074: Sacrifice/Leads/To/Victory

2.3K 99 2
                                    

Patuloy sa pagngawa si Virupaksa hanggang sa napalitan ang itsura nito. Nagulat si Demo dahil hindi ito si Virupaksa. Agad siyang may naramdaman na malakas na enerhiya sa kaniyang likuran, huli na bago pa niya ito maiwasan. Pero kahit kaniya itong magawang iwasan ay malalaman ni Virupaksa saan niya binabalak pumunta. Kaya wala pa rin siyang takas dito. 

"I already know how dangerous is your palm kid." Sinuntok ng malakas ni Virupaksa ang mukha ni Demo na hanggang sa naputol ito dahil sa lakas ng pwersa.

"Resurrection!" Sigaw ni Daimin. Agad lumayo si Demo sa lugar na iyon ng siya'y nabuhay na.

"Hindi ko rin magagamit ang absorption ability dahil alam niya na ito. Tsk. Anong gagawin natin?" Tanong ni Demo sa mga kasama.

"Yun na lamang ang pag-asa natin, ngunit mukhang bigo pa tayo." Ani Kite.

"Now, now! Entertain me more! Kaash, kassh, kassssh!" Sigaw ni Virupaksa habang malakas na tumatawa.

Tumalon sina Daimin at Demo sa magkabilang gilid. Malayo ito ng sampung sentimetro kay Virupaksa. Nag enchant ang dalawa ng bind magic, ang Light vines at Wind chain. Nanatiling nakatayo roon si Virupaksa.

"Aqua ten strike dance!" Mabilis na pinaghihiwa ni Minka ang katawan ni Virupaksa. Mabilis din naman ito nag-restore.

"Dragon blaster smash!" Sa pagpukpok ni Kite nun ay napipe ang katawan ni Virupaksa. Mabilis din naman ito muli nag restore.

"Magma blaster!" Hinati ni Clay sa gitna ang katawan ni Virupaksa. Nagkadikit ito muli na akala mo'y walang nangyari.

"Damn this monster!" Sigaw ni Clay.

"Pagod na ba kayo mga bata? Hanggang diyan na lang ba nakasiyahan ang inyong maibibigay sa'kin? Binigo niyo ako."

Malakas na enerhiya ang pinakawala nito na nagpatalsik sa kanilang lahat. Naglabas ng malakas na pulang aura ito na bumabalot sa kaniyang buong katawan. Pinagdikit nito ang kaniyang palad at ang aura na nakabalot sakaniya ay nawala. Unti-unti niyang inalis sa pagdikit ang palad at ang bilog na aura na lumalabas dito ay palaki ng palaki.

Napuno ang buhay nilang lahat dahil sa heal ni Daimin. Malayo si Daimin sa mga ito dahil sa pagtalsik na nangyari ang malapit lamang sa gawi nito ay si Clay. Pero ang kaniyang skill range ay kayang sakupin ang buong silid na iyon. Tuminggin si Virupaksa sa gawi ni Daimin at ngumisi ito.

"Maghanda ka na little girl, dahil kahit isa sainyo ay walang makakatakas dito. Lalo ka na!" Sigaw ni Virupaksa.

"Shit! Daimin!" Sigaw ni Kite at pupunta sana sa gawing iyon ngunit pinigilan ni Minka.

"Demi!" Pinigilan din ito ni Minka.

"Kaunting mana na lamang ang mayroon si Daimin. Sa tinggin niyo ba kapag namatay kayo rito ngayon ay mabubuhay pa kayo? Kaya iligtas niyo ang sarili niyo! Baka nakakalimutan niyo ang ating misyon dito." Sinabi ni Minka sa dalawa. Wala itong nagawa kundi gumamit ng barrier.

"Rock wall." Kite.

"Reflect." Minka.

"Wind barrier." Demo.

"NIGHTFALL VENOMA!" Sigaw ni Virupaksa.

Binalot ng pulang ilaw ang buong lugar na halos nasira ang lahat ng mga puno roon. Hindi rin kinaya ng ginawang barrier nila Demo at napatalsik sila.

"This is the end." Ngisi ni Virupaksa.

"No, this is the beginning of your end!" Sigaw ni Clay. Linigtas nito si Daimin kaya kahit mababa ang HP nito ay nakaligtas siya. Kahit sila Demo na tumalsik sa kabilang side ay nakaligtas, ngunit ang kanilang mga buhay ay nasa 1% na lamang.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon