028: Light/Magic/Archangel

5.9K 263 23
                                    

/DEMO/

"Leader!" Sigaw ni Jio, at tumakbo sila palapit dito.

"Tenyu!" Gigil na sinabi ni Kite habang sobrang sama ang tingin dito.

Ibang-iba nga 'to sa  magma breaker ni Kite, ito halos dumapa na ng kusa ang buong katawan namin sa lupa at mabilis na nauubos ang HP namin. Ang buong paligid ay mas lalong nagwawasak-wasak at hindi na kita ang lupa dahil sa apoy na tubig na nagkalat sa buong base ng shizizuo.

"You're the kid from Tiangxiezuo, right? Lumipat ka sa shizizuo 'coz you can't beat Klemen---" nahinto ang sinasabi ni Tenyu ng biglang sumigaw si Kite.

"Hindi yun dahilan kung bakit ako lumipat dito!"

Ibig sabihin hindi na siya baguhan sa larong 'to. Pwede pa lang mag change ng legion, akala 'ko imposible 'yon. Pero bakit kaya siya lumipat sa shizizuo, kung hindi naman ang pagiging top player ang kanyang habol?

Biglang kumunot ang noo ni Tenyu at nilabas muli ang dalawa niyang hammer. Ang buhay namin lahat na nasa gitna ay nasa 10% nalamang at patuloy ang pagbaba dahil sa tubig na apoy kung nasaan kami nakadapa.

"Lava explosion!"

Sigaw ni Tenyu, ang tubig na apoy na nakapaligid sa'min ay kumapit sa aming mga katawan at nakita namin ang pag ngisi ni Tenyu.

"Damn you Tenyu!" Sigaw ni Kite bago kami sabay-sabay sumabog dahil sa tubig na apoy na nakakapit sa'min.

Sabay-sabay kaming tatlo nag respawn malapit sa flag kung saan nakatayo lamang si Daimin.

"Bakit pinanonood mo lang kami?" Nakakunot noo na sinabi ni Minka.

"Why, do you need my help now?" Sarcastic na sagot ni Daimin habang nakangisi 'to.

"Obviously?" Nakita 'ko naman ang kamao ni Minka na nakabilog ng madiin. Naiinis na rin siguro siya dahil sa nangyari.

"Daimin." Mahina 'kong tawag dito at sumenyas ng 'enough'. I think naintindihan naman niya siguro ang pinarating 'ko dahil tinigilan na niyang asarin si Minka.

Napatingin naman ako sa gawi nila Tenyu nakatayo lang silang apat doon at maya-maya ay naglakad na sila papunta sa'min.

"I really hate your damn face Tenyu!" Sigaw ni Kite at agad tumakbo sa gawi nila Tenyu.

Pipigilan sana 'to ni Minka pero hindi na niya nagawa at napa 'tsk' nalang. Muli nag cast 'to ng lava explosion, may mga natira pa palang mga tubig na apoy. Napahinto sa pag takbo si Kite at para ba 'tong na paralisa, ang tubig na apoy ay mabilis na bumalot sa katawan ni Kite. Napatingin kami ni Minka ng bigla nag salita si Daimin.

"Archangel call."

Mahina nitong sinabi at agad nag liwanag ang buong base, ang cyclone wall na ginawa ni Gin ay biglang nawala pati na rin ang mga tubig na apoy na gawa ni Tenyu ay nawala. Ang lupa at mga batong malalaki dahil sa gawa ng magma breaker ay gumagalaw-galaw na para bang lumilindol. Sa taas kung saan nangangaling ang ilaw ay may bumababa na babae na may mapuputing buhok na mahahaba. Ang mata nito ay buong puti lamang ang damit nito ay kulay sky blue. Sa likod nito ay may pakpak ng anghel, sa uluhan nito ay may hallo na kulay sky blue rin.

"Light magic." Tulalang sinabi ni Tenyu.

"Wrath scream." Mahina muling sinabi ni Daimin.

Bumukas ang bunganga ng anghel na sinummon ni Daimin at may puting ilaw ang nabubuo rito.

"Silent barrier."

May kulay sky blue na coating ang pumalibot sa katawan namin, nilagyan din ni Daimin si Kite. Bigla ng sumigaw ang anghel at ang mata nitong puting-puti ay nag turn ng itim at mas lalong lumakas 'to. Pero hindi 'ko nararamdaman ang pananakit man ng tenga. Napatingin ako kila Tenyu na pilit na pilit ang pag takip sa kanilang mga tenga, at mabilis na pag bawas ng kanilang buhay.

"Wrath beam." Muling sabi ni Daimin.

Ngayon naman ay nagipon ito ng puting palaking-palaki na parang hugis bola at lumipad sa itaas, sobrang laki nito na halos buong base ay matatamaan na nito. Napapikit nalamang ako ng bigla 'tong bumagsak papunta sa base.

Unti-unti 'kong binuksan ang mga mata 'ko at wala na sila Tenyu rito, at ang buong base ay para bang sinugod ng malaking dragon. Giba-giba ang buong paligid.

"Anong ginawa mo!" Inis na salita ni Minka.

Napatingin ako sa kanilang dalawa parehas nanaman silang masasama ang tingin sa isa'-isa.

"Tinulungan kayong talunin sila? Hindi ba obvious?" Sagot naman ni Daimin.

"Tinulungan mo kami pero hindi ka marunong kumuntrol ng power mo! Tignan mo ginawa mo sa flag!"

Napatingi naman ako kung saan nakatayo ang flag namin, ni stick nito ay wala pati yung flag wala.

"Hindi 'ko naman sinasadya e!" Nag pout naman 'to, wala ng nagawa si Minka kung hindi huminga nalamang ng malalim.

Lumapit na ako sakanilang dalawa. Naging maayos din naman ang mukha ni Minka at napansin 'kong parang gusto niyang ngumisi pero pinipigilan niya 'to. Hindi 'ko mapigilan ngumiti ng bahagya.

"My angel."

Agad kaming napalingon ni Minka ng narinig namin ang sinabi ni Kite, nakaluhod ito habang hawak-hawak ang kamay ni Daimin.

"Angel?" Pagtatakang tanong ni Daimin dito.

"Salamat, siguro ikaw na yung matagal na anghel na binigay sa'kin. Mabuti nalang at nakilala na kita."

Hindi 'ko alam kung ano irereakt 'ko, kanina lang napaka seryoso ng mukha ni Kite ngayon naman halos magningning ang mata at abot langit ang ngiti nito.

"Bitawan mo ako." Biglang sumeryosa ang mukha ni Daimin at nilabas ang kaniyang staff at ginamit 'yon upang maiurong-urong niya ang noo ni Kite.

"Crazy." Mahinang sabi ni Minka at inalis ang tingin sa mga 'to.

"You, hindi pa tayo tapos. Tie ang laban at dapat mo'ng gawin ang sinabi 'ko at gagawin 'ko rin ang sasabihin mo."

Sabi ni Kite habang nakalingon banda samin ngunit nakaluhod parin doon, at patuloy dinudukdok ni Daimin ang pisngi nito gamit ang ilalim ng staff niya.

"Kahit manalo o matalo ka 'man, I'm not going to change my name." Walang ganang sinabi ni Minka.

"So bakit ka pumayag sa deal kung wala kang balak gawin 'yon?" Inis na sabi ni Kite.

"Wala lang."

"You! Hindi ako papayag na kapangalan mo ang hinahangaan 'kong player dito sa ZowaN! Kahit 'man si Tenyu at Klement walang wala sila 'kay Minko, kaya hindi ako mananahimik at hindi kita titigilan hangga't hindi ka nag papalit ng pangalan mo! Hindi ako papayag na may taong gumamit o kahit 'man katunog ng pangalan niya." Kita sa mukha ni Kite ang galit at lungkot.

Hindi 'ko alam na yun pala ang dahilan niya. Akala 'ko nung una ayaw niya rin 'kay Minko katulad ng ibang player. Napatingin ako 'kay Minka, may gumuhit na mga ngiti sa mga labi nito na halos lumabas ang puso 'ko sa bilis ng tibok nito.

"I see, katulad mo I had a reason why I'm using this name."

Napatingin si Kite 'kay Minka, si Minka naman nakatingin lang sa langit.

"Dahil ako't si Minko ay i-isa."

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon