011:Sirene/Water/Prison

7.3K 275 5
                                    

/DEMO/

Nang umahon kami ni Minka sa tubig at napatingin sa tubig na unti-unting nag kakaroon ng butas sa gitna at ang mga umiilaw na ngayo'y nag wawala na ang mga ito.

"Anong nangyayari!?" Tanong 'ko habang nakatingin sa tubig.

"Sinabi 'ko na sayo na 'wag ka mag iingay! It's too late, nagiceng na natin siya." Sagot ni Minka at inilabas na ang kaniyang dual-blade.

"Pasensya na hindi 'ko makontrol pag bahing 'ko. Sinong nagiceng?"

"Ang natutulog na boss dito! Isa itong special boss room na matritrigger lamang kapag sinwerte ka." Paliwanag nito.

"Speacial boss!? Mas malakas ito sa Geist?"

"Syempre naman! Isa pa water element ito kaya paniguradong mahihirapan ako, mahina ang isang element kapag ang kalaban mo ay katulad mo ng element." Paliwanag muli nito.

"Ganun ba." Mahina 'kong sabi.

Mas bumilis ang pag ikot ng tubig sa gitna nito at ang mga blue na ilaw ay sumasabay sa ikot ng tubig. Maya maya ay malakas na ungol kaming narinig na sobrang sakit sa tenga.

"Kapag na talo natin ito magandang reward ang nag hihintay sa'tin!" Sigaw ni Minka.

Napalingon naman ako at nakita ang itsura niya sa likod ng hood na nakatakip sa mukha at ulo niya. medyo may pag kadilaw ang buhok nito, at makinis ang mukha isama mo pa ang napakaganda niyang mga ngiti. Hindi 'ko maiwasang matulala dahil sa nakita 'ko, nagiceng nalamang ako sa pagkatulala ko ng tumingin na si Minka sa tubig. Ganun din ako.

Boss: Aqua sirene
Level: 20

Tumambad sa'min ang malaking sirena na may kulay blue na balat at ang mukha nito ay kulay blue rin at ang mata ay malaki at kulay dilaw, habang ang buhok nito ay kulay itim na napakahaba. Lumulutang ito habang sapo-sapo ng tubig na kanyang na mamanipulate, at ang mga ilaw na blue na maliliit ay ngayon ay iniikutan siya.

"Anong gagawin natin?" Tanong 'ko rito.

"Try mo mag cast ng whirlwind, tignan natin kung ilan ang magiging damage."

Ginawa 'ko ang sinabi ni Minka, nag cast ako nito at ng palapit na sa sirene ay na block ito ng gumawa rin ang sirene ng whirlwind gamit ang tubig.

"Tsk, try 'kong umatake 'kaw na bahala sa'kin."

"E, anong-- minka!" Sigaw 'ko rito ngunit huli na dahil tumalon na ito at umatake.

Gamit ang isang blade niya ay biglang may humarang na whirlwind dito na tubig kaya hindi malapitan ni Minka ang boss. Pero bigla nitong initsa ang isa niyang blade sa boss at bumawas ng 5% ang buhay nito. Tumalon pabalik si Minka sa tabi 'ko at ang blade niya ay kusang bumalik sakanyang kamay.

"Masyadong malakas ang defense ng sirene, pero mahina siya kapag malapitan." Paliwanag ni Minka.

Tumalon na muli si Minka papunta sa sirene ng may nakita akong papalapit sakanya na whirlwind na tubig, agad akong nag cast ng whirlwind at nag tama ang dalawang ito kaya nalagpasan ni Minka ang isa. May pangalawang papalapit muli kay Minka kaya nag cast muli ako pang tapat dito, gumana muli ito at nakalapit si Minka sa boss at nag aqua cutter ito. Bumawas ang buhay ng sirene ng 45%, kaya nasa 50% nalang ang buhay nito.

"Minka!" Sigaw 'ko.

Dahil biglang umungol ng sobrang lakas ang sirene at sobrang sakit nito sa tenga ako naman ay napaupo habang nakadiin sa tenga 'ko. Si minka ay bigla itong nahulog sa tubig ng nagulat siya ng umungol ang sirene.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon