030: Z'Market/Auction

6.2K 226 9
                                    

/DEMO/

"Anong ginagawa mo rito!"

"Tinatakwil mo ba ako angel 'ko." Yumuko ito at huminto sa paglalakad.

"Sinabi 'ko na sayo, stop calling me like I'm yours!"

Tumingin naman ako sa unahan, at pinagmasdan lang ang likuran ni Minka habang naglalakad ito na parang walang pakialam sa paligid niya.

"Kuya! Bakit ba nakasunod pa rin sa'tin tong crazy na 'to, sinabi 'ko na hindi ako papayag." Nag pout ito at napahinto rin ako sa paglalakad ng nakitang huminto si Minka.

"If you don't want to be with him, you're free to leave and create your own party." Walang emosyon itong tinignan ni Minka.

"What are you saying, nag join ako rito not because of your invitation. Nag join ako dahil gusto kong mapalapit 'kay Angel." Singgit naman nito.

Sinamaan ito ng tingin ni Daimin, ngunit ngiting tagumpay naman ang binigay niya 'kay Daimin na mas lalo nitong kinainis.

Yeah, nangyari 'to kagabi nung nag respawn kami sa shizizuo kingdom, tinanong ni Minka if gusto ni Kite na sumali sa party namin. Ang pakiramdam 'ko tatangihan ito ni Kite dahil ayaw niya 'kay Minka, pero hindi ito nag dalawang isip at agad-agad pumayag sa sinabi ni Minka.

"Fine." Yun lang ang naging sagot ni Minka at muli ng nag lakad. Pero napahinto kami ng nag salita si Kite ulit.

"Ano kailangan 'kong pumunta sa Z'market, kaya hindi ako makakasama ngayon sa inyo." Pagpapaalam nito.

"Sure, makakaalis ka na." Pekeng ngiti ni Daimin dito.

"Ang cute mo talaga." Sinabi naman ni Kite at agad pinisil ang pisngi ni Daimin.

Nairita ata ito at agad sinummon ang staff niya at pinagpapalo si Kite, hindi 'ko alam pero masaya akong makitang ganito si Daimin.

Naglakad na si Kite habang si Daimin naman ay iritang-irita pa rin, napatingin muli si Kite sa gawi namin ng bigla itong tinawag ni Minka.

"May auction magaganap sa Z'market right?" Tanong ni Minka rito.

"Yeah, may inaasahan akong skill na i-aauction ngayon kaya kailangan 'ko talagang pumunta---."

"I don't care about that." Biglang singgit ni Minka.

"This girl!" Gigil ni Kite at nang tumingin siya sa gawi ni Daimin biglang nag liwanag ang mukha nito at ngumiti muli.

"Z'market?" Sabay naming sinabi ni Daimin. Biglang lumapit si Kite 'kay Daimin at sinabi ang tungkol sa Z'market at auction na magaganap.

Tuminggin ako 'kay Minka at sinenyasan lang ako nito na makinig sa sinasabi ni Kite, ginawa 'ko yun at nakinig.

Ang Z'market daw ang pinakamalaking bentahan at bilihan sa buong ZowaN, lahat ng legions ay pwedeng makapunta rito at syempre No player killing allowed doon, kaya payapa kang makakapamili at makakabenta. Sari-saring legions ang nag bebenta roon at bumibili, mas malaki raw 'yon sa shizizuo kingdom o iba pang kingdom sa larong ZowaN. Binubuksan lamang iyon tuwing 1st day ng bawat buwan.

Ang auction naman ay nasa isang hall kung saan maraming player ang nandoon at kung sino ang may pinakamataas na maibibigay na pera ay siya ang makakakuha ng auction items. Ang mga nilalagay lang daw dito ay ang mga rare na items at bawal i-auction ang mga common drop lamang. Pwede 'ka raw mag pa auction ng item basta 20% nang price na nabenta ay mapupunta sa NPC sa auction hall.

Matapos sabihin 'yon ni Kite ay naglakad na si Minka, kung saan papunta kanina si Kite. Sumunod na rin kami ni Daimin, at si Kite na nasa likuran namin.

"Bakit nakasunod ka pa rin, diba may pupuntahan ka?" Hinto ni Daimin at nakapamewang na tumingin 'kay Kite.

"Yeah, papunta nga ako roon." Ngiti muli nito.

"Bilisan niyo, thirty minutes nalang bago mag umpisa ang auction." Sigaw ni Minka.

"Wha-what! Pupunta tayo kung saan pupunta 'to!?" Sigaw ni Daimin sabay turo 'kay Kite habang masamang nakatingin 'kay Minka.

"Yeah, I'm interested kung anuman ang ilalagay nilang auction items sa hall." Kalmadong sabi ni Minka.

"Kaya hindi ka na malulungkot dahil magkasama na muli tayo." Sabay hawak ni Kite sa kamay ni Daimin na nakaturo sakaniya kanina.

"Bitawan mo 'ko crazy!" Sigaw ni Daimin at pinagpapalo niya muli ito.

Ngayon 'ko lang napansin na kahit anong palong gawin ni Daimin sakaniya, hindi nawawala ngiti niya sa mukha kapag si Daimin kaharap niya. Naglakad na ako at hinayaan silang dalawa roon.

Habang naglalakad kami, ayaw pa rin bitawan ni Kite ang kamay ni Daimin kaya naglalakad sila habang pinapalo-palo 'to ni Daimin. Ako naman nakasunod lang 'kay Minka na nasa unahan namin ngayon. Lumagpas na kami sa forest at nasa Isa kami ngayon na bridge na napakalayo ang lalakarin.

Sa ngayon mas maingay na ang aming party dahil 'kay Daimin at Kite, hindi katulad nung dalawa lang kami ni Minka sobrang tahimik pero kahit na tahimik siya mas nakakasabay ako sakaniya dahil hindi rin ako palasalitang tao. Pero mas masaya na rin yung ngayon, hindi na rin mabobored si Daimin dahil lagi na siyang may kausap.

Sinabi rin sakin ni Minka na hayaan namin na si Daimin mismo ang mag sabi 'kay Kite na isa lamang siyang Artificial intelligence. Mas ayos daw na mangaling ito 'kay Daimin, kaysa sa'min.

"Ar--sorry." Sabi 'ko dahil nabangga 'ko ang likuran ni Minka, dahil hindi 'ko napansin itong nakahinto.

Napatingin ako sa harapan ni Minka, isang napakalaking salamin at may mga iba't-ibang kulay ang nag hahalo-halo rito. Pumasok na roon si Minka, at ganun din ako, sumunod na rin yung dalawa sa likuran.

Sobrang liwanag sa loob kaya napapikit nalamang ako, maya-maya rin ay minulat 'ko ito. Bumungad sa'kin ang sobrang daming tao, at mga stall. Mayroon din mga taong nakaupo sa lapag at may nakalatag lamang na sapin sa lapag at doon nakalagay ang kanilang mga binebenta. Meron din naman na may sariling tindahan, at nakadisplay doon ang kanilang tinitinda. Iba-iba ang mga tinitinda nila may mga pagkain, armor, weapon, accessories, skills, potion at mga maps. Halos walang mga NPC dito dahil lahat ng taong naglalakbay ay may mga kulay ang name bar at halo-halong legions nga ang nandito.

"The auction will start in 5 minutes!" Umalingasaw yun sa buong lugar at biglang nag sigawan ang mga tao at nag si-takbuhan sa isang gawi.

"Kuya--- ugh! Crazy bitawan mo ako!" Napatingin ako sa gawi ni Daimin at Kite, hinila siya ni Kite at tumakbo na sila kung saan patungo yung mga taong nag takbuhan din.

"Lets go." Sigaw ni Minka at nagulat nalang ako ng bigla nitong hinawakan kamay 'ko at tumakbo, tumakbo na rin ako at napangiti nalamang.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon