023: Feuerdrache/Epic/Avatar

6.3K 277 24
                                    

/DEMO/

Naging mas epektib ang mga skill ni Minka, dahil sa buffs ng shaman na pinataas ang attack damage ni Minka. Tumulong din siya sa healing, maayos na naman ang buhay ng dragon ay nasa 70% na. Kada mahahampas ng dragon si Minka ay sinasapo 'ko 'to gamit ang whirlwind, turo yun ng shaman. Sinabi niya na hindi 'ko mababawasan ang HP ni Minka kahit gamitin 'ko 'yon sa kanya.

Pero talaga namang malakas ang dragon at mas lalong tumataas ang defense tuwing bubugahan niya ng apoy ang sarili at nag sisilbing coating ang apoy nito.

Nang bumaba sa 50% ang buhay ng dragon, ay mas lalo itong naging wild at mahirap ng matamaan dahil lumilipad na 'to sa ere.

"Vein trap." Nag cast ang shaman, at may mga tumubong mga ugat sa bato at mabilis na humaba patungo sa dragon na nasa ere, bumalot ito sa dragon at pwersahang binaba ang dragon sa lupa.

"Atakihin niyo na!" Sigaw ng shaman.

Agad ng nag cast ng mga skill si Minka at ako, patuloy ang pag baba ng buhay nito hanggang sa mapunta sa 20%. Umapoy ang buong katawan nito at nawasak na ang vein na ginawa ng shaman. May malaking apoy na bumibilog sa bunganga ng dragon at agad nitong binuga sa'min.

"Holy mirror."

Agad namin binuksan ni minka ang mata ng marinig ang pag sigaw ng shaman at may malaking puting salamin ang humarang sa'min at ang apoy na binuga ng dragon ay bumalik sa kanya.

CONGRATULATIONS.

YOU DEFEATED THE RARE 'BOSS'.

REWARD:
• 2000 exp (individual)
• 5000 pesos ( individual)
Feuerdrache avatar (Minka)
• Cyclone skill (Demo)
Freedom (Dái Min)

Napaupo kaming lahat sa mabatong lupa at nakahinga ng maluwag. Sa wakas na talo rin, ang galing ng shaman. Buti at nandito siya, kung wala siya rito hindi ko alam mangyayari sa'min ni Minka.

"Salamat a." Ngiti 'kong sabi sa shaman.

"Well, you two owe me one." Sambit ng shaman habang nakapaweng na nakatayo.

May lumabas na lagusan ng puti, at sinabi ng shaman na makakabalik kami sa shizizuo kingdom kapag pumasok na kami dyan. Nag paalam na kami rito, kasama na niya ang dalawang matanda. Binigay na rin ng isang matanda ang reward namin sa pag sagip sa shaman. Pumasok na kami ni Minka at nag respawn kami sa shizizuo kingdom.

"Weird." Narinig 'kong sabi ni Minka.

"Bakit?" Tanong 'ko naman dito.

"Matagal tayong nag stay doon right. Pero yung oras nasa 9 o'clock pa rin ng gabi."

Napatingin naman ako sa malaking orasan, at tama nga si Minka. Ibig ba nung sabihin na natigil ang oras ng pumunta kami roon?

"That's right. Kaya kahit mamatay kayo sa lugar na 'yon hindi kayo mag rerespawn dito. Dahil isa 'yong ibang dimension katulad ng mga special map na mag trigger lamang sa iisang party."

"E, anong ginagawa mo rito?" Sabay naming sabi ni Minka ng bigla itong lumitaw sa harapan namin.

"What are you saying. Course because I'm in your party now." Ngiti nitong sabi.

Tama nga sinabi nito, kasama na siya sa party list. Pero wala akong naalalang binigyan siya ng invitation ni Minka, at isa pa isa siyang NPC?

"Huh? Isa kang NPC so why are you in our party?" Tanong ni Minka rito.

"Indeed I'm just an NPC. But kasama niyo 'kong tinalo ang dragon. Aren't you glad im going to help you in your adventure. And didn't you two owe me one." Ngumisi 'to.

Hindi 'ko alam pero napangiti nalang ako, parehas na parehas talaga sila ni Demi.

"Okay. Okay." Saad ni Minka.

Sinabi sa'min ni Daimin na kada mag log out kami, lagi lang siya mag hihintay sa town sa pag balik namin. Sinabi rin nito na malaya na siya na gawin ang kaniyang gusto dahil sa kanyang nakuha sa feuerdrache, pinayagan din siya ng mga matatanda na sumama sa'min. Sinabi nito na wala naman siyang gagawin kung mag ii-stay siya roon sa lugar na 'yon.

Nang nag alas dose na ay nag paalam na kami ni Minka, kay Daimin at sinabing nag online nalang kami bukas. Need 'ko na rin matulog para makapasok bukas.

"Sa monday ay test na kaya i-review niyo na ang inyong mga notes at mga test paper na ginamit natin sa practice test." Paalala ni mam, at nag dismissed na 'to.

Pagka tapos ng iskwela ay pumasok na ako sa work 'ko. Hindi pumapasok si Kycee dahil busy 'tong mag review dahil sa monday na rin ang test nila sa iskwelahan niya. Si Kycee nag aaral sa all girls school at isa 'tong private School.

"Nay kamusta na kayo at si Demi." Saad 'ko ng makita si nanay na papalabas ng bahay habang may hawak na damit.

"O, andyan ka na pala Demo. 'Wag ka mag-alala ayos lang kami. Malapit na test mo mag review ka ok."

Saad nito, bakit parang may tinatago siya sa'kin? Nang nakita niya 'ko nanlaki mata nito at para bang nag panic. Pero siguro guniguni 'ko lamang 'yon.

"Nay may naipon na akong 20 thousand, malaki pa kulang para sa pang pagamot ni Demi pero--."

"Sinabi 'ko naman sayo mag focus ka sa pag-aaral at wag kami ni Demi ang 'yong pinoproblema. Kung may ganyan kamang pera, ipunin mo para sa'yo." Sigaw nito.

"Pero nay--."

"Sige na, aalis na ako." Sumakay na 'to ng taxi.

Siguro magulo lang utak ni nanay sa mga nangyayari. Kakausapin 'ko nalamang siya ulit sa susunod.

"Your late." Saad ng babaeng naka- Chinese dress na pula.

"E, si-sino ka?" Tanong 'ko rito.

Tinuro niya ang name bar sa itaas ng ulohan niya, at nanlaki ang mata 'ko ng makita 'to.

"Mi-minka!?" Sigaw 'ko.

"Nakasuot ako ngayon ng epic avatar, nakuha 'kong reward sa feuerdrache " paliwanag nito.

"Ganun pala, akala 'ko kung sino haha. Pasensya na." Hindi 'ko siya nakilala sa suot at sa new look niya.

Bigla naman sumulpot si Daimin na may dalang mga pagkain, sinabi nito na ngayon lamang siya muli nakatikim ng masarap na pag-kain kaya lahat ng makita niya tinitikman niya.

Kasama na namin si Daimin mag farm ng mga kalaban, mas napadali 'to dahil mayroong skill si Daimin na pang AoE or area of effect na tatlo-limang kalaban ang matatamaan ng kaniyang skill.

Sa tuwing tumitingin ako 'kay Daimin hindi 'ko maiwasan isipin si Demi. Gusto 'ko siyang makita, gusto 'ko malaman kung talaga bang ayos lang siya. Dahil maraming gumugulo sa isip 'ko, pero ayokong paniwalaan ang 'yon.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon