015: Legions/War/Part/One

6.8K 258 9
                                    

/DEMO/

"Sleepyhead." Napadilat agad ako at nakita si Kycee na nasa harapan 'ko at nakatingin ito sa'kin.

"So-sorry." Sinabi 'ko at agad umayos ng tayo at dinilat-dilat ang mga mata.

"Hmmp, always ka nalang kulang sa tulog. Ano ba ginagawa mo?" Pag tatanong nito.

"Wala naman." Sagot 'ko.

Dahil pala sa nasa ibang dimension ang legion arena kaya hindi namin napansin ang pag tunog ng bell, at napasarap pa ang pag farm namin ni Minka kaya naka tulog na ako ng 6 o'clock ng umaga. Tatlong oras lang ang tulog 'ko, sobrang bitin!

"Sigurado ka ayos ka lang?" Masyado talaga siyang maaalalahanin.

"Don't worry, ayos na ayos lang." Saad ko naman dito.

Nag lakad na ito palayo. Maya-maya ay bumalik at may inaabot sa'ki na isang cup ng kape.

"E, pero ayos lang ak--."

"Sige. Na." Madiin nitong sabi habang naka pout.

"O-okay. Salamat." Sabi 'ko rito.

Bigla itong pumunta sa likod 'ko at inayos ang ipit 'ko. Dahil sa haba ng buhok 'ko iniipit 'ko nalang ito tuwing nasa work lang, dahil mas maganda raw tignan sabi ni Kycee.

Tapos na ang shift 'ko at nag lakad na papauwi, napahinto ako ng makita ang iniinterview sa t.v sa appliances shop.

"Last question ms. Lyka Lin, do you know or what can you say about Minko?"

"Do i know him? Yes is my answer. What can i say about him... If ever Minko na marinig or nanonood ka nito, well, miss ka na namin! Your always in our heart. Take care and leave the rest to the new rookies of your beloved legion. And last, Minko is a guy by the way." Sabay kaway nito sa T.V.

"What a shocking revelation you had ms. lyka! Ngayon confirm na ang gender ni Minko, his a guy. Thanks for the wonderful answer na ibinigay mo sa'min ngayong hapunan. Again our Hot & cold 8th rank of chunuzuo legion, LayLin."

Lalaki pala yung Minko. Siya pala yung LayLin, mukha siyang aktibo at masayahin in person. Pero in game katulad ng tawag sakanya na cold, malalamig at hindi ito ngumingiti.

Nag lakad na ako muli, at dumiretso na pauwi sa bahay. Humiga muna ako, sinabihan din ako ni Minka na mag open ng alas siyete.

Ayokong matulog dahil baka mapasarap at hindi 'ko mapuntahan si Minka.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon