043: Jiù/Continent

4.8K 176 7
                                    

/------/

Dahil sa bagong version ng virtuale gear kung saan para ka na rin natutulog habang ang diwa mo'y nasa laro pa rin, kaya ng maglaro ng mga gamer ngayon ng twelve hours a day na tuloy-tuloy. Dahil din dito ay mas naging aktibo at hindi na pumapasok ng mga kulang sa tulog, walang tulog o inaantok ang mga estudyante.

Sunday na ngayon kung kailan matatangal na ang pagka banned ni Demo at Kite. Tinext ni Kite si Demo kung anong oras 'to makaka online, at sinabi nitong kahit anong oras dahil wala naman syang part time tuwing linggo.

-NEW UPDATED DETAILS-

* Level cap 150
* New continent
* New dungeons
* New towers
* New drop items & equipment

Pagka log-in ni Demo ay sinalubong agad 'to ng yakap ni Daimin. Kinwento ni Daimin na sobrang naboboringan sya dahil sobrang tahimik ni Minka at hindi sya nito kinakausap. Umentra naman si Kite na baka namiss ni Daimin ang kakulitan nya pero tinangi ni Daimin 'yon pero ang totoo ay hindi sya sanay na walang gumugulo sakanya, na sanay na rin si Daimin sa presensya ni Kite. Ang akala ni Demo hindi sasamahan ni Minka si Daimin dahil hindi mag kasundo ang dalawa, pero natuwa 'to ng malaman na kahit na silang dalawa lang ay sinasamahan ni Minka 'to.

Sinabi rin nito na tinulungan sya ni Minka na mag palevel kaya tumaas ang level ni Daimin at nasa 105 na, habang ang level naman ni Minka ay nasa 95.

Ang armor, headgear, accessories at weapon ni Daimin ay mga bago na rin. Matataas ang dagdag nito sa status ni Daimin at pinataas din nito ang light magic na main element na gamit nito.

Kahit na sinabi ni Daimin na boring sya ng sila lang ni Minka magkasama, kita naman ni Demo ang kasiyahan nito habang kinukwento ang mga nangyari.

Sa loob ng Shizizuo kingdom sa bandang statue ng lion nag hihintay ang tatlo sa pag respawn ni Minka roon.

Kinwento ni Kite ang tungkol sa kanilang pupuntahan ang Jiu continent o Old continent.

Ang Jiu continent ay nasa labas ng Philippines server. Ibig sabihin halo-halong server ang pumapasok doon kaya talamak ang PK dito o Player Killing. Marami rin mga quest, town at iba pa na makikita rito. Katulad nalamang ng black market. Marami ang black market ang napatayo sa iba pang continent ngunit nabubuwag 'to dahil kapag na raid mo ang isang black market malaking pabuya ang nag hihintay sayo.

Ang black market sa Jiu continent na nasa pagitan ng Sang empire at Liaog empire. Ang ka isa-isang black market na natira at walang sinuman ang may balak na mag raid nito. Dahil ang namumuno rito ay isa sa top player ng China server, at nasa pangwalo sa international ranking na si Wangzi. Kahit na ang mga emperor ng mga empire roon ay takot na lusubin 'to.

Sinabi ni Kite na ang mesophian continent lamang ang hawak ng celestial guards. Kaya sa iba't-ibang continent ay malaya gawin ng ibang player ang kanilang kagustuhan.

Marami rin na magagandang quest ang makukuha roon ngunit kaunti lamang ang sumusubok dahil sa takot nila sa mga Player killer na talamak doon.

Nang dumating na si Minka, natapos na rin ang pagkwekwento ni Kite at pinaliwanag ni Minka ang kanilang plano.

"Mag rerespawn tayo panigurado nyan sa hunter forest, kung saan maraming PK. Kite and Demo 'wag na 'wag kayo aalis sa tabi ni Daimin, akong bahala sa mga long range. As long na buhay ang taga revive wala tayong hirap makapunta sa town sa Liaog."

Ang mukha ni Kite ay binalot ng pagtataka, pero bumalik din naman to sa normal.

"Gaano ba kalayo ang first town?" Tanong ni Demo.

"Aabutin tayo ng gabi bago makarating doon."

"Gabi!? Paano na yung pag punta sa black market?" Pag tataka ni Demo.

"One week naman open ng black market, hindi rin nila i-aauction ang hell blade sa first day kaya marami pa tayong oras at araw."

"Paniguradong sa last day nila pag fifiestahan sa black market ang hell blade." Ani naman ni Kite.

"Kapag nakarating tayo sa capital city of xijin, doon ang meet up na sinabi ni Laylin at kasama nya ang dark magic user na si Chelo."

"Chelo? Pero ang natatandaan 'ko sa legions war noon ang element nya wind and earth?" Tanong ni Demo.

"Yun ang main element nya, ang dark naman ability lang ng weapon nya." Paliwanag ni Minka.

"Ability ng weapon?" Taka naman ni Daimin.

"Natandaan mo yung kaibigan ni Demo yung Jio, yung weapon nya serpent blade mayroong poison ability kaya kakaiba yung aura at mga skill na ginagamit nya." Singgit naman ni Kite.

'Kaibigan?' Nasabi nalang ni Demo sa kanyang isip.

"Well, kahit may kasama tayong dalawang top player hindi tayo mananalo sa mga tao sa black market na punong-puno ng mga bigating player sa iba't-ibang bansa." Ani ni Kite.

"Yeah, kaya hindi tayo gagamit ng pwersa. Katulad ng mga tao roon ganun ang gagawin 'ko nakahanda na rin yung pera para mabili 'ko yung Hell blade."

Pumasok na sila sa Shizizuo Palace at umakyat sa pangatlong palapag nito't pumunta sa isang kwarto. Kinausap nila ang babaeng NPC na nakatayo malapit sa isang magic circle.

••••••

Menhu: What continent do you want to go? (Level needed) (entrance fees)

••••••

- Jiù continent
(Level 50+) (500php)

- Xīn continent
(Level 100+) (2000php)

- Tiānkōng continent
(Level 150) (5000php)

••••••

Menhu: Trans-circle checked. Forty seconds transfer time. Countdown in ten... twenty... Thirty... Forty...

••••••

-WELCOME TO JIÙ CONTINENT-

Hunter forest /Central part/

"Don't wonder around 'kay? Because the player hunting will begin now!"

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon