005: Invitation/Tower/Skill

9.2K 348 4
                                    


Kitang-kita sa mga mata ni Demo ang pagkakulang nito sa kanyang tulog. Tumayo 'to sa pagkakahiga na akala mo'y isang lantang gulay. Dahil sa pagkahumaling sa laro ay di nya napansin ang oras.

Di 'to makapaniwala sa itsura ng mundo sa loob ng isang laro. Dahil katulad sa totoong mundo kung saan sya talaga nakatira, ay para rin itong isang tunay na mundo. Katulad na lamang ng hangin, langit at dagat sa laro walang pinagkaiba sa tunay na mundo. Bilib 'to sa taong gumawa ng mundo na 'yon.

Ngunit, hindi alam ni Demo kung ano nga ba talaga ang kadiliman na bumabalot sa larong iyon...

"Nakita mo ba na ininterview live si Terra sa T.V kaning umaga! Ang ganda niya talaga." Pagkwento ni Thea sa kanyang kaibigan na si Tanya. 

"Oo, narinig 'ko i-rereplay siya mamayang gabi ulit." Sagot naman ni Tanya.

"Malamang sa malamang talagang i-interview-hin yan dahil nag mo-model sa mga kilalang damit yang si Terra, tapos naging 1st pa sa Zowa." Singgit naman ni Jio.

"See, sa next legions makakapunta si Terra excited na mga mojiezuo na makuha ang throno!" Pagyayabang naman ni Thea sa grupo nila Jin.

"Heh, good luck." Ngisi ni Jio.

Sa pagtapos ng klase nagmadali umuwi si Demo upang makapaglaro muli.

Cominciare

Sa pangalawang pag respawn nya rito, mangha pa rin 'to sa kanyang tanaw.

Sa tagal nitong naghintay ngunit wala pa rin sumusulpot na Shia, nagalala ito kung may nangyari na sa batang NPC. Inumpisahan na ni Demo maglakad-lakad upang hanapin 'to ngunit sya ay bigo.

Sa patuloy nitong paglakad at pagtingin sa kung saan-saan, di nito napansin ang pagbangga sa isang babae.

"Ayos ka lang, sorry." Paghingi nito ng paumanhin at abot ng palad.

"Pwede ba wag kang paharang-harang sa daanan!" Sigaw niya at sabay hampas sa kamay ng binata.

Bakit ba ang susungit ng babae?

Ang tanong ni Demo sa kanyang sarili.

Kusa ng tumayo ang babae at si Demo naman ay nagpatuloy na sa paglakad, ngunit napahinto rin agad. Dahil sa hologram screen na nag appear sa kanyang harapan.

Party invitation
✅ ❌

Lumingon si Demo sa babaeng kanyang nabanga na may pagtataka. Bakit nga ba sya nito inimbitahan? Yun din ang gustong malaman ni Demo.

Nakatitig lang ang babae kay Demo, wala itong ekspresyon sa mukha. Katulad nya may hologram screen din sa harapan nito.

Dahil parehong walang nagsalita. At nanatili ang katahimikan. Walang nagawa si Demo at tinangap ang imbitasyon.

Party leader
IGN: Minka
HP: 100%
MP: 100%
Level: 10

Minka? Hmm, may katunog na pangalan! Kaano-ano niya kaya yung Minko na laging binabangit nila Thea na pinakamalakas sa Shizizuo.

"A-ano--."

"If you going to ask if I'm related to Minko, I'm not going to tell you." Bigla niyang singgit bago pa man ito maitanong sakanya ni Demo.

"O-okay." Walang nagawa ito at napasang-ayon nalamang.

Dahil hindi makita ni Demo ang itsura ng babae, dahil sa hood cape nito na halos takip ang buhok at kalahati lang ng mata ang kita. Hindi nya makumpirma kung isa ba ito na Elf races, dahil nabasa nito ang nasa isip ni Demo. Nalaman lamang nya na babae 'to dahil sa pagsigaw nya sa pagbanga ni Demo, at sa style ng damit nito. Nakamaigsi itong short na orange at medyo kita ang tela ng pang itaas niya na kulay itim, at ang boots niya na hanggang tuhod na kulay itim din.

Shi forest: level of mobs 1-10.

"A-ano saan tayo pupunta?" Tanong nya dito ngunit hindi ito sumagot

Kanina pa naglalakad ang dalawa ngunit walang mga mobs na lumalabas dito. Ngunit, iba ang pakiramdam ni Demo. Feeling nito ang matatalas na tingin na sumusunod sa kanilang bawat lakad.

Hindi rin naman sila parehas nagkikibuan simula yinaya sya ni Minka. Hindi rin naman maintindihan ni Demo ang nasa takbo ng utak nito. Basta sya ay sumunod lang dito, wala sya nagawa dahil wala rin sya alam pa sa larong ito.

Huminto sila sa isang lima or pitong palapag na tower. Sa pintuan nito ay mayroong nakaguhit na linya, sasakyo ang kamay mo kapag iyo itong linagay doon.

Tinaas ni Minka ang isa nyang kamay at dinikit ang palad sa pader. Unti-unti naman itong bumukas.

"A-ano level 1 pa lang ako at wala pa akong gaano kaalam sa larong ito kaya baka maging panggulo lang ako sayo rito." Salita ni Demo, habang sumusunod 'kay Minka na nag lalakad papasok sa tower.

"Hindi ba tinuro sayo ng guide mo, kung paano ka makikipag laban sa mga mobs or paano gumamit ng skill?" Tanong naman nito.

"Hindi e, pagbalik 'ko sa laro hindi na siya nagpakita."

"Ilang oras ka ba nawala?"

"Alas tres ng madaling araw ako nag out, tapos ngayon lang ako bumalik dahil pumasok ako sa iskwelahan."

"Ang guide sandaling oras mo lang makakasama, kaya talagang hindi na mag papakita sayo 'yon."

"Paano na." Bulong nito.

Kita ni Minka ang pagbuntong hininga ni Demo. Wala 'to nagawa at muling nagsalita.

"Sa menu, tas character makikita mo roon yung skill. Makikita mo roon kung anong available na skill na pwede mo gamitin. Sa pakikipaglaban naman need mo lang i-swing yung scythe mo papunta sa kalaban." Paliwanag naman nito.

Ginawa naman nya ang paliwanag ni Minka. Binuksan nya ang menu at nagpunta sa Character, marami pagpipilian doon katulad nalamanb ng attribute, rank, medal, skill at pet.

Binuksan nito ang skill settings at nakita ang limang kanyang pwedeng papilian,

• Elemental skill
• --------------
• --------------
• Passive
• Support skill

"Para saan ang mga ito?" Tanong nya habang nakafocus sa holographic screen.

"Elemental skill, pipili ka diyan kung anong elements type ang gusto mong kuhanin, well you can use all of them pero mas maganda pa rin ang mag focus sa isang element." Paliwanag naman ni Minka, habang nakatingin din sa holographic screen.

Huǒ (Fire) - Explosive slash
Shuǐ (Water) - Aqua splash
Dìqiú (Earth) - Rock wall
Fēng (Wind) - Whirlwind

Kada isang element may isang open slot na mga skill. Hindi naman alam ni Demo ang kanyang dapat piliin.

"Bakit hindi pwedeng kuhanin lahat?" Tanong nito, at nag tataka sa sinabi ni Minka na mag-focus sa isang elemento.

Dahil sa tingin ni Demo, ay mas okay kung kaya mong gumamit ng maraming elemento.

"Here, nakikita mo itong nakalagay na points. Ang points makakakuha ka tuwing level up mo, kaya hindi lahat ng skill malalagyan mo ng points dahil kada skill pwede mo pa sila ma upgrade sa pamamagitan ng pagdagdag pa ng points sa skill na 'yon." Paliwanag nito habang tinuro ang points na nakalagay sa pinakailalim ng screen.

"Parang pag nag upgrade ka ng weapon? Tataas yung power ng skill kapag ginamit?" Tanong muli ni Demo.

"Yes, yun nga. That's why you need to think before you click. Tandaan mo para ma reset ang iyong points need mo ng ten thousand pesos."

"What! Ang mahal naman."

Dahil sa gulat nito napalakas ang kanyang salita. Nag echo ang boses nito sa buong tower.

Hindi kalayuan ay nakadinig na sila ng mga papalapit na yapak.

"Ang ingay mo! Mamaya na kita tuturuan mag handa ka, papalapit na sila." Sabi ni Minka at pumunta sa harapan ni Demo, at nilabas ang dalawang malalaking blade.

Edited: June 25, 2020

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon