070: The/One/Who/Enlarged

2.7K 112 4
                                    

Parehas ng nag martsa ang magkabilang tribu habang may hawak na mga sibat na dalawang piraso. sa kanilang pinakaunahan nandoon ang mga tinatawag nilang tagapagligtas. 

"SINDIHAN ANG SIBAT!" Sigaw ng lahat ng higante sa magkabilang tribu.
Sabay-sabay ang lahat na sinindi ang isang pirasong sibat na kanilang hawak. Linagyan ng apoy at sabay-sabay na tinapon ang sibat na may apoy sa magkabilang puwesto.

"Reflect."

"Whirlwind."

"Rock wall."

Lahat ng apoy na sibat na papunta sa gawi ng Esna ay hinarang ng mga pwersa nila Demo, Minka at Clay.

"Holy shield."

"Lava slash."

Lahat ng apoy na sibat na papunta sa gawi ng Irna ay hinarang ng nga pwersa nina Daimin at Kite.

"SUGOD!" Sigaw ng lahat.

Tumakbo na ang lahat papunta sa gitna ng malawak na patag. Ang buong lupa ay yumayanig dahil sa mga yapak ng mga higante.

"Huwag niyong hayaan na may masaktan! Tandaan niyo na pipigilan lang natin ang mga atake ng mga higante sa kabila. Ganun din ang gagawin nina Daimin at Kite." Paalala ni Clay kina Demo at Minka. Tumanggo ang dalawa.

Sa gitna nagkasalubong ang dalawang grupo at pinigilan ang mga higante. Gumamit ng holy shield si Daimin para pahintuin ang pagsugod ng mga Esna.

"Kapag hindi niyo hininto ang inyong pagsugod, hindi ako magdadalawang isip na tustahin kayo!" Sigaw ni Kite. Panakot niya lamang ito upang mapaalis ang mga taga Esna. Umaapoy ang dalawang hammer ni Kite.

"Hindi namin iiwan ang aming tagapagligtas at kami'y handang mamatay sa laban na ito!" Sigaw ng mga higante ng Esna tribe. Pilit nilang binabasag ang ginawang barrier ni Daimin.

"Uuwi kayo sa inyong tahanan o mamamatay kayo kung saan kayo nakatayo ngayon!" Babala ni Minka sa mga tribu ng Irna.

"Hindi namin iiwan ang aming tagapagligtas at kami'y handang mamatay sa laban na ito!" Sigaw ng mga higante ng Irna tribe. Kanilang winawarak ang ginawang rock wall ni Clay na humarang sa kanila.

Sa huli natuloy din ang pagsuguran ng dalawang tribu. Walang nagawa ang lima at pilit pa rin na pinuprotektahan ang mga tribu na makakatanggap ng malaking pinsala. Si Daimin, hineheal ang mga higante na nagkaroon ng malaking sugat. Si Demo, hineheal naman ang mga higante na nasa tribu ang Esna. Gumagamit din ito ng whirlwind upang mapalayo ang ibang pasugod na higante, wala itong damage kaya malaya niya itong nagagamit. Si Kite, kaniyang pinuputol ang mga hawak na armas ng mga tribu ng Esna, habang si Clay ay pinuputol ang armas ng tribu ng Irna. Patuloy din sila gumagawa ng rock wall para mapaghiwalay ang dalawang tribu.

"Walang patutungguhan ang laban na ito. Kung wala kang balak magpakita. Ako mismo ang magbubura sa illusyong iyong ginawa!" Linabas ni Minka ang kaniyang dual-blade.

Para itong hanggin dahil sa bilis ng kilos. Kaniyang pinutol ang mga ulo ng mga higante, ma'pa Esna man ito o Irna. Dahil sa ginawa ni Minka agad itong pinahinto nina Kite at Clay. Ang isang blade ni Minka ay pinahinto ng dalawang hammer ni Kite at ang isa nama'y dalawang spear ni Clay.

"Anong ginagawa mo!?" Sigaw ni Kite rito. Ang katawan ni Minka ay puno ng talsik ng dugo sa mga higanteng kaniyang kinatay.

"Sa ginawa mo mas lumala lang ang nangyari! Ikaw mismo ang nagsabing huwag saktan ang mga ito, tapos ikaw din ang pumatay sa kanila ngayon. Hindi ko alam anong takbo ng iyong isip!" Sigaw naman ni Clay.

Pumaikot si Minka at dahil sa lakas ng pwersa nito napatalsik ang dalawa. Muli mabilis itong pumunta sa gawi ng isang higante, ngunit nandoon si Demo at siya'y pinigil.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon