032: Celestial/Guards

5.1K 208 7
                                    

/DEMO/

"Gumamit ng magic skill na makakasakit ng ibang player sa isang non player killing area, is against the rule!"

Halo-halong boses ang sabay-sabay na binigkas ang salitang 'to. Unti-unti rin nawala ang liwanag at dinilat 'ko agad ang aking mata at tumayo.

"A-ang Celestial guards!" Biglang sigaw ng isang lalaki, siya yung nag cast ng magic skill na icicle arrow shower kanina.

"Tu-tulong!" Sigaw bigla nito ng biglang lumapit ang isang armored knight na puting-puting at may mga pakpak na katulad ng sinummon noon ni Daimin.

Sampung armored knight ang lumilipad sa ere rito sa malaking auction hall, kada may nahahawakan silang player ay binabalot ito ng puting aura at nag kakaroon ng holographic screen sa uluhan nila. Kulay pula ito na may nakalagay na warning at sabay maglalaho.

Ang mga kaninang player na nag papatayan ay ngayo'y nag uunahan mag si takbuhan papunta sa pintuan na kaninang nakasara, pero ngayo'y unti-unti na itong bumubukas.

"Lets go!" Napatingin ako bigla 'kay Kite sa pag sigaw nito, hawak nito ang kamay ni Daimin at seryosong-seryoso ang mukha.

Napatingin ako sa palad 'ko at agad nilibot ang paningin 'ko sa buong auction hall.

Nasaan ka na Minka!

"Hoy ano pang ginagawa mo, tara na sabi!" Sigaw muli ni Kite.

"Saglit hinahanap 'ko pa si Minka!"

Sigaw 'ko rin at patuloy ang pag libot ng tingin sa loob ng auction hall.

"Hindi mo ata naiintindihan kung bakit lahat ng player dito desperadong makatakas sa celestial guards! Malaki na siya kaya tara na!" Sigaw muli nito.

Hindi 'ko nalamang ito pinansin at ginawa pa rin ang ginagawa 'ko pero maya-maya may humawak sa kamay 'ko.

"Min-- daimin..." Nawala ang saya na naramdaman 'ko ng makitang hindi siya ang humawak sa kamay 'ko.

"So-sorry kuya pero kailangan na natin umalis dito!" Sabay hatak nito sa kamay 'ko.

Hatak-hatak ni Kite ang isa niyang kamay at hakat naman niya ang akin, pero hindi pwede. Napatingin muli ako sa stage at nanlaki ang mata ng nakita 'ko siyang dinampot ang isang blade na gustong-gusto niyang makuha simula kanina.

"Saglit Daimin, nakita 'ko na si Minka bitawan mo ako! May papalapit sa kanya na isang guard--"

"I can't!" Pumikit ito at mas lalong diniinan ang pag hawak sa kamay 'ko.

Pero si Minka.

Nakita 'ko ang unti-unting pag lapit ng isang guard sa likuran ni Minka, tinaas na nito ang kamay niya at balak hawakan si Minka.

Ano nga ba ang mangyayari kapag nahawakan ng guard? Hindi 'ko alam, marami pa talaga akong hindi alam. Pero alam 'kong kapag nahawakan si Minka nun, matagal 'ko siyang hindi makikita. Ayoko mangyari yun, ayoko!

"MINKA!" Sigaw 'ko.

Lumagpas na kami sa pintuan papasok sa auction hall, hindi pa rin maalis ang galit, inis at lungkot dahil sa wala akong magawa para matulungan siya.

"Kuya I'm sorry." Dinig 'kong mahinang sinabi ni Daimin.

"Hindi mo kailangan mag-alala sa babaeng yun---"

"Bakit, bakit pinipigilan niyo akong iligtas siya. Alam 'kong ayaw mo 'kay Minka, pero hindi mo kailangan akong iligtas kung wala ka namang balak iligtas si Min--" Napalakas ang boses 'ko pero agad sumigaw si Kite habang ang focus ay nasa dinadaanan namin.

"Hindi ba't sinabi niyang siya si Minko! Kung siya talaga si Minko, walang hirap niyang matatakasan ang mga guard na yan!"

Nawala ang bigat sa dibdib 'ko pero hindi 'ko pa rin maiwasan alalahanin siya lalo na ng nakita 'ko ang mukha niya kanina na umiiyak.

"Bi-bilisan mo tumakbo hey!" Sigaw ni Minka habang nakatingin 'kay Kite at tumingin sa likuran 'ko bandang ere.

Napalingon din ako at nakita ang dalawang guard na may hawak na lancer at lumilipad papalapit sa'min.

Biglang huminto ang dalawang guard at bumaba papunta sa lupa, maya-maya may isa rin dumating at tatlo na sila roon. Sabay-sabay nila tinutok ang tulis ng kanilang lancer sa'min at may maliit na bilog na puti ang palaki ng palaki sa tulis ng weapon nila.

"Saglit, may balak ata silang gamitan tayo ng magic." Ani 'ko.

"What!?" Napahinto si Kite at tumingin sa tatlong guard.

"Holy mirror!"

May malaking salamin ang humarang sa'min, isa 'tong transparent mirror kaya nakikita pa rin namin ang tatlong guard na sobrang laki na ang bilog na kanina lamang ay kasing laki ng mansanas.

Lumayo kami sa mirror at ang puting bola na kanilang ginawa ay tumama na sa malaking salamin na gawa ni Daimin.

"What the!" Gulat ni Daimin na makita ang kanyang holy mirror na unti-unting nagkakaroon ng crack.

"Kailangan na natin muli tumakbo, bilis!" Sabay hawak ni Kite sa kamay ni Daimin at tumakbo na sila, habang ako tulala rito habang pinagmamasdan ang pag warak-warak ng holy mirror.

"Hoy ano pang tinutulala mo dyan, takbo!"

Agad akong tumakbo na rin ngunit ang puting bola ay mabilis na lumipad papunta sa'kin at para bang nag yelo ang katawan 'ko at hindi 'ko na magalaw pa 'to.

"Steel coated. Limit break. Extreme haste."

"KUYA!" Sigaw ni Daimin. Pero hindi 'ko malingon ang katawan 'ko dahil sa pag hinto nito.

Kahit ang mga mata 'ko hindi 'ko mapikit, tulala akong hinihintay ang pag tama nito sa'kin ngunit may aninong mabilis na humarang sa harapan 'ko at sinanggi ng kanyang malaking scythe ang puting bilog at bumalik ang puting bilog na 'to sa tatlong guard na nakatayo pa rin doon.

"Ayos ka lang?" Tanong nito.

Ang katawan 'kong kanina'y hindi 'ko magalaw ay napabagsak nalamang bigla sa lupa at napaupo ako roon habang nakatingala sa babaeng nag ligtas sa'kin.

"LayLin!"

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon