/------/
Ang susi sa mga tanong,
Ang susi sa mga sagot,
Ang susi sa mga pangyayari,
Sya nga ba ang susi sa lahat ng 'to?
••••••
Pumasok na sila sa Pub at pumunta sa request board. Dahil kailangan nila mag palakas at mag pataas ng level ay kinuha nila ang isang madaling quest na may malaking pabuyang experience at pera.
••••••
Request: Delivery!
- Deliver this 10 kilo of jujube ale in Capital city of Bianjin in Sang empire. No time/days limit.Reward:
- 8000000 exp
- 5000 php••••••
"Sure kayong kukuhanin natin 'to? Baka nga abutin tayo ng apat na araw bago makarating sa capital city of bianjin." Pagrereklamo ni Laylin.
Dahil sa dami pa ng kailangan madaanan na bayan, at dahil din sa mga PK na nag aabang ng kanilang mga kalaban ay matatagalan sila kung lalakbayin 'yon.
"Well, balak din ni Chelo pumunta roon para lumahok sa isang contest." Sambit nito.
Napatinggin silang lahat dito dahil wala silang narinig mula rito about sa contest na 'yon. Pinaliwanag ni Chelo na kanya 'tong sinabi 'kay Daimin dahil tamang-tama sa light magic nito ang premyo roon. Excited naman si Daimin na lumahok dito at makuha ang premyo.
"E!? Ang armillary sphere staff, seryoso gagawin nilang pa premyo lang!?" Gulat na tanong ni Laylin.
Ang armillary sphere staff ay isang celestial staff nakukuha lamang sa isa sa pinaka malakas o pinaka mahirap na mapuntahan ang celestial stage boss.
"Kaya panigurado si Chelo na maraming tao ngayon sa Bianjin at kailangan din ni Demo ng Skill, sigurado rin si Chelo na maraming vendor ang mag vend mode roon."
"Pero tama si Laylin kung lalakarin natin pag punta roon at babalik tayo papunta naman sa tiger cave hindi na natin maaabutan na bukas ang black market." Pahayag naman ni Minka.
"Ehhh pero, nanghihinayang si Chelo para 'kay Daimin. Ang taas na ng magic damage at mga buffs effect nya pero dodoble yoon kapag in-equip nya ang armillary." Sabay pout naman ni Chelo.
Hindi alam ni Minka ang gagawin dahil nakita rin nito ang mukha ni Daimin na nanghihinayang.
Napatinggin naman si Minka ng sya'y kalabitin ni Demo at binulunggan.
"A-ano kung ayos lang pwede natin gamitin yung libro."
"Ayos lang?" Tanong naman ni Minka.
"E, oo naman. Sinabi 'ko na sayo na hindi 'ko naman kailangan 'to. Tsaka mukhang gusto rin ni Daimin pumunta roon, at kapag nakuha nya ang premyo mas lalakas ang grupo natin bago tayo pumunta sa black market."
"Ok, ikaw bahala."
Linabas na ni Demo ang book of menshen at naalala nito na hindi nya alam paano ito gamitin, kaya tinuruan sya ni Minka.
"Ah! Ang book of menshen isa sa legend na sinasabi nilang hindi nag e-exist na gamit sa Zowan!" Tuloy-tuloy na sabi ni Chelo.
Dali-daling pumunta roon si Laylin habang dilat na dilat ang mata, pero maya-maya ay sumeryoso ang mukha nito at napangisi.
Dahil walang ink sila Minka na panulat sa libro ay pumunta muna sila sa merchant nauuna na naglalakad si Minka at Chelo kasunod si Daimin at Kite at nasa huli si Demo at sinabayan sya ng lakad ni Laylin.
"So you're portunus." Mahinang sambit ni Laylin na sila lang ni Demo ang makakarinig.
"Huh?" Walang kaalam-alam na tanong ni Demo.
"Nah, don't mind me." Ang seryosong mukha kanina ni Laylin ay napalitan ng masayang mukha.
Portunus? Sa isip-isip ni Kite, dahil sa kanyang six sense ay narinig nya ang sinabing 'yon ni Laylin.
Nang nakabili na sila ng ink ay ginamit na ni Demo ang kapangyarihan ng libro at dinala sila nito sa Capital city of Bianjin sa Sang empire.
Puno ng mga puting rosas ang lugar na 'to at mas marami ang mga villager kaysa sa Capital city of Xijin. Pumunta muna sila sa Pub at diniliber ang sampung kilo ng jujube ale at kinuha ang kanilang quest reward. Dumagdag ng limang level si Demo at nasa 91 na 'to.
Alas dose ng gabi ang umpisa ng pa contest sa Bianjin, dahil na rin sa alas sais na ng umaga at lunes ay nag off na silang lahat maliban 'kay Daimin at pumasok na sa eskwelahan.
"Good evening mam/sir." Bati ni Demo sa mga pumasok na costumer sa store.
"Mukhang good mood ka ng mga araw na 'to." Saad ni Kycee at tumabi 'kay Demo.
"Bakit mo naman nasabi?" Pagtataka ni Demo.
"Kasi ikaw na mismo nag tatali ng buhok mo, dati-dati kung hindi 'ko pa sasabihin 'di mo gagawin."
"Ah, yun ba. Pinagiisipan 'ko rin kung kailan 'ko pagugupitan buhok 'ko, dahil ang haba na."
"Ehe, Mga taong hindi naabala sa ganyang bagay at ngayo'y naabala na sign yan na in-love ka. Kanino? Kanino?" Pangungulet ni Kycee rito.
"Na-nagkakamali ka." Mahiya-hiyang sabi ni Demo.
"Ehe, bakit ka namumula si Michaella ba yan." Panunukso nito 'kay Demo.
"Bakit mo naman nasabing si Michaella?" Nahihiya at nagtatakang tanong ni Demo.
"Eh, don't tell me may iba pa!? Hindi 'ko alam na lumalaki ka na babaero." Umakto pa itong isang inang nanghihinayang sa anak.
"E, hindi ako babaero tsaka hindi mo sinagot ng maayos yung tanong 'ko." Tumawa lang si Kycee at tinakasan na si Demo.
Alas onse nag log in na si Demo, at ganun din ang iba. Marami ang tao sa isang malaking teatro sa Bianjin. Umupo na sila roon at nakinig sa sinasabi ng M.C.
"Ang contest na 'to ay ipapakita ang ganda ng iba't-ibang klase ng sayaw mapa traditional o classical 'man 'to, hatid ng ating nag gagandahang mga lakambini na nag parehistro sa paligsahang 'to."
Lahat ng tao roon ay napanganga sa ganda ng mga lakambini na lumabas sa kurtinang pulang 'yon na mga nakasuot ng mga traditional dress ng iba't-ibang bansa.
Hindi rin napigilan at nag sigawan ang karamihan, at ang lahat ng sumigaw ay ang mga kalalakihan na player na manghang mangha sa ganda ng mga dilag.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...