Sa isang silid kung nasaan magkaharap ang dalawang mahabang sofa at nakaupo roon ang isang binatang lalaki at may edad na babae. Sa likuran ng binatang lalaki nakatayo ang isang magandang babae na mayroon magkaibang kulay ang mata.
"Bakit kailangan madamay ng mga anak ko sa kasalanan ng lalaking 'yon?" Tila hindi mapigil ng may edad na babae ang magalit at mainis sa sinabi sakanya ng lalaki.
"Lahat idadamay ko, lahat gagawin ko, kaya madam kung ayaw mo malaman ng ibang tao na kayo ang tunay na pamilya ng taong iyon. Gawin mo ang nais ko." Kalmado at seryoso ang binatang lalaki, hindi katulad ng may edad na babae kunot noo at halata ang galit sa mga mukha nito.
"Hindi ako papayag, hindi ko ibebenta ang kalayaan ng mga anak ko para lang sa kasalanan ng walang hiyang lalaki na 'yon. Kaya kahit magmakaawa, lumuhod o umiyak ka ng bato diyan hinding hindi ko ibibigay sayo ang anak ko." Matapang na sagot ng may edad na babae.
"Hindi mo ako naiintindihan madam. Wala rin akong balak bilhin ang kalayaan o kaluluwa ng anak mo. Hindi man sa paglilinaw, hindi ko ito binabalak na paslangin o pahirapan dahil kabayaran para sa nagawa ng asawa mo. Ang nais ko lang ay gamitin ang anak mo para sa aking isang eksperimento." Paliwanag nito.
"Gagawin mong parang baboy ang anak ko at kapag may nangyaring masama? Ano ang iyong rason, na hindi mo mawari na ang iyong ginawang eksperimento ay nabigo. Bakit ang anak ko pa ang kailangan mo gamitin? Dahil ba ito sa iyong galit sa lalaking iyon? Kung gusto mo makaganti sakanya, bakit hindi nalang ako ang gamitin mo at pabayaan mo na ang mga anak ko!"
"Madam hindi mo talaga naiintindihan." Ang kalmadong mga mata ng lalaki ay napalitan ng sobrang talim na kahit ang may edad na babae ay nanlaki ang mata sa naramdamang kaunting takot.
"Sa tingin mo ba na gagawa ako ng dahilan upang makulong ako? Sa pagimbento ng teknolohiya, hinding hindi ko susundan ang yapak ng asawa mo. Nasisigurado kong walang mangyayaring masama sa anak mo gamit ang aking gawang teknolohiya. Hindi rin maaari na ikaw ang susubok dito, may sarili akong rason kung bakit ang anak mo ang kailangan ko." Muling bumalik sa normal ang itsura ng mga mata nito.
"Kahit ilang beses mo sabihin, hinding hindi ko ibibigay sayo ang kalayaan ng anak ko. Kaya wala na tayong paguusapa pa, wag mo na kaming gulohin." Tumayo na ito at naglakad na papunta sa pinto ng nagsalita muli ang binatang lalaki.
"Heh, kapag pinaalam ko sa buong pilipinas na mayroon pa itong pangalawang pamilya. Paniguradong mas mawawalan ng pagkakataon mabuhay sa kalayaan ang mga anak mo." Ngumisi ito.
"Ang sama mo! Wala kang pinagkaiba sa lalaking iyon!" Hindi na ito nakapagtimpi at sumigaw sabay harap sa kinauupuan ng binata.
"Give and take the only reason here. Binigay ko sa lalaking iyon ang importanteng babae sa buhay ko, at kukuhanin ko naman ang importanteng tao sa importanteng babae para sakanya. Yes, kung sakim man ang asawa mo, mas sakim ako. At ang asawa mo ang nagturo sakin upang maging ganitong tao. Kaya kung hindi ka magdedesisyon agad, hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay ng mga anak mo."
°°°
Katahimikan ang bumalot sa puting silid dahil sa katanungang iyon ni Kite. Lumipas ng ilang minuto ang labi ni Nikko ay gumuhit ng ngiti.
"Si Daimin ang artificial intelligence na aking gawa."
"Ang tanong ko kung may kinalaman ka rito, sa pagkawala niya."
"So what if, I am? Pwede kong gawin kahit ano sakanya, may problema?" Mas lumawak ang pagngiti nito na akala mo'y nangaasar.
"Una kitang makilala sa laro, sinabi mo ang tungkol sa isang non-player character kahit wala naman akong tinatanong sayo nito. Pangalawang pagkikita natin muli, nasa tapat ko kayo nag-uusap ni kuya at muli binuksan mo ang tungkol sa mga NPC o AI. Dahil sa pagiging maosyoso, gumawa ako ng paguusisa tungkol sa mga ito. Hindi ko rin naman mawari na ang babaeng iniibig ko ay isang NPc, pero kahit ng malaman ko ito hindi pa rin ako nawalan ng pagkakataon at mas lalong nahulog dito. Alam ko na makasarili ang aking hiling, pero muli gusto ko sana siyang makausap. Nagmamakaawa ako gusto ko ulit makausap si Daimin!" Desperado nitong hiling.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...