078: Last/Chapter

3.2K 117 7
                                    

"Kuya..." Mahinang tawag ni Daimin dito.

Patuloy si Demo na hinahampas ang kaniyang scythe kay Vaisravana. Patuloy din sa pagsapo si Vaisravana ng mga hampas ni Demo. Hindi nito alam ni kahit si Daimin kung saan nakuha ni Demo ang biglaang paglakas nito. Ang bilis at lakas nito'y kaparehas na ni Vaisravana. Para itong wala sa kaniyang sarili na patuloy binibigkas ang pangalan ni Minka.

"Wind chain. Whirlwind." Ang hanggin ay pumulupot sa buong katawan ni Vaisravana kasabay ng pag cast muli nito ng whirlwind. Gumamit ito ng wind step at nagulat na lang si Vaisravana na nasa kaniyang likuran na si Demo.

"GWAAAAAAAAAAAH", Sigaw nito. Dahil dinikit ni Demo ang kaniyang palad sa likod nito. Agad nawala sa harap ni Demo ito at lumayo.

Dahil sa paghigop ni Demo sa kapangyarihan ni Vaisravana mas lumaki ang stats nito. Sa pagkawala nito sa kaniyang sarili ang mga nahigop niya mula kay Clay at Virupaksa ay muling bumalik kaya pumantay ang lakas nito kay Vaisravana. Ngayon na hinigop nito ang lakas ni Vaisravana, mas lumakas ito at humina ang kalaban.

"Thunderstorm!" Limang malaking ipo-ipo ang sabay-sabay na lumabas at pumalibot kay Vaisravana.

Si Nikko naman ay ngising-ngisi dahil sa kaniyang natunghayan. Habang ang apat ay gulat dahil sa pagiging overpower ni Demo. Sinabi naman ni Nikko na may kailangan siyang puntahan at umalis doon. Naiwan sila Minka, Kite, Laylin at Clay na pinanonood ang laban. Si Nikko naman ay pumunta kung saan pumunta ang kaniyang robot warrior na si Minka o Egis. Sa basement iyon ng Global corp. May pintuan doon na hindi mabubuksan hangga't hindi matatalo ang huling boss. Pinatulog lahat ni Egis ang mga bantay sa Global corp para makapasok ng walang hirap ang kaniyang master na si Nikko. Pagdating ni Nikko sa lugar, naka takas na ang boss ng Global corp. Hinayaan niya talaga itong makatakas. Dahil kung nais niya talaga itong mahuli, kayang-kaya ito hulihin ni Egis. Pero hindi niya iyon ginawa. Kung bakit. Si Nikko nalang ang nakakaalam doon. Lahat ng mga tao roon ay dinala ng mga kapulisan upang ma interview. Nagpasalamat din ang mga ito dahil kay Nikko. Kilala si Nikko bilang tagapagligtas ng mga taong natrap noon sa isang Mmorpg, ngayon na may nagawa nanaman ito. Maraming mga media ang gusto nanaman itong mainterview. Pero tumanggi muna si Nikko. Dahil nais muna nito iligtas ang babaeng kaniyang matagal ng hindi nakakapiling.

Sa laban nina Demo at Vaisravana. Malakas na pwersa ang pinakawala nito para ang mga ipo-ipo na papunta sakaniya ay mawala. Mabilis itong pumunta sa harapan ni Demo at hahawakan si Demo sa leeg nito pero humarang si Daimin at siya ang naglaho. Sa pagkawala ni Daimin ay nagulat si Vaisravana dahil wala na si Demo roon.

"Paniguradong hinihintay ka na niya." Boses na nanggaling sa likod ni Vaisravana. Dinikit na ni Demo ang kaniyang palad sa likod nito at patuloy na itong ngumawa at ang buong lugar ay unti-unti ng nababasag.

"Good morning." Ngiti nito habang nakatinggin sa babae. Tinaas ng babae unti-unti ang kaniyang kamay at hinimas ang mukha nito. Tinulunggan ito ng lalaki umupo at yinakap.

"I m-m-miss yo...you." Yinakap nito ng mahigpit ang lalaki habang patuloy sa pag-iyak.

"I know." Ngisi ni Nikko habang masayang kayakap ang kaniyang mahal na hindi niya nakapiling sa matagal na panahon.

Patuloy ng naglaho ang lugar ni Vaisravana at napunta si Demo sa kulay puting silid. Pumasok na siya sa salamin at nabasag ito. Sa paglitaw ng huling bato nagkaroon ito ng mga kulay. Kulay asul, pula, berde at dilaw. Umilaw ang mga iyon at ang buong nangyari sa loob ng dating online games na biktima ng krisis ay mabilis na nag flashback sa utak ni Demo. Nakita niya ang patuloy na iyakan ng mga tao, masayang memorya, laban na kasama ang mga kaibigan, pamilyang nabuo at ang lungkot ng mga ito. Nagpasalamat ito na hindi mangayayari sa Zowan ang nangyari noon. Dahil mahirap ang mawalay sa taong iyong minamahal, sa pamilya at mga kaibigan na maiiwan mo sa totoong mundo. Ang mundo na iyon ay napakaganda, ngunit may mga masamang naninirahan sa ilalim na sumira rito. Kaya ang buong mapa nito ay nabura na dahil sa virus na iyon.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon