/------/
Nag umpisa na ang paligsahan at iba't-ibang klaseng sayaw ang ginawa ng mga kababaihang lumahok, nandyan ang pag sayaw gamit ang pamaypay, laso at payong.
Ngunit ang mukha ng hari ng Sang empire na mamimili kung sino ang mananalo ay blanko pa rin, habang ang mga kalalakihan na mga nanunuod ay tuloy ang pag cheer sa mga 'to.
Ang masayang tugtog na sinayaw ng natapos na babae ay napalitan ng isang kantang ma rerelax ka dahil sa payapang tunog na bigay nito. Natigil din ang sigawan at ang mga nag uusap na tao at natuon ang mga tingin sa gitna ng tanghalan.
Lumabas si Daimin habang may hawak na mahabang espada, tumayo 'to sa gitna ng tanghalan.
Sinimulan na nito ang pag sayaw gamit ang espada na kanyang dala. Mabagal at dramatikong pag kilos ang ginagawa ni Daimin na kahit ang tao sakanyang paligid ay hindi maalis ang mga tingin nito sakanya.
Ang hari na nakangalumbaba kanina'y umupo ng tuwid at pinanood ang sayaw ni Daimin na para ba na isang ritual 'to.
Sa bawat pag kilos at hampas ng espada ay ramdam ng tao ang emosyon na pinapahayag ng sayaw na 'yon.
Hindi rin napigilan ng hari ang maiyak sa emosyong dinadamdam nito. Dahil muli nito naalala ang kanyang yumaong na pamilya.
Ang sword dance ay isang sayaw kung saan ay nakikipag usap ka gamit ang emosyon sa mga espirito.
Kahit ang ibang villager na may mga pinagdaanan katulad ng hari ay hindi naiwasan ang mapaiyak habang pinanonood 'to.
"Mi-minka." Mahinang sambit ni Demo ng makita si Minka na tutok na tutok sa pag sayaw ni Daimin habang tumutulo rin ang luha.
"What?" Agad pinunasan ni Minka ang luha nito at nag salita.
"Ah- wala, naalala 'ko lang si Demi 'kay Daimin. Mahilig din sumayaw si Demi ng ganyan dahil hilig nya ang history ng iba't-ibang bansa." Naka ngiting sabi ni Demo habang nakatingin 'kay Daimin.
"I see, ako rin may naalala lang." Mahinang sabi ni Minka.
"Humihingga pa ba yung katabi mo." Tanong ni Laylin 'kay Demo.
Napatinggin naman silang tatlo 'kay Kite na titig na titig 'kay Daimin. Kinalabit 'to ni Demo pero hindi sya nito pinansin. Hinarang naman ni Minka ang kamay nito at tinignan sila ng masama ni Kite kaya hindi na nila 'to inasar pa.
Nang matapos ang pag sayaw ni Daimin ay tayuan ang ibang player mapa babae 'man o lalaki, ganun din naman ang mga villager at pumalpak ang mga 'to. Hindi rin naiwasan ng hari ang pumalakpak.
Nagpasalamat si Daimin at umalis na roon. Nang natapos ang paligsahan at tinawag ng hari ang nanalo walang iba kundi si Daimin dahil sa kanyang sayaw lamang na satisfy ang hari at kita rin naman nito ang pagkasaya ng mga manunuod.
Binati nila Minka si Daimin sa pagka panalo nito habang si Kite nanatili lang sa likod at hindi 'to linalapitan.
"Ano nangyari?" Tanong ni Demo rito dahil ang tahimik ni Kite.
"Wala naman, bakit?" Sagot nito.
"Hindi mo ba babatiin si Daimin."
"Ah, mamaya na siguro." Nahihiyang sabi ni Kite.
Nang matapos kausapin ni Chelo si Daimin ay lumapit 'to kung nasaan si Demo at Kite.
"Kuya see, lalong tumaas yung buffs effect 'ko at yung time limit nila." Masayang sinabi ni Daimin at sinubukan nya pa na i-buffs si Demo.
Pinuri 'to ni Demo at maya-maya'y napatinggin 'kay Kite na nakatitig 'kay Daimin habang namumula ang mukha.
"What?" Nakita ni Daimin na nakatitig sakanya si Kite kaya agad nya 'tong tinaasan ng kilay.
"Ah, wa-wala." Mahinang sinabi nito at nag lakad na palayo.
Nagulat naman si Daimin sa inasta nito dahil akala nya ay kung ano-ano nanaman ang sasabihin nito sakanya, pero iniwasan lang sya nito at umalis.
"Anong problema nun!" Inis na sinabi ni Daimin.
"Hindi 'ko rin alam." Nagaalala naman si Demo dahil kahit sya hindi nya akalaing lalayo si Kite 'kay Daimin.
Kumuha sila ng quest doon at pumunta sa malapit na dungeon doon sa Bianjin at nag pa level habang may oras pa na natitira bago sila mag off.
Napansin ni Minka ang pag iwas ni Kite 'kay Daimin at pagiging tahimik nito at sinabi 'to 'kay Demo. Hindi rin naman alam ni Demo kung bakit.
Nang natapos sila sa quest at pinasa 'to nag paalam muna sila para pumasok ng eskwelahan, si Chelo at Laylin naman ay hindi makakalaro ngayong araw dahil may mga gagawin 'to.
Kinuha ni Demo ang kanyang cellphone at agad naman tinext si Kite upang tanungin kung ayos lang ba 'to, nang sinend nya na 'yon ay tinago na nya sa bag nya 'to at umalis na ng bahay.
"Congrats sa ka-party nyo yung light magic user nakuha nya ang armillary staff." Napatinggin si Demo sa nag salita.
"Paano mo nalaman? Nasa capital city of bianjin ka rin?" Taka nitong tanong 'kay Rick.
"Wala, pero pinakita sya sa buong Zowan sa isang malaking holographic screen sa bawat town." Paliwanag nito.
"Eh, nakabroadcast sya!?"
"Yeah, ingatan nyo yung ka party nyo dahil panigurado maraming mag tatangkang i-PK 'yon lalo na nasa Jiu continent kayo, malalaglagan kayo ng item doon kapag namatay kayo." Paliwanag muli nito.
"Salamat Rick."
Habang nag iisip si Demo ay narinig nya ang pag vibrate ng cellphone sakanyang bag at kinuha 'to, at binuksan ang message ni Kite.
'Ayos lang naman, naguguluhan lang ako pasensya na.'
Hindi na tinanong ni Demo saan 'to naguguluhan kahit na hindi alam ni Demo kung bakit ba 't naguguluhan.
'May nakapagsabi sakin na naka broadcast yung contest na ginawa sa Bianjin at maraming balak mag PK 'kay Daimin.' Sinend 'to ni Demo at maya-maya nag reply din si Kite.
'Ah, oo nga pala! Muntik 'ko na makalimutan yun, buti nalang may nag sabi sayo. Yeah, kaya sabihan nyo sya na 'wag lalabas ng town kapag wala syang kasama.'
Paano 'ko masasabi kung nasa laro lang palagi si Daimin! Sa isip ni Demo, at hindi 'to mapakali at sobrang nag aalala 'to. Hindi naman sya makalabas ng eskwelahan dahil bawal 'yon hanggang matapos ang klase.
Kaya ng matapos ang klase ay agad nagmadali 'to na umuwi at nag online.
"Daimin!" Sigaw nito at lumapit 'kay Daimin habang 'to ay kumakain na nakaupo sa isang bench.
"Eh, kuya bakit ang aga mo ngayon?" Taka nitonf tanong.
"A, aalis din ako may gusto lang akong sabihin. Maraming balak na mag PK sayo kaya 'wag na 'wag kang lalabas sa town ng wala kami."
"Yun ba kuya, nasabi na sakin ni Minka yan hee hee."
"Mabuti naman."
Nakahinga naman ng maluwag si Demo at nag paalam na 'to 'kay Daimin dahil may part-time pa 'to.
••••••
Mag uupdate ulit ako, mamaya 'ko ipo-post.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Ciencia Ficción[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...