014: Chunuzuo/Versus/Mojiezuo

7.5K 288 10
                                    

/Demo/

"Tulala ka nanaman!"

Napatingin ako sa gilid 'ko ng nagsalita si Kycee.

"E, sorry."

"And now nag so-sorry ka without a reason." Saad muli nito.

"Sorry."

"Your doing it again. Hmmp." Sabay pout nito.

Ngumiti nalang ako dahil hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko.

Sabado ngayon, naalala 'ko kasi bigla yung mail ni Minka sa'kin na 'wag 'ko raw kalimutan na mag online. Hindi 'ko maiwasan isipin kung ano ba yung ipapakita niya sa'kin.

"Good afternoon mam." Bati 'ko sa babaeng lumapit sa counter.

Nilapag niya ang limang hershey at potato chips sa counter, nilagay niya rin ang 500 na buo.

Nakasuot nanaman siya ng weird na damit. Kinuha 'ko na ang pinamili niya at pinlastick ito, binigay ko rin sakanya ang sukli niya.

"Thank you, see you again." Sabi 'ko.

Tuloy-tuloy na itong lumabas at nag lakad papalayo. Narinig 'ko muli ang pag tunog ng pinto ng store.

"Good afternoo- Thea."

"D-d-demo."

Nagulat ata ito ng nabangit 'ko ang pangalan niya.

"Good afternoon." Agad 'ko naman ito muling binati.

Tumango siya at hinila si Tanya papunta sa mga binebenta sa store. Inayos 'ko naman ang mga nilagay ni Kycee na mga candy sa harapan ng counter.

Maya-maya ay lumapit na sila, inabot ni Thea ang basket at tila mahiya-hiya pa. Napatingin ako sa binili niya, kaya pala.

Kinuha 'ko na iyon at pinlastick na, inabot nito ang bayad at agad-agad tumakbo palabas.

Alas sais na at out 'ko na, nag madali na akong umuwi upang makapag linis at makakain muna bago makapag laro. Alas siyete na at nag log in na ako.

"You're 3 minutes late."

"Minka!"

"Wh-why are you smiling? You look stupid."

Sabay kumunot ang noo nito. Hindi 'ko alam pero bigla nalang ako napangiti ng muli itong makita, ilang araw 'ko rin siyang hindi nakita.

"Tara na. Baka mawalan tayo ng pwesto." Naglakad na ito ng mabilis.

"Pwesto para saan?"

"Legion vs legion." Sagot nito.

"Eee, pwede makanood kahit na iba legion natin?" Tanong 'ko.

"Yes naman, kahit sa mga guild vs guild makakanood ka. Pero limited lang ang pwesto dahil sa dami ng player hindi mag kakasya lahat ng tao roon." Paliwanag nito.

Pumasok kami sa isang malaking bahay at nakalagay sa itaas ay legions. Kinausap namin ang babae.

Are you sure you want to go to legions arena room 3?

Nag yes kami ni Minka, at ang buong paningin 'ko ay nag fade at unti-unti rin nag balik. Nasa isa kaming malaking kwarto at mayroon apat na malalaking holographic screen, na pinakikita ang mga ibang players na parang nasa isang malaking Colosseum.

Madaming tao sa room kung nasaan kaming ni Minka, nakikita 'ko ang kanilang name bar na iba-iba ang kulay. Halo-halong mga legions ang nandito, pero may nakikita ako na magkakasundo kahit na mag kaiba sila ng legion.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon