045: Book/Of/Menshen

4.6K 189 7
                                    

/------/

Nang nakarating sila sa capital city of Xijin ay nakita nila sila Chelo at Laylin na kumakaway bandang blacksmith, lumapit na sila roon at nag usap-usap.

Dahil alas singko na at mula kanina pa silang alas syete ng umaga nakabukas ay nag off muna sila sabay-sabay upang kumain.

Sa pag gising ni Demo ay dinig nito ang pag kulo ng kanyang kalamannan, agad 'to nag luto ng scramble eggs at sumandok ng kanin na kanyang sinaing kaninang umaga.

"Grabe ngayon lang ako nakaranas ng gantong kagutom." Hinaing ni Demo sa kanyang sarili.

Nakokontrol ng bagong bersyon ng gear ang fatigue ngunit hindi ang gutom ng tao, na kahit 'man kumain ka sa laro ay hindi ka pa rin mabubusog kapag nasa realidad ka.

Ginawa muna nito ang lahat ng kanyang gawain bahay tulad ng pag hugas ng pinggang pagka tapos nyang kumain, mag walis at mag lampaso at tinupi na ang mga damit na kanyang nilabhan kaninang umaga.

Capital city of Xijin

Nag respawn si Demo sa entrance gate ng Xijin, nag lakad-lakad 'to upang makita ang mga kasama. Sa gilid ng Pub nakaupo si Minka sa bench, linapitan 'to ni Demo.

"Nasaan si Daimin?" Tanong nito.

"Kasama sila Laylin nag pa enhance ng weapon." Sagot naman ni Minka rito.

Katahimikan ang bumalot sa dalawang 'yon habang mag katabi sa isang bench. Ngunit, sa pag dating ni Kite ay yinaya nya si Demo na tuminggin ng mga skill sa mga vendor at merchant house.

Una nilang binisita ang mga vendor sa maliit na plaza ng Xijin ngunit wala silang nakitang wind at lightning element, kung meron 'man ay pang ibang weapon type 'to at hindi pupwede sa scythe type.

Sinabi rin ng isang vendor na bihira roon sa Liaog empire ang scythe type skill, kung balak 'man nila mag hanap nito mas malaki ang posibilidad na makabili sila sa Sang empire.

"Sang empire, pero baka ilang araw tayo makarating doon. Marami pang bayan na madadaanan at hindi rin natin alam saan bayan sa Sang ang mayroong scythe skill." Sabi ni Kite.

"Ganon ba ka hirap mag hanap ng scythe skill book?" Tanong naman ni Demo rito.

"Yeah, pero hindi naman sobrang hirap sadyang wala lang dito banda sa Liaog empire ang nadrodropan ng ganun. Sikat na sikat ang mga skill book ng scythe type sa Xin continent, meron mga player ang bumibili sa Xin continent at binibenta nila ng doble sa Mesophian continent."

"Laki ng kita nila kung doble ang dagdag." Manghang sinabi ni Demo.

"Yeah tama ka dyan, karamihan ng mga bumibili mga hindi kayang pumunta sa Xin dahil bago pa lang sila makapasok sa isang lugar may papatay na sakanila."

"E? Player killing sa tapat ng isang town bakit?"

"Sa Xin continent kasi ang mga pinuno o naghahari sa isang bayan isang guild master at yung mga member nya na ayaw mag papasok ng ibang legion ang pumapatay sa mga 'to. Iba-iba naman patakaran doon, may iba rin lugar na tinatangap ang ibang legion may iba naman na pili lang. Hindi katulad dito sa Jiu continent NPC ang mga hari o pinuno ng isang bayan. Kaya sa labas ng isang bayan nagagawa ng ibang player ang kagustuhan nila. Katulad ng tiger cave na ginawa mismo ng mga ka guild ni Wangzi para maging isang black market."

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon