002: Game/Card/Start

10.6K 411 43
                                    


Halos mailuwa ni Demo ang buong kaluluwa nya sa kanyang nabasa. Isang milyon, makukuha dahil lang sa laro? Talaga nga naman itoy nakakagulat.

"Kaya ba ganito ka adik ang mga tao rito dahil sa larong mapapalitan mo ang pera mo para sa tunay na pera?"

"Ito na ba sagot sa aming problema at paghihirap? Totoo nga ba 'to o isang panaginip lamang?" Sabay sampal ni Demo sa kanyang magkabilang pisngi.

"Totoo nga! Totoo itong nabasa ko, totoo ang lahat!" At gumuhit ang saya sa labi nito.

Dahil sa saya ng binata nawala na sakanyang isip ang pagpunta sa kanyang part time job. Agad itong nagmadali umalis ng kanyang bahay.

"Magandang gabi mam and sir." Bati nito sa mga pumapasok.

Bigla naman may kumalabog na malakas sa counter, kung saan banda nakatayo si Demo.

Napatingin sya dito. Isang babaeng naka hoodie, at shades na itim. Isa lang ang pumasok sa isip ni Demo. Kahinahinalang tao.

"Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" Sabi ng binata dito at narinig nyang nag 'tsk' ito.

"Hindi mo ba nakikita 'to? Bulag ka ba or what?" Mataray naman nitong sabi habang tinuturo yung chuckie at limang meijii chocolate na nasa counter.

"Sorry po mam." Paghingi nito ng pasensya.

"Maraming salamat."

Agad nitong kinuha ang plastic bag at umalis na.

"Ang sungit naman." Bulong ni Demo.

Sa pagkauwi ni Demo agad syang nagmadali bumalik sa kanyang silid. Kinuha ang kahon at muli itong binuksan-

"Teka, paano ko ito malalaro kung gear lang at manual ang meron? Wag mong sabihin na kailangan ko pang bumili ng game card ng Zowan!? imposible akong makabili nun! Saan naman ako kukuha ng thirty thousand para sa isang game card?"

Napahiga siya sa kanyang kama at napaisip. Mayroon syang gear, na nagkakahalagang fifty thousand pesos. Ngunit, wala naman syang game card.

Sa sobrang pag isip nya rito di namalayan ni Demo na syay nakatulog na...

Napasarap ang kanyang pag tulog, at hindi na napansin ang oras. Dali-dali na itong kumilos upang makahabol sa klase.

Sa pagmamadali nya, nahagip ng kanyang balikat ang balikat ni Althea.

"Ano ba! Wag mo nga akong hawakan." Sigaw nito at masamang tumingin kay Demo, habang pinapagpag ang kanyang balikat.

"Sorry." Sabi nalang nya dito at tinalikuran na ito.

"Hindi ko naman siya hinawakan. Nabanga ko lang naman siya." Umupo na si Demo sa kanyang upuan ar tumanaw sa labas ng bintana.

"Oh, bakit ang asim naman ng itsura mo Thea?" Narinig nitong tanong ni Tanya 'kay Althea.

"Paano ba naman hinawakan yung balikat ko ng emo na yan! May pagnanasa pa ata sa'kin." Sinabi ni Althea. Tumawa naman ang grupo ni Jio, at kanilang pinagusapan ang binata na kanyang naman dinig na dinig.

"Hahahaha! Ayaw mo nun may papatol na sayo!" Pang aasar naman ni Rick dito.

"Heh, mas gugustuhin ko pang mamatay ng single kaysa pumatol sa emo!" Sabay nanaman sila nag tawanan.

Napabuntong hininga nalamang si Demo. 'Kailan pa nagkaroon ng pagnanasa, kung hindi mo sadyang mabangga 'to?' tanong ng binata sa kanyang isip.

Napahawak din sya sakanyang buhok. Halos simula nag high school sya hindi na nya ito napaputulan. Wala naman pakialam ang kanilang guro, kahit mahaba, may kulay ang buhok ay ayos lang. Ang buhok ni Demo ay halos lagpas kanyang balikat na. Ngunit, dahil sa kanyang pagmamadali ngayon ay hindi nya ito naayos. Kaya pumasok syang hindi ito naipitan, kaya sya natawag na Emo.

Nang matapos ang eskwela agad tumayo si Demo upang lumabas na ng silid. Ngunit, tumambad sa kanyang harapan ang mukha ng nakabanga nya sa hallway. Sinamaan muli sya nito ng tingin pero nakaharang pa rin 'to sa pintuan.

"Ano makikiraan." Mahinang sabi ni Demo rito, habang binaling ang tingin sa mga dumadaan na istudyante.

"Huwag kang bastos! Kapag may sasabihin ka tumingin ka sa sinasabihan mo, hindi yung kung san-san ka nakatingin!" Galit nitong sabi, walang nagawa si Demo kung hindi tumingin sakanya.

"Sorry. Pwede na bang dumaan?" Tanong nya rito ng maayos ngunit hindi pa rin ito umalis at nakapamewang pa rin doon.

"Ang laking harang naman!" Sigaw ni Jio at ramdam ni Demo na nasa likod nya ito, naramdaman nalamang nya ang pagdampi ng palad ni Jio sa kanyang likuran at tinulak 'to ng malakas.

Napahiga sya sa sahi--- ! sa babaeng nakaharang sa pintuan.

"Oi, oi si Mr.emo may minamanyak!" Sigaw ni Jio na matawa-tawa.

Sobrang dami naman na estudyante ang nag silapitan at may mga flash ng cellphone. Dali-dali naman si Demo tumayo at humarap sa grupo nila Jio, na abot langit ang mga ngiti. Simaan ni Demo 'to ng tingin, susugurin na sana sya ni Jio ngunit... Mabilis ang sumunod na pangyayari. Hinatak ng babae ang ilalim ng tela ng uniforme ni Demo, at kanyang ito hinila palapit sakanya. Sabay malakas na sinampal si Demo. At kumaripas ng takbo ang babae, habang sobrang pula ng buong mukha.

Sa sobrang sakit ay nawala ang galit ni Demo, at halos natulala sya sa mga naganap.

Hindi napansin ng binata na naglakad na sya pauwi at hindi pinansin ang mga pangaasar.

Muling may tumambad na kahon sa harapan ni Demo, na iniwan muli sa harap ng pinto ng kanilang bahay. Agad nya naman itong kinuha at pumasok ng bahay.

Nagning-ning ang mga mata ng binata  sa kanyang nakita. Ang hinihiling nya, game card ng Zowan.

Mayroon nanaman doon na maliit na papel at may nakasulat na,

Don't forget to enjoy the game. Yun ang importante sa lahat, at 'wag na 'wag mo iyon kakalimutan. Sa gilid ng virtuale gear mayroon suksukan ng game card, at kapag nailagay mo na 'wag mong kakalimutan na sabihin ang words na Cominciare.


"Cominciare."

Edited: June 24 2020

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon