ni Kite, ang buong bato na kanilang tinatayuan ay gumagalaw-galaw at palakas ng palakas 'to.

"TWENTY SERPENT SLASH." Binalot ng purple aura ang armas ni Jio.

"DEATH TERRAIN." Ang scythe na hawak ni Dean ay palaki ng palaki at naging matulis na bato.

Sabay-sabay ang cast time ng skill na 'yon, at ang bubong ng tore na bato ay nag bagsakan. Gumamit ng barrier si Daimin upang hindi sila matamaan ng mga batong naglalaglagan.

Tumalsik din ang tatlong nag cast ng skill na 'yon.

Ngunit, narinig muli nila ang pag sigaw ng Harpy, napadilat ang tatlo dahil hindi pa rin 'to napatay sa lakas ng impact.

Nang mawala ang buong buhangin na nasama sa hangin na nag takip kanina sa pwesto ng harpy ay nakita nila na may natira pa na 1% sa HP nito.

"Sorry, hindi tama ang kalkulasyon 'ko, i didn't know na malaki ang taas ng defense ng harpy kapag nag aura mode na." Ani ni Minnie sa kanya mga ka grupo.

Agad umabanse si Minka at gumamit ng Speed haste, at hihiwain na sana ang harpy ng agad umilaw ito ng kulay pula.

"Hey, you serious?" Sabay tingin ni Minka 'kay Jio.

"I'm not letting you win!" Ginamit ni Jio ang rare item na pwedeng gawin ang boss na 10x powerful.

"Problema 'to." Mahinang sabi ni Rick at huminga ng malalim.

The Renaissance stone. Forbidden ito gamitin sa isang normal tower na katulad ng harpy, at ang consequence sa pag gamit nito ay isang linggo na hindi makaka log-in sa laro.

Boss: Harpia Rebirth
Level: 110
Ability: Fast recovery

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon