/DEMO/
"Kuya kagabi ka pa nakabusangot dyan? Hindi ba tapos na test niyo dapat masaya ka na."
Paano ako magiging masaya kung hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na paraan paano makita si Demi.
"Sorry daimin, marami lang akong iniisip." Mahina 'kong sabi.
"Okay." Habang kain siya ng kain ng mga tinapay.
Maya-maya dumating na si Minka at nag lakad na kaming tatlo sa isang field at nag farm ng mga spell, para magamit sa mga boss map. Hindi 'ko rin nakakausap si Minka, dahil tahimik din ito lagi at walang kibo. Si daimin naman hindi 'ko alam ang takbo ng isip niya, tahimik lang din siya at hindi kumikibo at malungkot ang emosyon ng kanyang mukha.
Ganun lang ang lagi namin ginagawa tuwing magkikita, walang nag sasalita at farm lang ng farm. Kada araw na lumilipas mas lalong kumukunot ang noo ni Daimin na para bang may gustong sabihin pero hindi niya sinasabi at nananahimik nalang din.
Napabangon ako bigla ng may marinig na ingay sa kabilang kwarto kung saan natutulog si Demi at nanay. Ang akala 'ko bumalik na si nanay pero mali pala ako isa lang pusa ang nakapasok sa bintana ni ng kwarto ni Demi. Napaupo nalang ako sa bandang pintuan ng kwarto ni Demi, bakit kung kailan may gusto akong sabihin at tanungin sayo hindi ka nag papakita nay. Iniiwasan mo ba ako, dahil alam mong kukulitin kita about kay Demi. Alam kong hindi ipapahamak ni nanay si Demi, pero hindi 'ko pa rin matangap na kailangan niya 'tong itago sa'kin.
Nag-ayos na ako dahil mayroon pa kaming event sa iskwelahan about sa kapaligiran. Kaya sinuot 'ko na agad ang pang P.E 'kong damit at jogging pants, dahil ito raw need na suot sa event.
Alas sais pa lang ng umaga. Nakaupo kaming lahat na Fourth year sa isang field at bawat section ang linya. Ang mga teacher ay nasa harapan at sinasabi ang mga kailangan gawin. Sinabi rin nila na by fair ang gagawin at kada section, nag palabunutan upang malaman kung sino ang magiging partner mo.
"Okay hanapin niyo na ang inyong partner!" Sinabi ng head teacher.
Lahat ng istudyante rito dinikit ang kanilang nakuha sa box sa kanilang damit para mabilis makita ang partner nila. Ganun din ako at agad nag masid-masid kung sino ang kasma 'ko.
"Ikaw pala." Mahina 'kong sinabi ng lumapit 'to sa'kin.
Kumuha na kami ng walis tingting, bakal na daspan at plastik para sa mga basura. Nag lakad na kami sa binigay sa'min na pwesto rin, habang dala-dala ang daspan at walis. Nauuna ito at ako naman nakasunod lang.
Nang napunta na kami sa pwesto namin sinimulan 'ko ng mag walis habang siya ay pumupulot ng mga plastic bottle sa lapag.
Simula ng sinabi niya 'yun wala na 'tong sinabi pa muli. Hindi 'ko rin magawang tanungin muli siya about doon dahil alam 'kong wala naman siyang sasabihin sa'kin.
"Hoy."
"Ba-bakit?" Panic 'ko ng bigla 'tong nag salita, nasa gilid 'ko siya at naka simangot lang.
"You still worried about your little sister?"
Hindi 'ko alam pero nainis ako sa sinabi niya.
"Syempre naman! Sa tingin mo ba mawawala agad pag-aalala 'ko dahil lang sa sinabi mong 'wag kong i-involved sarili 'ko sakanila?"
Hindi 'ko makontrol sarili 'ko at nasigawan 'ko na 'to, buti nalang at walang mga tao sa paligid at walang nakarinig.
"I see. As long na hawak ng private doctor ang kapatid mo she's safe." Sabi nito muli.
"Hindi 'ko naiintindihan. Kung maayos kapatid 'ko bakit hindi 'ko 'to pwede makita o i-involved sarili 'ko sakanila?"
Hindi 'ko maintindihan lahat-lahat. Paano 'ko maiintindihan kung walang nag papaintindi ng mga 'to sa'kin. Nabitawan 'ko ang hawak kong walis at daspan at napasabunot nalang sa mga buhok 'ko.
"Because of private matters. Basta as long na ayos ang kapatid mo, why don't you calm yourself? Diba yun naman ang gusto mo malaman."
Tama siya yun nga gusto 'kong malaman. Pero hindi pa rin ako mapakali hangga't hindi 'ko 'to nakikita sa mismong dalawa 'kong mata.
Nanlaki ang mga mata 'ko at napatingin dito ng bigla nitong hinawakan ang buhok 'ko at tinap-tap 'to. Ewan 'ko pero, yung gusto 'kong ilabas na emosyon bigla nalang nag si labasan.
"You're really a crybaby."
Sinabi nito habang hinihimas-himas ang likuran 'ko. Nang umayos-ayos na ako parehas lang kami ni Michaella nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa langit. Walang nag sasalita sa'min dalawa, ang payapa ng paligid. Medyo umayos na naman ang nararamdaman 'ko. Nag sorry din ako 'kay Michaella dahil sa pag taas ng boses 'ko sakanya. Ayos lang daw yun, at buti naman daw at kumalma na ako. Wala naman daw ako mapapala kung iisipin 'ko yun ng may galit sa puso.
"E, I'm glad ayos ka na kuya." Ngiti nitong bati.
Hindi 'ko alam pero napangiti nalang din ako, kada titingin ako sakanya si Demi talaga naaalala 'ko. Ginulo-gulo 'ko buhok ni Daimin at nag lakad na kami papalapit 'kay Minka.
"Good evening." Bati 'ko rito.
"Your creepy smile is back. Evening, lets go." Sinabi ni Minka at tumalikod na.
Nag punta kami sa isang ruins para mag farm ng mga bato pang upgrade sa mga equipments namin para mas mataas ang aming mga damage.
"By the way, bukas na ulit ang legions war." Saad ni Minka.
"Oo nga pala. Kaya ba tayo mag upgrade ng equipments?" Tanong 'ko naman.
"Yeah. Lalo na mga equip niya mga cheap at mababa ang mga stats." Sabay turo ni Minka 'kay Daimin.
"What did you say? Kahit na cheap at mababa stats ng equipment 'ko, don't forget na level 70 na ako at kayong dalawa ay 35 pa lang!" Sabay pamewang naman ni Daimin at tumabi pa 'kay Minka.
"Aanhin namin ang high level kung patapon ang gamit?" Seryosong banat muli ni Minka.
"Ughh, nakakaasar ka! Sa wala akong mahanap na murang equipment e, hindi 'ko kasalanan yun."
"Anong hindi mo kasalanan... Ilang beses na kitang binigyan ng pera para bumili ng equipment mo pero inuubos mo sa mga pagkain na nakikita mo!" Sigaw ni Minka at kumunot na ang noo.
Ako naman nakaupo lang dito banda sa bato at pinanonood sila. Hindi 'ko maiwasan mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa.
"Huh, sino bang tao ang hindi masisilaw sa masasarap na pagkain nag kalat sa kingdom ng shizizuo! Sinasabi mo ba na dapat 'kong iwasan ang tinitibok ng puso 'ko... Tandaan mo, ang pagkain ay parang pag-ibig. Mahirap i give up!"
"Pagkain! Pagkain! Pagkain! Thats why nauubos lahat ng ipon at bigay namin sayo because sa pagkain na yan. Nevermind ako nalang mag hahanap ng equipment mo para hindi ka na masilaw sa pagkain na yan."
Hindi pa rin sila natigil sa pag aasaran, at nag-aaalala ako na baka mag kapikunan na sila..
"A-ano--."
"SHUT UP!" Sigaw nilang parehas.
Sabi 'ko nga tatahimik nalang ako rito at pababayaan na sila.
BINABASA MO ANG
Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)
Science Fiction[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numerous war events such as legion vs legion, player vs player, party vs party, guild vs guild and the le...