034: Friend/Or/Foe

6.4K 244 58
                                    

/DEMO/

Nandito ako ngayon sa classroom at nakaupo sa pwesto 'ko habang nakatanaw sa bintana.

Two weeks pa bago namin makita muli si Laylin, hindi ako mapakali sa gusto 'kong itanong sa kanya. Kinakabahan ako sa magiging kasagutan nya sa itatanong 'ko, at para tuloy nag dadalawang isip pa ako kung gusto 'ko ba talaga yun malaman.

"May kilala ba kayong taga shuipingzuo legion na istudyante rito?"

Luminggon ako sa kabilang gilid 'ko at nakatayo si Jio habang nagtatanong 'kay Tanya at Thea.

"Hmm. Wala e, bakit?" Sagot at tanong ni Thea.

"Ako mayroon kilala, pero bakit muna? Bakit ba interesadong interesado ka sa mga taga shuiping?" Tanong naman ni Tanya rito.

"Heh, syempre yayayain 'ko sila ng PvP! Ano pang ibang magiging dahilan 'ko." Sarcastic pero agad umiwas ng tingin si Jio.

"Really? Sa next room yung grupo ni Minnie, apat ata sila na shuipingzuo ang legion." Pagtataka ni Tanya.

Nag madaling lumabas ng klase si Jio at sumunod si Gin at Ricky. Nakatingin pa rin ako sa gawi nila Tanya ng bigla silang dalawa luminggon din kung nasaan ako, agad 'ko naman iniwas ang tingin 'ko. Naramdaman 'ko ang pag hatak ng isang bangko at hinto sa harapan ng aking lamesa. Si Tanya 'yon at umupo siya sa bangko na kanyang kinuha, si Thea naman nanatili lang sa upuan nya pero malapit lang din ito.

"Hindi ba ang saya nung nakaraang legions war! Hindi 'ko akalain na mayroon ka pa palang dalawang ka party, except sa babaeng may dual-blade na kasama mo nung unang pagkikita natin." Tuloy-tuloy na kwento ni Tanya.

"Ye-yeah." Sagot 'ko dahil wala rin akong masabi.

"Ahh! Yung gusto 'ko talagang sabihin yung tungkol sa isa nyong kasama, balita 'ko may kasama kayong gumagamit ng light magic! Kapag naging cap level ang isang yun paniguradong maraming kukuhang ibang party sa kanya kaya ang swerte nyo. Kinwento rin ni Rick na walang nagawa si Tenyu ng nag cast ng magic ang isang yun!" Ewan 'ko pero ang friendly niya ata ngayon or talagang malaki ang impluwensya ng larong 'yon.

"Pero wala rin naman kaming nagawa ng gumamit si Tenyu ng skill nya." Sagot 'ko naman dito.

"Ano ka ba, kahit naman kami walang nagawa nun at bumalik sa base namin." Sabay palo nito sa braso 'ko at tumawa pa.

"Ah! Nga pala hindi 'ko alam na may girlfriend ka na pala, girlfriend mo yung nakadual-blade na babae diba? ano ba pangalan nya hmm Min.. Minea!" Sabi nito at nakangisi ang mga labi.

"Hi-hindi!" Mabilis 'kong sagot, sabay iwas ng tingin.

Hindi Minea, Minka.

"Eeeee, pero namumula mga pisngi mo! Talaga ba, talaga?" Pangaasar pa rin nito.

"Hindi talaga, ka-party 'ko lang sya." Sagot 'ko muli.

Magsasalita na muli 'to ngunit biglang dumating ang teacher namin at bumalik na sya sa pwesto nya sa harapan ni Thea, luminggon pa 'to 'kay Thea at may binulong sabay tingin sa'kin at kindat.

Wala akong naintindihan.

Naguwian na, at dumiretso na 'ko papunta sa work.

"E, kuya Zack?" Sabay lapit 'ko sa lalaking nag aayos ng mga cup noodles.

"O, Demo bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong naman nito.

"Wala naman po, hindi lang ako sanay na napadalaw ka dito kuya Zack." Sagot 'ko rito at tinulunggan sya sa pagaayos.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon