033: Chunuzuo/LayLin

5.3K 198 14
                                    

/DEMO/

"Sa-salamat." Sabi 'ko rito at tumayo na.

"Anong ginagawa--" Pinigil agad ni Laylin si Kite sa pag sasalita.

"Wala na tayong oras, lumiko tayo sa isang eskinitang 'yon." Sabi ni Laylin patakbo na ito ng biglang nag salita muli si Kite.

"Bakit kami makikinig sa player ng ibang legion?" Seryoso lang ang mukha nitong nakatingin 'kay Laylin.

"Hmm, kasi panigurado sa bridge kung saan kayo galing kanina'y nag papatayan na ang ibang player. Don't forget na ang area sa bridge ay player killing is allowed." Sabi nito at katulad ni Kite seryoso rin ang itsura.

"Heh, lahat ng lagusan na lalabasan naman dito ganun. At isa pa, how the hell na alam mong sa bridge kami nanggaling!?" Sabay labas ni Kite ng kanyang hammer.

"Hmm. Kung magmamatigas ka, kailangan 'ko na sigurong gawin yun upang mapasunod kayo." May nilabas siyang isang papel at initsa kung nasaan si Daimin.

"Locked chain spell."

Agad may bumalot na kadena sa buong katawan ni Daimin, at lumutang 'to sa ere. May hawak din si Laylin na kadena na kadugtong ng 'kay Daimin.

"Anong ginagawa mo!?" Sigaw bigla ni Kite at nilabas pa ang isa niya pang hammer.

"Ayoko sana gawin 'to, pero wala na tayong oras."

Biglang takbo nito roon sa eskinitang kanyang sinabi, mabilis din na tumakbo si Kite at sinundan. Tumakbo na rin ako at sinundan sila.

Sobrang daming pasikot-sikot sa eskinitang 'yon buti nalang at may mga iniwang sign si Laylin kung ano ang dapat namin sundan. Kung wala 'yon siguro naligaw na ako dahil hindi 'ko na rin na sundan si Kite sa sobrang bilis nito.

Sa isang daanan ay parang may nakaharang na salamin dito, para 'tong katulad sa holy mirror ni Daimin na transparent. Pumasok na ako roon at lumabas sa madamong lugar, napatingin ako sa isang malaking puno sa gitna ng madamong lugar na 'to. Andun sa damuhan si Daimin at Kite nakatayo habang nakatingala sa puno. Lumapit na rin ako roon at tuminggala, nakaupo roon si Laylin.

"Ayun na yung isa nyong kasama." Sigaw ni Laylin sabay turo sa likuran namin.

Mabilis akong humarap doon at nakita 'ko si Minka na naglalakad palapit sa'min habang hawak ang isang blade ang cresthell blade.

"I told you, she can survived." Mahinang sinabi ni Kite habang nakatingin sa ere.

Napangiti nalang ako at tuminggin na muli 'kay Minka, bigla naman tumalon si Laylin sa puno at katabi 'ko siyang kinakawayan si Minka. Tinignan 'to ni Minka pero hindi niya 'to nginitian or sinamaan ng tingin.

"Buti maayos ka lang." Sabay lapit 'ko rito.

"Yeah." Mahina nitong sabi. Pinasok niya sa inventory niya ang blade.

"Pwede mo na bang sabihin kung bakit mo kami sinusundan at minamatyagan simula pumasok kami sa Z'market!" Sinabi ni Kite sabay tingin 'kay Laylin.

Pero hindi 'to pinansin ni Laylin at linapitan si Minka. Sumama ang mukha ni Kite at napaupo nalang sa damuhan.

"We meet again." Ngiting sabi ni Laylin 'kay Minka. Tinanguan lang 'to ni Minka.

"Hindi 'ko alam na naiba na ang taste mo at gumawa ka ng party." Salita muli ni Laylin.

"Think so." Matipid muli nitong sagot.

Lumapit si Laylin 'kay Daimin at kinamayan 'to at nagpakilala, tinignan lang ni Laylin si Kite at inalis din ang tingin at naglakad papunta sa'kin.

"Nice to meet you." Nilahad nito ang isa niyang kamay.

"Ah, nice to meet you too." Makikipag kamay na sana ako rito ng biglang pigilan ni Minka ang kamay 'ko at agad niya 'tong nilayo sa kamay ni Laylin.

"Don't." Saad ni Minka habang nakatingin 'kay Laylin.

Isang minuto bago mag salita muli si Laylin na nakatulala lang kanina, at ngayon ay ngumiti 'to.

"Selfish girlfriend?" Pang aasar nito habang nakatingin 'kay Minka.

Gi-gi-girlfriend? Hindi 'ko alam pero bigla nanaman lumakas ang kabog ng dibdib 'ko at hindi 'ko rin alam kung magsasalita ba ako o hindi.

"Hindi, basta 'wag na 'wag mo siyang hahawakan kahit dampi 'man." Usual na pagsasalita 'to ni Minka.

Bakit ayaw niya 'kong pahawakan? Wala naman akong nakakahawang sakit? Pero hindi 'ko talaga maintindihan.

"Yes, yes." Sagot naman ni Laylin habang tinaas ang kanyang dalawang kamay.

Binitawan ni Minka ang kamay 'ko at tumayo sa harapan nasa bandang gitna siya at nag salita.

"Kanino 'ko pa gustong itanong 'to ano ba ang mangyayari kapag nahuli ka ng mga armored knight kanina?" Salita 'ko agad.

Napatingin sila sa'kin maliban 'kay Kite na nasa malayo ang tingin.

"Kapag nahuli ka nila hindi ka makakalog-in ng dalawang linggo, yun yung parusa nila." Sagot ni Laylin.

Dalawang linggo ang tagal naman ata masyado nun. Napangiti nalamang ako ng tignan si Minka, buti nalang at maayos lang siya. Hindi 'ko alam kung ano mangyayari sa'kin kapag hindi siya nakita ng dalawang linggo.

"Hey, kanina isang cresthell lang dala mo." Tanong ni Kite at tumingin 'kay Minka.

"Oh, nakuha ng iba yung isang pares."

"What!?" Sigaw ni Kite sabay tayo.

"Kilala mo ba kung sino?" Tanong ni Laylin dito.

"Siya lang naman ang i-isang gumagamit ng Dimension gauntlet sa buong ZowaN." Ang walang emosyong mukha ni Minka ay binalot ng sama ng binigkas niya ang Dimension gauntlet.

"Dimension gauntlet?" Tanong ni Daimin.

"Ang gauntlet na kayang pumasok sa isang dimension space at pumunta sa lugar kahit 'man malayo, at kuhanin ang gusto ng taong gumagamit nito. Kapag nahatak ka ng kamay na may suot ng gauntlet na yun dadalhin ka kung nasaan ang taong nagmamay-ari nun." Pag paliwanag ni Kite rito.

"Walang duda, kung siya 'man ang kumuha i-expect mo ng binabalak niya 'yon ibenta sa black market." Saad naman ni Laylin.

"I know, kaya hihinge ako sayo ng favor. Hindi kami makakapasok sa lugar na yun, dahil wala sa'min gumagamit ng dark magic."

"Gusto mong kausapin 'ko siya, right? Sure ikaw pa, malakas ka sa'kin. Then lets meet again, two weeks before mag open ang black market see you. Paniguradong free na siya ng mga araw na yun, by now mukhang busy siya kaya hindi 'ko agad makakausap." Paalam nito pero agad akong nag salita.

"A-ano may gusto akong tanunggin--" pero agad ako nitong pinatigil at nag salita muli.

"You can ask me about that next time." Sabi nito at lumipad na pa layo.

Nagpaalam na kami at nag log-out na rin, nakahiga ako at hindi maalis sa isip 'ko ang gusto 'kong itanong sa kanya.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon