055: Our/Fight

4.1K 167 9
                                    

/------/

"Might rise." Increase power 2500.

"Mind rise." Increase magic 2500.

"Steel body." Increase defense 2500.

"Archangel bless." Max HP and MP + 6000.

"Holy guard." Increase defense and magic defense 4000.

"Vigor weapon." Weapon damage rise to 6000.

Patuloy ang pag ilaw na gawa ng buffs ni Daimin, ganun din naman ang nag aapoy na katawan ni Wangzi. Patuloy din ang pag lapit ng mga taong may mga hawak na torch papunta sa gawi kung nasaan ang entrance ng tiger cave.

"Don't use any attack magic other than your light vines." Sabi ni Kite.

"Hindi ba't mag mapapadali tayo kapag gumamit din ako ng magic attack."

"Nah, kailangan mo ng MP sa pag heal at revive diba."

"Ok."

Parang hanggin sa bilis ang pag lapit ni Wangzi sa gawi ni Kite, agad naman naharanggan nito ang pag hampas ng axe ni Wangzi. Pumaikot pa talikod si Kite at kanyang hinampas ng isa nya pa na hammer ang kabilang kamay ni Wangzi, ngunit na iwasan 'to ni Wangzi at muling sinwing ang kanyang axe na tatamaan sana ang baywang ni Kite, dahil sa holy mirror ni Daimin ang pag hampas na ginawa ni Wangzi ay bumalik sa kanya at nabawasan 'to ng 5%.

"Rapid spin." Umikot-ikot si Wangzi sa una ay mabagal at habang patagal ng patagal ay pabilis to ng pabilis na parang hanggin at ang apoy na lumalabas sa katawan ni Wangzi ay sumasama na sa hanggin nito.

"RAPID BLAST!" Habang nasa loob ng ipo-ipo ay sinwing ni Wangzi ang kanyang axe papunta sa gawi nila Daimin at mabilis 'tong pumunta roon.

"Holy mirror!" Sigaw ni Daimin.

Napatulala ang dalawa dahil sa mabilis na pagsira ng holy mirror dahil sa rapid blast. Agad hinatak ni Kite si Daimin at hinagis palayo.

"Fiery guard." Binalot ang katawan ni Kite ng apoy at tumama rin sakanya ang rapid blast.

"GWAAAH!" Sigaw ni Kite ng tumalsik 'to dahil sa pag sabog.

••••••

"Mi...nka" Mahinang sambit ni Demo habang tulala pa rin.

Habang si Trex at Laylin ay patuloy ang palitan ng hampas.

"Ikaw, ang cresthell din ba ang kailangan mo?" Tanong ni Trex 'kay Laylin.

"Yeah, kaya bigay mo sa'kin habang wala pa akong balak na patayin ka."

"Eh, makukuha mo lang sa'kin 'to kung mapapatay mo ako." Linabas ni Trex ang cresthell at nakangisi habang kanyang pinagmamalaki 'to.

Susugurin na sana ni Laylin si Trex ng makita nya si Demo na nakayuko habang naglalakad papunta 'kay Trex.

"Nasaan si Minka." Mahinang sambit ni Demo, napatinggin sa gilid si Trex at nakita si Demo na nakatayo rito.

"Huh, nandito ka pa. Bakit hindi ka pa tumakbo katulad ng ginawa ng dalawa mo pa na kasama."

"Si Minka, nasaan sya." Inangat ni Demo ang kanyang mukha at tinignan si Trex. Walang emosyon ang mukha nito habang ang luha ay patuloy umaagos sa pisngi nito.

"Iniiyakan mo girlfriend mo, 'wag ka magalala ibabalik 'ko rin sya sayo. Nakasinghot sya kanina ng poison gas kaya paniguradong pag namatay sya mag rerespawn sya sa kingdom kung san man syang legio..." Biglang hinawakan ni Demo ang gauntlet ni Trex.

"Ibalik mo si Minka, ibalik mo." Naiinis na gustong tumawa ni Trex dahil sa ginagawa ni Demo.

"You look pathetic brat." Sabay tawa ng malakas ni Trex.

"I told you to give her back!" 

Napalitan ang walang emosyong mukha ni Demo na sobrang galit at napadiin din ang paghawak nito sa gauntlet ni Trex. May narinig si Trex na pag crack at napatinggin 'to sakanyang gauntlet, nakita nito ang kaunting warak sa banda kung saan nadiinan ni Demo.

"Oi, oi brat anong ginawa mo." Inis na sinabi ni Trex dito.

"Give her back."

"NAKAKAIRITA KA NA, GET LOST!" Sigaw ni Trex dito sabay saksak nya sa tiyan ni Demo gamit ang cresthell, bumawas ang HP nito ng 40% pero mabilis na napuno rin at ang gauntlet ni Trex ay mas lumaki ang warak.

"IBALIK MO SABI SYA SA'KIN!" Sigaw ni Demo at mas lalo nitong diniinan ang pag hawak sa gauntlet at nagkadurogdurog na 'to.

"Wha-wha-what the! Anong ginawa mo brat, paano mo nasira ang isang celestial gauntlet gamit lang ang kamay mo--- GRWAAAAAAAAH!" Sigaw ni Trex at ang HP bar nito'y mabilis nauubos.

••••••

Agad tumakbo si Daimin sa gawi kung saan tumalksik si Kite, nakita nito na may natira pa na 5% sa buhay nito kaya agad nya 'to hineal at napuno ang buhay nito.

"Ayos ka lang." Tanong ni Kite 'kay Daimin, tumayo 'to at nag labas ng bagong hammer.

"Huh? Dapat ako nag tatanong nyan sayo, hindi ako nahagip dahil sa ginawa mo."

"Mabuti naman." Ngumiti si Kite at sumugod sa pasugod din na si Wangzi.

"Anong gagawin natin, sobrang lapit na ng mga pasugod dito." Pagaalala ni Daimin habang pinagmamasdan ang mga taong tumatakbo.

"Gamitin mo yung archangel call at  wrath scream mo, pero mamaya na pag nandito na sila sa harap natin." 

Gumamit si Daimin ng light vines at napahinto ang pag atake ni Wangzi, habang si Kite naman ang nag ca-cast ng Magma breaker. 

Saktong nakawala si Wangzi ng ready na ang magma breaker ni Kite, ngunit agad din nag cast si Wangzi ng magma breaker na walang cast time agad pumasok sa isip ni Kite na kapag nahagip si Daimin ng magma breaker ni Wangzi ay maglalaho 'to.

"Daimin!" Sigaw ni Kite sabay takbo rito at binuhat 'to.

"A-anong ginagawa mo! Bakit mo ko binuhat at bakit ka ba tumatakbo-kyaah!" Sigaw ni Daimin dahil sa pagewang gewang na pag takbo ni Kite, dahil ang lupa ay gumagalaw at nagwawarak warak dahil sa magma breaker ni Wangzi.

"DAMN STOP!" Sigaw ni Kite, dahil nararamdaman na nya ang mga magmang malapit ng lumabas sa lupa.

••••••

"Airen! Airen!" Sigaw ng babae habang ginigiseng ang kanyang asawa.

(Àirén - Sweetheart)

"Tianshi, bakit?" Tinanggal ng lalaki ang virtuale gear sa kanyang ulo at tuminggin sa kanyang asawa.

"Airen, hindi 'ko alam anong nangyari pero panay ang sigaw mo habang nasa laro ka, kaya in-off 'ko ang power ng gear mo." Sabay yakap nito sa lalaki.

"Ganun ba, hindi 'ko rin alam nangyari pero may kumokontrol sa character 'ko. Ipapatinggin 'ko mamaya ang gear kung may sira."

Yinakap din ni Wangzi ang kanyang asawa para kumalma 'to.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon