060: Minko's/Return

4.4K 160 11
                                    

"Lalaki ka ba talaga? Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kita nakitang umiiyak, dinaig mo pa ang babae sa pagiging iyakin."

Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ni Demo sa mga mata habang tulalang nakatinggala na nakatingin kay Minka.

Sobra ang saya nito ng nakitang maayos lang ito, hindi nito mapigilan ang kanyang luha na patuloy nagbabagsakan sa kanyang mata.

Sa lugar kung saan nakatayo si Kite, hindi ito mapakaling tumingin-tingin sa paligid. Nagbabakasaling muling makita ang babaeng nagpatibok ng puso nito. Pero kahit saan. Kahit saan ito tuminggin ay hindi mahagip ng paningin nito ang presensya ng babae kanyang hinihintay.

"Daimin..." Bulong ni Kite sa hangin.

Maya-maya ng kumalma si Demo ay kanya na rin tinulunggan sa paghahanap si Kite, ganun din naman si Minka. Linibot ng tatlo ang buong shizizuo kingdom ngunit wala silang napala. Nagkasalubong ang tatlo sa estatwa ng liyon. Tinignan din nila si Daimin sa kanilang party log, ngunit wala na ito rito. Wala rin silang kontak dito dahil wala sa system ng NPC ang makatanggap ng friend request at email.

"Hindi kaya katulad ng nangyari kay Minko, naglaho ang data system ni Daimin?" Wala sa sariling tanong ni Kite.

"Hindi maaari, dahil ako lang naman ang kumuha ng quest ng NPC. Wala akong nakitang ginawa si Daimin, kundi nakatingin lang ito katulad ninyo." Paliwanag naman ni Minka rito.

"Pero bakit... Nasaan siya kung ganun!" Umiwas lang ng tingin si Minka at hindi kumibo.

"Subukan natin bumalik sa Mt.Astral, baka dahil isang AI si Daimin at hindi siya nag force log-out katulad natin ay nanatili siya sa lugar na iyon." Anyaya naman ni Demo sa dalawa.

Agad nagliwanag ang mga matang binalot ng dilim nina Minka at Kite sa sinabing iyon ni Demo. Linabas nito ang libro ng menshen at sinubukan isulat ang pangalan ng lugar ngunit, nagulat ito ng kusang nabura ang kaniyang sinulat. Pinaulit-ulit iyon ni Demo, pero paulit-ulit din ito nawawala. Dahil sa nakitang iyon ni Minka ay natigil ito sa pagkagat ng kanyang daliri at utal-utal na nagsalita.

"S-sinabi ng iba na kapag ang iyong sinulat ay kusang nabubura o nawawala, i-ibig sabihin ay hindi nag e-exist ang iyong sinulat at hindi nababasa ng system kaya ito n-nawawala ng kusa."

Hindi mabasang emosyon ang bumalot sa mukha nina Demo at Kite sa kanilang narinig.

"A-anong sinasabi mo, paano iyon nangyari. Hindi ba't kakapunta lang natin sa lugar na iyon!" Sigaw ni Kite, halong galit at lungkot ang nararamdaman nito.

"Yun nga. Yun nga ang pinagtataka ko, hindi pwedeng maglaho nalang ng ganoon ang Mt.Astral. Kahit ako hindi ko alam bakit kusang nabubura sa pirasong papel ng menshen ang lugar na ito-"

"Kung wala na ang Astral, nasaan si Daimin! Nasaan siya, hindi ba't ikaw ang may nais may malaman sa lugar na iyon pero bakit nadamay si Daimin. Bakit siya ang naglaho at hindi ikaw-"

"Kite!" Nahinto sa pagsasalita si Kite ng narinig niya na sinigaw ni Demo ang kanyang pangalan.

"Alam ko ang nararamdaman mo, katulad mo nawalan na rin ako. Pero tandaan mo hindi lang ikaw ang nagaalala kay Daimin! Dahil katulad mo, katulad ni Demo kaibigan niya rin ako. Kung paiiralin mo ang lungkot at pangungulila mo, sa tingin mo ba makikita mo siya gamit yan. Hindi mo na rin kailangan ipamukha saakin na kasalanan ko ang pagkawala nito, dahil alam ko sa sarili ko yon. Hahanapin ko si Daimin, dahil alam kong malungkot ito kapag magisa lang siya." Mabilis na tumakbo palabas ng shizizuo kingdom si Minka, hindi na ito nahabol ni Demo at nanatiling kasama si Kite.

Nang bumalik sa katinuan si Kite ay nagpaalam ito, katulad ni Minka lumabas ito ng shizizuo kingdom upang hanapin si Daimin. Si Demo naman ay patuloy inikot ang buong kingdom at pumasok sa mga kainan, nagbabakasakaling nandoon si Daimin.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon