004: Shizizuo/Kingdom/Guide

9.7K 384 9
                                    

Unti-unting naglaho ang mga puting ilaw na bumalot sa katawan ni Demo. Tumambad dito ang isang istatwa ng malaking lion na kulay ginto. Sobrang laki nito at talagang napaka husay ng pagkakagawa.

Linibot ng mga mata nito ang paligid, at siyay namangha sa ganda nito. Ang bawat bahay ay may kahalintulad sa old style houses sa china, at ang gilid ng mga bahay na 'to ay kulay ginto. Ang lapag ay hindi lupa o damo, isang marmol ito na kulay beige. Ang buong kaharian ng shizizuo ay ganito ang lapag.

Ang daming player ang mga palakad lakad sa bayan na 'to, ang iba ay nagpapahinga sa mga upuan, at ang iba naman ay pumapasok sa loob ng mga tahanan.

"Hi-ho." Nagulat si Demo sa pagsulpot nito. Isang batang maliit na babae, kulay kahel ang buhok at mayroong marka sakanyang kabilang pisngi.

"Hello." Bati rin nya rito.

"Ako Shia, ang inatasan na mag guide sa 'yo." Pumorma pa 'to ng salute kay Demo. Sabay hatak nya sa binata.

Dinala ni Shia si Demo sa isang tahanan, na kalahati lamang ang may harang at malaking lamesa ang nandoon. Maraming nakapila rito na adventurer din.

"Dito ang merchant makakabili ka rito ng iba't ibang healing medicine at D'Shi o Door Shi, ito ay para makabalik ka muli rito sa Shizizuo Kingdom."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Shia, muli nyang hinatak si Demo bago pa man 'to makapag kumento.

Ngayo'y huminto sila sa isang tahanan na pahaba ang hitsura, may mga sako-sakong bato ang nakalagay sa mga gilid nito.

"Ito ang blacksmith kung saan ka pwede mag pa upgrade o enhance ng mga gamit o weapon."

"Anong upgrade at enhance?" Bago pa nya mahatak si Demo, agad itong nagsalita.

"Kailangan mo ng iba't ibang uri ng mga bato para ma-upgrade ang iyong gamit o weapon. At kada upgrade mo ay makikita mo ito sa gilid ng info ng iyong gamit. Halimbawa mag u-upgrade ka ng weapon gamit ang earth ore, kapag may nag appear ng Iron sa gilid ng iyong weapon ibig sabihin nun sucess ang pag upgrade mo." Mahaba nitong paliwanag.

"E, may ganun-ganun pa palang kailangan. Bakit kailangan pa itong i-upgrade?"

"Halimbawa ang 'yong weapon ay mayroon dagdag na power: 100, at kapag in-upgrade mo 'yon sa iron ay magiging power: 110 na 'to. Madami rin ang proseso ng pag upgrade katulad ng iron, bronze, silver, gold, diamond, at ang last ay platinum."

"Ganun pala 'yon! Gets ko na, yung enhance naman? Pasensya ka na ngayon lang ako naglaro ng ganito kaya wala pa akong alam."

"Ayos lang 'yon. Ang enhance naman halimbawa sa isang weapon may nakalagay muna roon na information. Ang weapon mo ngayon isang Beginner Scythe ang info na nakalagay ay,

Beginner Scythe:
• 10% power.
Power: 10
Magic: 5
Rune: -------

Ang info ng scythe mo ay may dagdag lamang itong 10% power sa 'yong attributes. Kapag iyo itong in-enhance ay pwede dumagdag ang info nun katulad ng magkakaroon din ng 5% magic na dagdag. Pero ang pag enhance ay may quest na kailangan mong gawin."

"Yun pala yun, salamat Shia."

Hinatak na muli ito ni Shia. Ngayon nasa isa silang malawak na akala mo'y parke.

"Ito ang Shi zi Plaza, kung saan pwede kang mag vendor mode o mag sell ng mga items na hindi mo na kailangan. Ikaw din ang mag pepresyo ng mga ito, try mo lumapit sa isang naka vend mode at i-click ang nasa taas ng kanilang ulo na V.M na sign." Ginawa nya ang itinuro ni Shia.

IGN: Dewim
Vm: RUSH SELL!
• Xiaoxi garb (silver) 140 pesos
• Herbal potion (small) 45x 5 pesos ea
• Arrow relight (Skill scroll) 200 pesos

"Pesos ang currency?" Pag tataka nya naman dahil nakalagay ito.

"Yes, kaya pwede mo'ng mapalitan ang pera mo sa laro para sa real money. Pwede ka rin naman mag lagay ng totoong pera at palitan para maging pera sa laro." Paliwanag muli nito. Hinatak na nya muli ito at dinala sa pinaka malaking bahay o palasyo.

"Ito ang palasyo ng mga higher ups, katulad ko rin sila na mga NPC na may sariling pag iisip. Sila ang nag bibigay ng mga quest sa bawat adventurer at nag bibigay din ng magagandang rewards. Kailangan mo rin mag quest sa kanila hanggang maging level 20 ka at makasali sa mga legions war---"

*RANGGGGGGGGG--

Napatigil naman si Shia sa kanyang sinasabi sa pagtunog ng malakas na kampana. Napatingin si Demo sa gawi kung san nangaling amg tunog. Isang malaking orasan 'to, at ang maliit na kamay ay nasa tres.

"Totoo ba iyon sa oras sa earth?" Mahina nitong sabi at biglang sumagot naman si Shia.

"Yes, totoo 'yon."

"A, ganun ba--- ANO!?"

"Ang sabi 'ko totoo ang oras nyan, at ang oras sa earth kung saan ang mundo mo."

"Kailangan ko ng mag log-out Shia, pasensya na pero may pasok pa ako sa eskwelahan bukas!" Pagpapaalam ni Demo rito.

"Oki-doki." Sabi nito.

Nag log out naman 'to sa laro at tinignan ang orasan. At katulad ng sinabi ni Shia. Totoo nga 'to. Dahil alas tres na ng madaling araw ay nagpahinga na si Demo.

Edited: June 24, 2020

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon