026: Rookie/Challenge

6K 244 7
                                    

Maraming thank you 'kay ZER0TM sa new cover ng story 'ko. First time lang may mag effort ng ganito sa isa kong work kaya salamat po talaga. :)

/DEMO/

Nakabili rin naman kami ng equipments ni Daimin sa tulong ni Minka, para silang bata na nagtatalo sa plaza habang namimili. Napapangiti nalamang ako habang nagkukusot ng uniporme ko, mayroon din pala mamaya na legions war.

Nang natapos ako maglaba naligo na ako at nag ayos. May pasok pa ako sa work, pero maaga naman ang uwi kaya makakasama ako sa legions war.

"Good morning." Bati 'ko habang inaayos ang buhok 'ko.

"Mukhang bumalik ka na muli sa rati." Nakangiting sabi ni Kycee.

"Wala naman nangyari sa'kin." Sabi 'ko at napakamot sa ulo.

"Oo nalang, good morning din." Ngumiti muli ito.

Sa buong oras na nakatayo ako sa cashier yung mang yayari sa legions war ang nasa isip 'ko lang. Ito nanaman yung excitement na nararamdaman 'ko, hindi ako mapakali at hindi maalisip ito sa isip 'ko.

"Good eve--ning.." Sabi 'ko habang nakatingin sa pumasok.

Nakita niya ako pero agad din naman nitong iniwas ang tingin sa'kin, para ba itong may hinahanap. Dahil ang mga tingin nito ay lumilibot sa buong shop. Nagulat ako ng bigla muling bumalik ang tingin nito gawi sa'kin.

"Tulala." Napatingin ako bigla sa kumalabit sa'kin.

"So-sorry." Mahina 'kong sagot 'kay Kycee na nasa gilid 'ko.

Binalik 'ko muli ang tingin 'ko sa nakatayong si Jio, pero ang mga paningin nito nakafocus sa nasa gilid 'ko. Nakatingin siya 'kay Kycee.

Nagiseng ang diwa ni Jio ng may nakiraan sakanya at agad itong dumiretso papunta sa mga cup noodles. Nang nakakuha na siya ay naglakad siya papunta rito sa counter pero ang paningin niya na 'kay Kycee. Bakit kaya?

Wala 'tong sinabi at para bang hindi ako kilala, matapos niya nilapag ang dalawang cup noodles ay naglapag na rin siya ng bayad at umalis na.

Sa wakas natapos na rin ang work 'ko, alas sais na ng gabi at naglakad na ako pauwi.

"Legions war nanaman, sa tingin niyo sino naman kaya ang legions na makakakuha ng trono for two weeks."

Madaming tao nanaman ang pasulyap-sulyap sa appliances shop na ito na laging updated sa zodiac news.

Sino kaya ang mag first ngayon, curious na rin ako malaman. Alam 'kong imposibleng shizizuo ang makakuha nito, pero hindi pa rin maalis sa'kin ang pagka excite na malaman kung sino makakakuha ng trono.

"Good eve---"

"You're late!" Nakakunot noo nitong sabi.

"Sorry." Yun nalamang ang nasabi 'ko.

Magkaaway nanaman ba sila? Parehas silang hindi nag papansinan at sobrang layo sa isa't isa. Linapitan 'ko naman si Daimin.

"Anong nangyari?"

"Gusto 'ko lang naman tikman yung sinesell sa plaza na pagkain, pero ayaw niya akong pahawakin ng pera kahit magkano." Parang batang sinasabi ni Daimin habang nakapout.

Napatingin naman ako sa side ni Minka, at masama itong nakatingin sa'kin. Wala naman akong ginawa, nagtatanong lang. Napabuntong hininga nalamang ako.

Kinausap na namin ang isang NPC at dinala na kami sa base ng shizizuo, katulad pa rin ng dati. May malaking screen sa base namin at pinapakita ng host ang mga top player ng iba't-ibang legions.

Ang usap-usapan ngayon sa buong legions ang rookie na nag depensa sa flag ng shizizuo, si Kite.

Information:
IGN: Kite
Level: 75
Type: Dual hammer
Races: Wolves
Element: Fire & earth
Medal: 6036
Kill: 1635
Death: 62

Attack: 16853
Magic attack: 2535
Defense: 8126
Magic defense: 1763
Attack speed: 6000
Cast speed: 112
Critical: 60%

"Ang taas ng attack damage niya pero nasa 75 pa lang ang level." Mahina 'kong sabi.

"I think naka epic avatar siya kaya ganyan." Saad ni Minka habang nakatutok ang paningin sa screen.

"Epic avatar ano yun?" Kalabit ni Daimin sa'kin.

"Hmmm. Set na mas mataas kaysa sa mga common drop na nakukuha sa boss or mobs." Sagot 'ko.

"Parang katulad sa nakuha niya sa Feuer na drop?" Sabay tingin 'kay Minka.

"Yes."

Nagsimula na muli ang laban, kami ni Minka at Daimin ay nanatili sa base hanggang sa magsialisan ang lahat. Napatingin kami roon sa Kite na nakatayo lang bandang flag habang masamang nakatingin 'kay Minka.

"What's your problem?" Salita ni Minka pero hindi ito humarap 'kay Kite.

"Ginawa mo ba yang name na yan para maging next na Minko na kilala sa buong ZowaN?" Masama pa rin itong nakatingin.

"I don't need fame. What's wrong kung ganito pangalan 'ko? Hindi naman porke magkatunog kami ng name e, sisikat na rin ako katulad ni Minko." Kalmado pa rin si Minka habang nag sasalita.

"Really? Then how about a challenge? The first one na mamatay habang nag dedepensa ng flag ang talo. Dahil mas mataas ang level 'ko kaya papayag akong sumali ang dalawa mong kasama. Kapag nanalo ako mag chachange name ka, don't worry ako bahala sa pang change name mo. Kapag ako naman ang natalo is up to you kung ano ang consequence." Ngumisi ito bigla.

"Sure, deal." Sabi ni Minka at humarap 'kay Kite.

Bakit ba gusto ng lalaking 'to mag change name si Minka? Naguguluhan ako e, wala naman siyang magagawa kung yun ang gustong pangalan ni Minka.

Pumunta kaming tatlo sa isang side, si Kite naman ay nasa kabila at doon nagbabantay.

Muling nag iinit ang laban sa pagitan ng Mojiezuo at Jinnizuo sa gitna ng arena, kasama ang dalawang top player ng mga kupunan at mga miyembro ng mga 'to. Habang ang east side naman ay sinakop ng buong Shuipingzuo kasama ang kanilang cute na cute na top player na si Chelo. Ang west naman kung nasan ang tatlong legions ang nagtapat-tapat sino nga ba ang unang mawawasakan ng flag sa gabing ito.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon