066: Past/And/Future

4K 186 31
                                    

Hindi ko alam pero bakit parang may mali? Ako may napalampas na isang detalye? Natatawa nalang ako sa aking sarili. Dahil sa gulo ng aking pag-iisip at hindi mapakali, agad akong nag bukas ng computer at nagsaliksik sa mga files ng global corp.

Magdamag akong nakaupo at nakatutok sa aking computer at humahanap ng isang kakaibang files, kung may mga tinatago ba ang mga ito o masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano.

Sa patuloy kong paghanap may nahagip ako na isang files na deleted na ang laman. Pero ang titulo nito ang higit na nakakuha ng aking atensyon.

Blank report no.557
Title: Human virus system
Date: xxxx xx, xxxx
Body: Deleted files

Tch, seryoso sila? Heh, sobrang dali lang mabalik ng kanilang binura kung hindi nila binura ang buong files. Sinadya ba ito? O talagang walang mga isip ang mga ito? Pero kung buong report ang kanilang binura malamang hindi na mababalik ito o walang makakaalam. Talagang sinadya ng mga baliw na siyentista na iyon na ang body files lang burahin, kung saan nakalagay ang importanteng detalye.

Sinubukan ko ng i-recover ang body files nito at habang hinihintay ang pag process ay muli nag hanap pa ako ng report na kakaiba. Hindi nga ako nagkamali at mayroon pa na isang report na deleted ang body files.

Blank report no.679
Title: Human experiment laboratory
Date: xxxx xx, xxxx
Body: Deleted files

Human experiment? Damn! Mga baliw nga talaga ang mga taong iyon. Hindi ko alam na mayroon pa silang mas mabahong tinatago. Muli katulad ng isa sinubukan ko rin i-recover ang files nito.

Nagkamali kayo ng ginagamit. Hindi ko alam paano nila nalaman ang mga ginawa ko sa loob ng Alink, pero ngayon malinaw na na may binabalak ang mga lokong ito na hindi maganda. Tama rin ang naging desisyon ko na mag pagamit sakanila upang maka access sa mga hidden files na kanilang mga itinatago.

Binili nila sakin ang impormasyon para makagawa ng isang virtual gear na tagumpay. Hindi ako pumayag, at binigyan sila ng condition na kailangan kong sumali sakanilang korporasyon. Wala akong pakialam kahit ipangalan nila sakanilang kompanya ang gear, ang gusto ko lang ay makapasok sa kompanya nila. Hindi lang iyon, pinakausapan pa nila akong gumawa ng laro. Pumayag ako, at hindi ko alam kung bakit nila kailangan gamitin ang mapa ng Alink.

Sinunod ko nalamang ang mga ito at kanilang pinangalanan ang laro na Zodiac war online kung saan may labingdalawang grupo ang pagpipilian ng isang player na sumanib at protektahan ang kanilang sinisimbulong zodiac. Ang bawat pinagtayuan ng kaharian ng zodiac ay kung saan nakatayo ang mga bayan sa Alink. Ang head ng kompanya ang naglagay ng mga iyon, siya rin ang nag desisyon kung saan mga ilalagay ang bawat bayan, lugar at mga kweba sa laro. Ang kaharian ng shizizuo ay nakatayo sa lugar kung saan naiwan ang taong mahal ko, ang bayan ng Coriett.

Narinig ko ang pag success ng isang na-recover na files at binuksan ito't binasa. Halos malaglag ako sa aking kinauupuan dahil sa nabasang iyon.

Blank report no.557
Title: Human virus system
Date: xxxx xx, xxxx
Body: Ang katawan ng isang taong nanatili sa loob ng system ng Alink ay nasa kamay na. Sinaksakan ang bawat parte ng katawan nito ng iba't-ibang cord upang ipasok sa totoong katawan nito ang virus. Ngunit bigo. Muli nag saliksik kami para makahanap ng daan para mailagay sa katawan nito ang virus na nasa loob pa rin ng system ng Alink. Binabalak namin ipasok sa kanyang katawan ang virus upang maihatid sa kabilang mundo, ang mundo ng zodiac war online. Siguro nasa pito o walong taon pa bago mag tagumpay ang plano. Upang makasigurado sineal namin ang diwa nito sa isang lugar sa Alink.

Damn! Damn! What the hell, agad akong tumawag kay Lay liit ng mga oras na yon upang tanungin kung nasaan ang katawan ni Lay. Bago pa man nito sabihin ang totoo sobrang daming sumpa ang kanyang binitawan para saakin. Sinabi nito na may mga doktor na kumuha ng katawan ng kanyang kapatid at aayusin nila ito pero mga ilang linggo lamang ay bumalik ito sa kanilang bahay at sinabing wala na ang kanyang ate. Damn them! Sinabi ko na parang may mali. Ang numerong iyon hindi mismo gawa ng virus na iyon, kundi gawa nila para may maiwan at kanilang magamit!

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon